Chapter 20

742 18 2
                                    

Agatha's POV

Kakarating lang namin ni daddy sa bahay, hindi ko talaga alam kung anong meron kay daddy eh kanina pa sya tulala tapos ang lalim pa ng iniisip nya. Parang nakakita ng multo eh.

Sinilip ko si daddy sa may kusina kasi dun sya dumiretso. Nakita ko syang nakaupo habang kinakalikot yung cellphone nya.

"Daddy paano ka po nyan matatapos sa pagluluto eh cellphone ka po ng cellphone."

"May ichecheck lang ako anak."

Bumalik na ako sa living room para manood ng TV.
Nilipat ko sa disney channel sakto naman mickey mouse ang palabas.

While watching kinuha ko yung phone ko at nag open muna ako ng social media accounts ko.

Nakita ko namang nagmessage si Tita Dawn.

From: Tita Dawn

Hey Agatha! Take care, we miss you so much. Hope to see you soon. We love you.

To: Tita Dawn

Hi Tita! Thank you for always remembering me. The best ka po talaga. Hope to see you soon too. I love you too.

Si Tita Jodi din nakita ko yung message nya.



From: Tita Jodi

Hi Agatha! How's your Day with your Dad? Nakapagikot na ba kayo dito sa New York? Saan kayo unang pumunta? Tell your dad na pumunta kayo dito next week ha. Take care Agatha. I love you.

To: Tita Jodi

Hello Tita!  Ok lang naman po kami ni daddy, sobrang saya po kasi madaming tao akong nakasalamuha, Kakauwi lang po namin ni daddy galing po kasi kaming central park. Yes Tita i will tell dad na pinapapunta mo po kami jan sainyo. I love you too.

I'm so lucky to have Tita's like them....


After kong magbukas ng mga messages pinatay ko na ulit yung phone ko at nanood nalang ng TV.

After 15 minutes sinilip ko ulit si daddy, may kausap sya sa phone and I think it's Tito Richard.


"Chard i have something to tell you!"

Sabi ni daddy, pero hindi ko naririnig yung sinasabi ni Tito Richrd. I know masama tong ginagawa ko na makinig sa usapan ng iba, pero parang may mali talaga kay daddy eh, kanina pa sya hindi mapkali.

"I saw them with her daughter! Kitang kita ng dalawang mata ko. Una palang kanina habang nakain kami ni Agatha ng breakfast nakita ko silang tatlo magkakasama at magkakahawak kamay."

Sino kaya yung tinutukoy ni Daddy na nakita nya kanina?

Nanatili pa din akong makikinig kasi ng nacurious ako.


"Pare kanina natamaan ako ng bola nung bata, tapos habang nasa kiosk ako ng burger kasunod ko sila and takenote ngumiti yung bata sa akin, ang weird talaga there's something wrong"




Babalik na sana ako ng biglang nagsalita ulit si daddy.


"Ayun na nga eh hindi ko nakita si Lea! Nahilo na ako kakaabang at kakalibot ng mata ko, wala akong nakitang Lea! Hindi ko alam kung bakit! Pero kanina nakita ko sila na naglalakad, kitang kita mismo ng dalawa kong mata."




Ibig sabihin nandito nga si mommy sa New York, kaya ba hindi mapakali si daddy kanina kasi nakita nya yung anak ni mommy at yung lalaki. It mean's possible na magkita kami anytime.



"Anak kanina kapa ba jan?"


"Hindi po dad." Pagsisinungaling ko.


Nilipat ko sa ibang channel yung TV. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari. Hindi pa ako ready na makita silang masaya habang ako nagdurusa.


After 1 hour tinawag na ako ni daddy para kumain.
Nilagyan ako ni daddy ng rice.

"Agatha kanina mo pa hindi ginagalaw yung pagkain mo, akala ko ba gutom ka?"


"Bigla po akong nabusog eh." Pagsisinungaling ko ulit pero hindi talaga ako busog, nag iisip lang talaga ako.

"Kanina lang ako yung malalim ang iniisip, ngayon ikaw naman, ano bang iniisip mo?"


"Kung nalulunod din ba ang isda?" Segway ko para hindi ako mahalata ni daddy na may alam na ako about kay mommy.


"HAHAHAHAHAHA lanya naman anak yan lang iniisip mo? HAHAHAHAHAHAH"





"Daddy stop laughing let's eat na."


"Kala ko ba busog ka?"


"Joke lang po yon hahahahahaha."



Sabay kaming kumain ni daddy at puro kwentuhan lang ang ginawa namina after naming kumain.










































Where are you?Do you still remember me Mommy?

Do You Still Remember Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon