~~~~♥~~~~~Tumalikod na ako at ganon din ang ginawa ni Ryukia.
Upang masimulan na ang ginagawa nila pero di pa man nagsisimula ay nagulat kami nang biglang tumayo si Sol na nagpalingon saamin ni Ryukia.
"What happened?" tanong ni Ryukia kay Katie. Samantala ang batang ito naman ay kumibit balikat lamang.
Napailing nalang ako at tumakbo papunta kay Sol.
Nang maramdaman niyang palapit ako ay tatakbo sana siya nang hilahin ko ang kamay niya.
Noong oras na harapin ko siya ay parang may tumusok sa dibdib ko na isang punla nang makita ko ang mga patak nang luha sa mga pisngi niya.
Para akong naestatwa nang harapin ko ang batang ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin. Para akong isang ina na nanghihina sa nakikita ko sakanya.
Wala pa mang isang minuto ay pinunasan na niya ang luha niya.
Napakunot ang noo ko at nawala iyon nang marinig ang mga yapak at alam kong kay Ryukia at Katie yon.
Tumayo ako at tinakpan si Sol.
"Maari ba kayong umalis muna?Kakausapin ko lang si Sol." walang emosyon kong saad pero nang dumako ang tingin ko kay Ryukia ay nanghina ako.
"Problem?" saad niya pero walang boses na lumabas sa mga bibig niya tanging paggalaw lang nito kaya nalinawan ko ang nais niyang sabihin.
Malumanay na kinausap naman ni Ryukia si Katie para umalis muna at bigyan kami nang oras.
"Bakit ka umalis?Anduga mo talaga attitude kang bata ka ikaw nanghihila tapos aalis ka!" sermon ko sakanya.
"Iyan ka nanaman eh manenermon ka nanaman alam mo bang nakakainis ka lagi mo kong pinapagalitan!!" sigaw niya sakin habang patuloy na umiiyak.
Nanghihina akong pagmasdan siya.Y-yoon ba talaga ang nararamdaman niya tuwing pinapagalitan ko siya?
Ngumiti ako nang malungkot sakanya at tumatango.
Nanghihina akong lumapit sakanya
"I....I didn't.... know" putol putol na sabi ko para akong kinakapos nang hininga.
Lumunok ako at bumulong sa kanya.
"Sa mangyayari sa pagkakaibigan namin nang ate Ryukia mo wag kang gagaya sa gagawin ko, Sol" saad ko sakanya hindi ko namalayan ang pagpatak nang mga luha ko.
Masakit. Hindi ko inaasahan yung sinabi niya. Para sa iba ay napakasimple noon pero para saakin na nagmamalasakit sa kanya ay ngayon palang natatakot na ako.
Tumalikod ako sa kanya at nanghihinang tumayo muli mula sa pagkakaluhod nang kausapin ko siya.
"Sol, sa oras na makakita ka nang kaibigan 'wag kang gagawa nang dahilan para magkasira kayo kasi kapag dumating ang oras na iyon. Madudurog ka." saad ko patalikod at nanghihinang nagsimula nang humakbang.
Aalis na sana ako nang hinawakan niya ang binti ko nanghihina ako dahil alam ko malapit na. Malapit na siya.
Napahawak ako sa labi ko para pigilan ang paghikbi.
Tinanggal ko ang kamay niya sa hita ko at muling lumuhod.
Nang makita ko ang mga luha niya ay kaagad ko yong pinunasan at hinalikan siya sa noo.
"Shh dont cry. Im sorry" nanghihina kong sabi. At kaagad nang tumakbo palayo.
Nang mahagip nang mata ko si Ryukia ay agad ko siyang hinila.
BINABASA MO ANG
Behind Of My Successful Life|✅
Mystery / Thriller|UNEDITED| The Story. Khurshanne Francisco, a Successful Bussiness Woman that has a story that'll made you think twice if she is really the woman you adored. Started Writing: January 26, 2020 Finished Writing: May 23, 2020