~~~~~♥~~~~~
Nakapikit ang mga mata ko pero hindi ako makatulog.Hindi ako makatulog.
Nanlalamig ako na para bang patay.
Haven't been at North or South Pole but why does it feel that I already felt the coldest nights?
Noong umalis si Katie ay aaminin ko nalungkot ako hindi dahil di nasagot ang mga katanungan na nabubuo sa utak ko kundi dahil sa pagalis niya ipinagdadasal kong bumalik siya.
Pinagdadasal ko na bumalik sila. Dahil hindi ko na kaya.
Pagod na ako na sabihin sa sarili ko na kaya ko pa when in fact napapagod narin ako.
Gusto kong tumayo mula sa hinihigaan ko gusto kong puntahan si Ryukia.
Gusto kong bawiin yung mga sinabi ko.
Gusto kong sabihin sa kanyang tama siya at mali ako.
Gusto kong magmakaawa na wag siyang umalis.
Tatayo na sana ako nang makarinig ako nang mga yapak mula sa labas nang pintuan kung kaya't agad akong humiga.
Tinalukbon ko ang kumot sa mukha ko nang maamoy nang pamilyar na amoy.
Hindi man ako humarap ay alam kong siya ito.
Alam kong si Ryukia to.
Nang maramdam ang init nang yakap niya ay napahawak ako sa bibig ko, pinipigilang ang hikbi na kumawala.
"Aalis na ako pupunta na akong Spain. Dun na ako titira. I'll miss you.....my friend." sabi niya ramdam ko ang pag-iyak niya sa leeg ko.
Hindi ko na napigilan at napaupo mula sa kama.
Nakatingin lang ako sa kanya habang masaganang tumutulo ang mga luha ko patungo sa pisngi.
Agad akong lumabas nang kwarto ko at umalis sa hospital na yon, ramdam ko ang sigawan at pagtawag nang aking ngalan.
Napangiti ako nang makita ang unti unting pagbagsak nang ulan.
Agad akong pumunta sa gitna nang kalsada.
Wala kong pake kung sinisigawan na ako at tinatawag nang iba't ibang salita.
Napapagod na ako.
Napapikit nalang ako at napaluhod.
Napagitla ako nang may yumakap mula sa likuran ko.
"I'm sorry for demanding for your attention too much." yun na lang ang nasabi ko kahit nabubuhol buhol na ang mga nais kong sabihin.
Kita ko ang pag-iling iling niya.
"Khurshanne,tara na may flight pa ako."
Napalingon ako sa kanya.
"Please, wag ka umalis please." pagmamakaawa ko sakanya.
Lumuhod ako saharap niya. Ngayon na magkatapat na kami ay hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi.
"Nangako ka diba? Diba sabi mo pag may problema ako sabihin ko sayo? Diba?" nanghihinang sagot ko sakanya nahihirapan na akong huminga.
"Khurshanne, wala akong panahon sa kadramahan mo." para akong naginig sa sinabi niya.
Drama.
Drama.
Kaya ayaw kong sabihing nahihirapan na ako isa sa dahilan ay hindi nila naiintindihan at ang salitang madrama ako ang siyang lalong nagpapahirap saakin. Para akong mahina at mababaw lang ang pinaghihirapan.
Napangiti akong mapait sa kanya.
Durog na durog na ako.
Ang kaisa-isang taong inaakala kong mananatili hanggang dulo ay iiwanan rin pala ako.
Nung tumayo siya at naglakad paalis ay hinabol ko siya at umiyak sa likod niya pilit kong niyayakap siya kahit winawaksi niya ang mga kamay ko.
"Please dont leave me." pauli-ulit kong saad sakanya.
"I can't." sa dalawang salitang iyon ay parang paunti unti akong dinudurog.
"If hurting me is your happiness, damn hurt me more." desperada na ako.
Gusto nilang umalis. Then, go nakakapagod pilitin ang isang tao ana ayaw magpapilit.
Magsasalita pa sana ako nang biglang nakita ko si Katie tumatakbo.
Nakakunot ang noo kong nakatingin sakanya.
Nang tuluyan kong makita ang mukha niya ay nakita ko ang galit sa mga mata niya.
"YOU TWO DISSAPOINT ME!" nagulat kami nang makita siyang sumigaw.
"The Orphanage...is on fire" pagkasabi niya non ay nakita kong aalis na sana si Ryukia para sumunod samin.
"You need to leave right?" sabi ko sakanya ang bawat salita ay may diin.
Kita ko ang gulat at lungkot sa mga mata niya.
Sinaktan mo ko Ryukia alam kong alam mo iyon pero ayaw ko nang lumuhod pa sayo para lang magmakaawang wagbumalis at manatili sa gilid ko.
Being strong doesn't mean you will never get hurt. It means that even when you do get hurt, you will never let it defeat you.
And I must say...
I Khurshanne Francisco is trying to revive her strong personality...
A/N:
2 chapters and 1 Epilogue to go!:(
Thanks for reading!♡♡
BINABASA MO ANG
Behind Of My Successful Life|✅
Mystery / Thriller|UNEDITED| The Story. Khurshanne Francisco, a Successful Bussiness Woman that has a story that'll made you think twice if she is really the woman you adored. Started Writing: January 26, 2020 Finished Writing: May 23, 2020