May mga bagay sa mundo na mahirap ng balikan, yung mga bagay na hinihiling mo na sana di mo ginawa, yung mga alaala na nagpapahirap sayo tuwing maiisip mo ang nakaraan kaya mas gugustuhin mo na lang na itaboy ang lahat ng iyon at magsimula ng panibago.....
Tumatakas ka dahil natatakot ka na maramdaman muli ang sakit ng nakaraan pero dahil sa pagtakas mo na iyon saka mo lang nakita na dapat sana hinarap mo iyon ng hindi mo ito pinanghihinayangan ngayon...
May mga bagay din na akala mo wala na, pero kapag may isang bagay kang nakita, ang alaala nito ang syang nagdudulot ng kalituhan hindi lang sa isip maging pati sa puso meron ding panahon na may bagong dadating may malalaman ka na matagal ng lihim dadating ka sa punto na kailangan mo mamili at sa huli ang puso mo pa rin ang mananaig.
Continuation...
Nang umalis si Dave sa Blue Crest Academy unti unting nagbago ang lahat grumaduate sila sa highschool, nagkahiwahiwalay silang magkakabarkada, Si April, Pinky, Fatima at Luigi ay pumasok sa Time University, habang magkakasama naman sa Blue Crest University sina Mori, Marinella, Mary at Jake, nabalitaan nila na si Dave ay napasok na sa Time University bilang college student na ikinagulat ng lahat gayung sila ay mga second year pa lamang ng mga taong iyon. Ngayon ay bagong taon ng pagpasok at bilang mga freshmen college magsisimula ang bagong kwento ng barkada.
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Teen FictionA story of two people who takes time to move on and find new love of their own