STORY FIVE

129 8 1
                                    

~~~~~~~♥~~~~~~~~~

Nandito ako sa labas ng Orphanage kung saan ako nakatira.Kung saan ang lugar na kinahihiya ng iba.Pero ako?maipagmamalaki ko ito hindi man kalakihan o kagandahan alam ko na ang dahilan ng paggawa nito ay ang siyang pagtulong sa mga katulad ko.

Nakatanaw lang ako sa bawat bituin na nagniningning. Habang iniisip ang mga bagay na nagpapagabag sa akin.

Magkaibigan kami ni Ryukia siya ang may ari ng paaralang pinapasukan ko at hindi iyon ang dahilan ng pakikipagkaibigan ko sa kanya dahil tulad niya kailangan ko rin ng kaibigan na totoo at hindi lang masabi na kaibigan.

Kumuha ako ng bato mula sa paanan ko habang nakupo ako sa bench sa may garden ng Orphanage at binato bato iyon di ko alam pero bigla nalang may mga luhang pumatak sa mula sa mata ko.Iniisip na mali nga ba na naging kaibigan ko siya?o mali ang hinuhusga ng iba?

Gusto kong tigilan ang pagkakaibigan namin para hindi ako mahusgahan pero ayaw ko na ang kaibigan ko na totoo ay papakawalan ko para sa mga mapangmatang tao.

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.Si Mader Maria."Bakit gising ka pa?"tanong niya.

Magsasalita na sana ako nang magtanong siyang muli
"Palitan natin ang tanong.Ano ang nagpapagabag sayo?"tanong niya habang palapit saakin.

Tuluyan siyang nakalapit sa kinauupuan ko at umupo na din.

"Mader pwede po magtanong?Bakit kung sino ang taong nagpapasaya saatin ang siyang walang kakayahang maging atin nang walang humuhusga?Bakit kailangan may masaktan?Bakit kailangang mamili sa bitawan ang nagpapasaya o bitawan ang nagpapalaya?Bakit?Kasi ako gulong gulo na."

"Anak..Hindi mo masisisi ang ibang tao na husgahan ka at si Ryukia"napalingon ako kay Mader dahil wala naman akong sinabing pangalan ay alam na niya.

"Hindi mo man sabihin alam ko dahil siya lang ang taong nagpapasaya sayo.At ang taong naging dahilan ng panghuhusga saiyo."huminga nalang ako at tumango tango habang patuloy na dumadaloy ang luha mula sa mata ko.

"Kung ganoon ano pong magagawa ko?Kailangan ko po ba siyang layuan?O ipamukha sa mga mapangmatang tao na hindi ako isang Gold-digger friend niya?"nallilitong tanong ko sakaniya.

"Hindi mo ko kailangan tanungin.Alam ko na alam mo na ang sagot nililito mo lang ang sarili mo."nakangiting sagot niya

"Kung nalilito ka parin sasabihin ko sayo ang magiging epekto ng dalawang pagpipilian mo!"tuluyan akong humarap kay Mader at pinakinggan siya dahil alam ko na ang pakikinig sakanya ang magbibigay liwanag saakin.

"Kung iiwan mo si Ryukia para lang hindi mahusgahan aba'y siguro tama nga ang taong hinusgahan nila dahil ikaw hindi mo kayang lumaban para sa kaligayahan mo."

"Sa tingin mo pag iniwan mo siya magiging masaya ka?Masaya ka dahil sinaktan mo ang taong nagpapasaya sayo?Masaya ka dahil binalewala mo ang taong tumanggap saiyo?"tumawa siyang pabiro at tumingin saakin.

"Hindi.Dahil ang tawag sayo ay DUWAG.Duwag kang ipaglaban siya.Duwag kang alipustahin.Duwag ka at iyon ang totoo."

"Kapag ba iniwan mo siya titigil ang mga nangaalipusta sayo?HINDI.Lalo pa silang gaganahan dahil madali kang sumuko.Ang mga taong ganyan?hindi lang sa isang pagkakamali mo nakatutok kundi sa lahat."

"At kung hinigpitan mo ang hawak sa kamay ng kaibigan mo?Sasaya ka sasaya siya.Ang importante ay kayong dalawa hindi ang mga taong ginawa kayong pelikula at ikaw ang sinising kontrabida na siyang gagamitin ang pinakamamahal nilang bida."litanya niya at tumayo na.

"Tama ka Mader ipapaglaban ko siya wala akong pake sa mga taong sumusubaybay sa programa wala akong pake kung ako ang kontrabida basta masaya kaming dalawa.Ang kamay niya ay aking hahawakan at hihigpitan na para bang isang tali na sasagip sa aking paghulog sa bangin.Dahil ang tulad niya ay kaibigang di na dapat pang pakawalan".

Maliwanag na sakin na simula nang pagkakaibigan namin handa nakong ipaglaban siya di dahil kailangan ko siya kundi kailangan namin ang isat isa.

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon