STORY FIFTEEN

77 5 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

Naalimpungatan ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Mainit at maaraw paren ngayon kahit na tanghali palamang.

Noong tuluyan ko nang buksan ang mga mata ko ay napatayo ako na naging dahilan bakit nawalan nang balanse ang dalawa at nagising naren.

Nabakas din ang gulat sa mga mata nila nang makitang wala nang tao sa loob nang bus.

Noong sinabihan ko si manong na bababa na kami ay kaagad naman niyang ihininto ang bus at pinababa kami.

Hindi ko alam ang bayan na patutunguhan namin kung kaya't hindi ako sigurado kung nandito na ba kame sa distinasyon.

Habang tinitignan ko ang paligid ay nakatingin lang saakin sina Ryukia at Sol. Ang mga mata nila ay tila nanlilimos ng tulog.

Galit na nakatingin saakin si Sol na para bang sinisisi ako sa biglaang paggising niya sa mahimbing na tulog.

Tinignan kong muli ang paligid at nakitang mayroong dalawang malaking bundok na magkatabi ngunit sa gitna nito ay may daan na tila papunta sa isang bayan.

Napangiti nalang ako at naisip na baka ito nga ang bayang ito.

Nang tumingin akong muli sa dalwa ay nakitang nakahiga na ito sa damuhan nilagyan nalang nila ng kumot para gawing pangsapin.

Halata ang pagod sa kanilang dalawa.

Maganda ang bayan na ito at alam kong sa pagdaan doon sa maliit na daanan ay mas maganda pa rito.

Napatingin ako kay Sol at napangiti ng malungkot. Wala akong alam kung andito ba ang pamilya niya o sadyang napadpad lang siya dito.

Wala akong ideya at alam na impormasyon sa kanya miski si Sister at wala ding alam.

Nagulat ako nang may kumalabit saaking bata.

"N-Nakakagulat ka naman be." sabi ko sakanya at nakahawak pa sa dibdib.

"Bakit po tila nakahiga doon?" wika ng bata at tinuro sina Ryukia at Sol.

Hindi ako nakasagot sakanya at pinagmasdan lamang ang mukha niya.Kita ko ang galit niya noong makita sina Sol at Ryukia na nakahiga sa isang parte ng damuhan.

Nagulat ako ng hinila niya ang braso ni Ryukia upang gisingin ito.

Kaagad naman nagising si Ryukia sa pagkatulog at nagulat nang makita ang bata. Habang ako naman ay naguguluhan parin kung ano ang ginagawa niya.

Napatingin saaken si Ryukia nang nakakunot ang noo nagkibit balikat nalang ako sakanya.

"Umalit po kayo diyan." kinakabahan at nabubulol na sabi ng bata.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa sinasabi niya.

Tinanggal niya na ang pagkakahawak sa kamay ni Ryukia at lumayo ng kaunti.

"W-Wag kayo diyan pag n-nakita kayo ni M-mommy papata---" di niya natuloy ang sinasabi niya nang may biglang tumawag sakanya.

Kaagad naman nakarating ang isang matandang babae, marahil ay nag-aalaga sa bata.

Nakakatakot ang tingin nang babaeng ito tila ano mang oras ay papatayin kami.

"Ingatan mo sila." makahulugang salita niya saaken at tinignan sina Sol at Ryukia na nakahiga paren.

A/N:

Hi guys 200 reads na siya HAHAHA araw araw akong mag-ud pero tuwing madaling araw nako nagsusulat at napupub yun tuwing umaga na. Thank you again Iloveyou!♡♡♡

Ps: Baka hindi po ako maka-ud bukas pero itatry ko po!♡

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon