A Growing Unease

23 1 0
                                        

REIGN'S POV

9 am in the morning kakatapos lang namin magbreakfast, tapos tinipon kami ni Louise kasi may sasabihin daw siya. Lahat kami nasa sala at hinihintay siyang magsalita. She looks bothered.

"Are you okay Louise? Bakit mo ba kami tinipon dito?" Tanong ni Jazel.

"Kasi guys kagabi, nagising ako and I saw a man from the window standing outside this house staring directly to me from afar." Sabi niya.

"Wtf!? That's creepy!" Sigaw ni Cha.

"Did you saw he's face?" Tanong ni Daniel.

"No i didn't. It was too dark. Hindi malinaw ang pagkakakita ko sa mukha niya." Sagot naman ni Jazel.

Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya.

"Baka naman yun yung owner ng bahay na matagal na nating hinihintay?" Tanong ni Prince.

"At first, yan din ang inisip ko eh pero, kung siya yung may ari ng bahay bakit hindi niya tayo pinuntahan. Bakit hindi siya pumasok o kumatok man lang? And he was there ng 12 something ng umaga do you consider that normal?" Sagot ni Louise.

May punto nga naman siya. Bakit naman tatayo lang yung may ari doon sa tapat ng bahay kung pwede naman siyang makapasok o kumatok. At ang creepy nun sinong tao ang tatambay at tutunganga sa harap ng isang bahay ng hating gabi?

"Good time lang to Louise no?? Nice prank okay! Napaniwala mo na kami. Sige na tama na! Hahahah." Pagbibiro pa ni Liam.

"No she's not lying! Kagabi naabutan ko siyang lalabas na sana para sundan yung sinasabi niyang nakita niya buti nalang at napigilan ko dahil nagkataong gising din ako." Pagdipensa naman ni Flinn.

Kilala ko din si Louise. Hindi siya magsisinungaling ng mga ganung bagay.

"So totoo nga talaga?" Pagkaklaro pa ni Natasha.

"Totoo nga guys! At eto meron pa! Tignan nyo tong picture natin." Sabi niya habang may kinakalikot sa cp niya.

"Group picture natin to. Pero tignan nyo may tao sa likod natin. Malayo siya pero sigurado akong tao yan!" Dagdag pa ni Louise tapos ipinakita samin yung picture.

Lahat talaga kami kinilabutan sa pinagsasabi ni Louise ngayon.

"So you think that person in the picture is related to the man you saw?" Tanong ni Margaux.

"I guess they're not related. Sa palagay ko, yung taong nakita ko at yung tao dito sa picture ay iisa." Sagot ni Louise.

"So anong kinakatakot natin guys? Wala naman siyang ginawa sa atin eh. " Sabi ni Carl.

"Hihintayin pa ba natin na may gawin siya sa atin?" Sagot ko.

"C'mon guys! Isang tao lang yan. Ang dami dami natin dito. Saka di naman tayo pwedeng manghusga. Malay mo nga magkaibang tao yang nasa picture at sa nakita ni Louise eh." Paliwanag naman ni Carl.

"I get your point Carl, pero hindi tayo pwedeng magtiwala. Hindi natin alam kung anong pwedeng gawin satin ng taong yan." Sagot ko naman.

"Guys, I think we should go home. Nakakatakot na." Sabi ni Jazel.

"No way! Kararating lang natin kahapon tapos uuwi din tayo agad? Para saan pang tinawag na bakasyon to?" Pagaargue ni Liam.

"But it's not safe anymore!" Sagot ni Jazel.

"Wala naman nangyaring masama sa atin eh. Kung may balak talagang masama yang taong yan, bakit hindi pa niya ginawa nung nagswimming tayo sa falls? Bakit hindi niya pa ginawa kagabi? Nung nakita siya ni Louise?" Sabat naman ni Carl.

"He's right. Siguro, wag na muna natin ioverlook yung mga ganyang bagay." Sabi ni Ejay.

"Kaylangan natin ioverlook para sa safety natin! Hindi na natin kaylangan maghintay na may mangyari muna satin bago tayo kumilos!" Sagot ko.

"So let's go home." Pagsangayon sakin ni Daniel.

"What? No! Ang dami dami natin dito guys tapos natatakot kayo?" Sabi ni Liam.

"Marami tayo oo. Pero malayo tayo sa mga bahay natin. If ever na may mangyari satin dito walang makakaalam. Walang signal dito. Kaylangan pa natin lakarin yung masukal na gubat para makalabas tayo doon sa gate! At doon lang may signal!" Sabi naman ni Louise.

"Guys wag naman kayong nega, please. We're here to have fun." Sabi ni Margaux.

"Alright! Kung ayaw nyo umuwi kami ang uuwi." Sabi ni Jazel.

"But.. I think you can't just go without us. That's unfair. Uuwi kayo tapos gagamitin nyo yung sasakyan eh pano naman pag kami na yung uuwi?" Sabi ni Prince.

"Ganito na lang guys okay? Magbotohan nalang tayo then. majority wins. Kung sino mang konti ang boto you have to respect the majority." Sabi ni Natasha.

Walang nakapagsalita sa sinabi ni Natasha. Alam na namin na mananalo sila. Kami lang naman ang mas inisip yung kaligtasan ng lahat eh. Pero dahil sa kagustuhan nila para sa pansariling kaligayahan, hindi nila yun inisip.

"Okay, silence means yes. So.. sinong gusto ng umuwi?" Tanong ni Natasha.

I raised my hand. Kahit alam kong di kami mananalo maninindigan ako. Para kapag may nangyaring masama sa amin sila't sila lang ang may kasalanan. So me, Jazel, Louise, Flinn and Daniel raised our hands.

"So pano ba yan? Walang uuwi. Siguro naman okay na kayo diyan." Sabi ni Liam.

Nagwalkout si Jazel sa sinabi ni Liam tapos sinundan siya ni Daniel.

"You leave us no choice guys. Sana lang talaga walang mangyaring masama." Sabi ni Louise.

"Binigyan naman namin kayo ng choice ah? Kaya nga tayo nagbotohan eh." Sabi ni Carl.

"Ah really? Should I say na mas iniisip lang namin kapakanan nyo? Unang una para sa kaligtasan nating lahat inisip na namin na umuwi nalang tayo bago pa may mangyari satin dito. And lastly yung sa sasakyan? I could've just ignore that poll and drove our ass off away from this house besides sasakyan ko naman yun right? Pero hindi. Pinili parin namin bumoto kahit na alam naming di kami mananalo. Kasi oo nga naman, pano nga naman kayo pag nauna na kaming umuwi? Unfair diba? Pero di nyo inisip yung nararamdaman namin. Hindi nyo inisip na para sa inyo rin naman bakit kami nagaalala." Mahabang letanya ni Louise bago siya umakyat at pumunta sa kwarto niya.

Nasabi na niya lahat kaya wala na akong dapat pang sabihin.

"Labas lang ako guys, pahangin lang ako." Yun nalang ang tangi kong nasabi bago lumabas ng bahay.

Sa labas nagpahangin ako para mawala yung stress. Maya maya naramdaman ko nalang na may tao na sa likod ko. Kinabahan ako dahil sa mga nasabi ni Louise kanina pero agad din namang nawala ng makita kong si Liam lang yun.

"Bakit ka andito?" Cold kong tanong sa kanya.

"I'm sorry." Hindi makatinging sagot niya sakin.

"It's fine. Tapos na eh." Sagot ko nalang sa kanya.

"Gusto lang naman namin sulitin yung araw na to na magkakasama tayo. Di na natin to magagawa pag college na tayo. Matatagalan pa ulit bago maulit." Paliwanag niya.

"Naiintindihan ko naman. Pero sana naintindihan nyo rin na baka di na tayo makaulit kapag may mangyaring di maganda satin dito ngayon." Sagot ko.

Napabuntong hininga siya.

"Wag kang mag alala reign.. hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa iyo. Este.. sa inyo pala sorry." Utal utal niyang sabi.

"Sana nga lang talaga walang masamang mangyari. Alam mo naman kung gaano kaimportante sakin tong friendship natin na to. Para na tayong pamilya." Sagot ko.

Ngumiti lang siya tapos niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya pabalik.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon