CHAPTER 40

447 13 0
                                        

Prince Handrex's POV

  Napaka kulit talaga ng mga ito kahit kailan, hindi ako iibig sa mortal dahil yun ang pinakaunang kailangang sundin ng aming angkan.
  Kami nila Liel, Haze, JV, at Yhanz ay isang bampira hindi kami magkakapatid o magpinsan.Matatalik lang na magkakaibigan ang mga magulang namin kaya't naging magkakaibigan din kaming pito, oo tama nabasa ninyo pito kami.Sa ngayon hindi namin siya maaaring makasama, sa kadahilanang may misyon siyang dapat gawin.

  Ako ay isang kalahating bampira at kalahating human bender, ang aking ama ay isang bampira at ang aking ina ay isang human bender.Oo mortal ang aking ina ngunit dahil sa may sariling batas ang angkan namin, na kapag nag asawa ang bampira ng mortal ay dapat nila itong gawing bampira.Para ang mga magiging supil ay maging purong bampira at dahil ang aking ina ay may kapanyarihan ng mga benderas nagkaron din ako nito.Ganoon din ang kaso ng mga kaibigan kong sila Liel ang ama nila ay bampira at ang ina nila ay mortal na may taglay na kapangyarihan at ginawa rin ang mga ito na bampira.

  Para sa iba ang taong may kapangyarihan ay matuturing din na Immortal katulad namin, ngunit saamin angkan ay hindi, isa parin silang mortal.

  Kaya naman bawal kaming umibig sa mortal, dahil malupit na parusa ang matatanggap namin kapag lumabag kami sa batas ng angkan namin.

"May pasok naraw tayo bukas" Sabi ni Yhanz.

  Nandito kami sa Prince's Private Room, buti naman at may pasok na.Siya nga pala si Yhanz Mike Escobar, tapos yung isa naming kaibigan si Joe Vince Villarama, JV for short, at si Haze Zam Argana,

"Maigi kung ganun" Sabi ko.
"Asus purket makikita mo lang crush mo eh" Biro sakin ni Haze.
"Tigil-tigilan monga ako sa mga biro mo!Baka naman ikaw ang may gusto sa isa sa mga mortal nayun!?" Pikon ko na sabi sakanya.
"Wag monga baliktarin Handrex, aminin mo na kasi" Natatawa niyang sabi.

   Kunti nalang malilibing kona siya ng buhay!

END OF CHAPTER
END OF POV

The Magical World Challenge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon