CHAPTER 41

433 12 0
                                        

JV's POV

  Nasaan kaya si pinuno? Kanina pa namin siya hindi kasama,

"Baka pumunta lang kung saan" Sabi sakin ni Yhanz.

  Kahit kailan ang hilig nito mambasa ng isip!

"Okay" Sabi ko nalang.

  Lumabas muna ako, imbis na tumakbo nalang ako ng mabilis mas pinili ko pang maglakad-lakad.Pumunta ako sa labas ng school at naglibot-libot, hanggang nasa tapat ako ng Magical Garden hindi pako nakakapasok dito kasi mukhang boring lamang.Pero ewan kusa kumilos ang mga paa ko at pumasok sa M.G, nadama ko ang sariwang hangin nakakagaan ng pakiramdam at napaka tahimik.Tumulay ako sa maliit na bridge, at napatingin sa lawa napangiti ako ng makita ang mata ko na kulay asul.Tumingin ako sa langit kaya pala, kabilogan ng buwan ngayon.Naglakad-lakad lang ako at umupo pagkatapos sa bench, pumikit ako at kinalma ang aking sarili.

"Wag kang matakot, bumaba kana diyan sa puno baka mahulog kapa" Sabi ko.

  Oo may tao, kanina ko pa ramdam na dalawa kaming nandito sa loob ng M.G nagkataon lang.Nakarinig naman ako ng mabilis ng tibok ng puso tilay kinabahan at natakot.Agad naman ako tumakbo ng mabilis sa malaking puno at sinalo ang isang babae na parang buhat pangkasal, diko naiwasang mapatitig sa mata niya.

  Anong nangyayari sa puso ko? Tila ang lakas ng kabog may problema na ata ang puso ko.

"Are you okay?" I said.
"Y-yes thank you" She said.

  Lalong lumakas kabog ng puso ko ng marinig ang boses niya, anong meron sa babaeng ito at tila nagkakaroon ng deperensya ang tibok ng puso ko?

"A-ahm.. pwede mo na ba ako ibaba?"

  Nataohan naman ako dahil buhat ko parin pala siya,

"S-sorry" Nauutal na sabi ko.

  What's happening to me?

END OF CHAPTER
END OF POV

The Magical World Challenge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon