STORY THIRTEEN

67 4 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

Nagulat ako nang may biglang tumutulak tulak saakin para gumising. Noong tignan ko ito ay nakita ko si Sol na naiinis na.

Pero dahil inaantok talaga ako dahil nahirapan akong iposisyon ang sarili ko sa napakaliit niyang kama ay di parin ako tumayo mula sa pagkakahiga at pinabayaan siya.

"Ate Khurshanne!!!!" nangigigil na sigaw ni Sol sa tapat ng tainga ko upang magising.

Padarag akong tumayo at tinignan siya nang masama.

"Ano ba ang pinapaginipan mo at ayaw mo pang bumangon!?" naiiyak na tanong niya marahil dahil sa gigil saaken.

Imbes na maawa sa kanya ay niloko ko nalang siya. "Napaginipan kong isa kang kinikilalang mampipinta na may Sinag na nakalagay sa bawat obra." sabi ko nang nakangiti sakanya kahit na sa totoo lang ay wala naman akong napaginipan.

"Alam kong wala kang napaginipan ate kaay wag mo kong pinagloloko!" palaban niyang sabi. Napakatapang talaga.

"Alam mo naman pala ei tss." sambit ko at humigang muli para ipagpatuloy ang tulog na naudlot.

Kinakalabit niya parin ako pero hindi ko na siya pinansin. Nakakainis. Noong maramdaman ko ang mga yapak niya palayo saaken ay lumuwag ang paghinga ko.

Ngingiti ngiti akong nakapikit habang ipagpapatuloy na ang pagtulog. Naguguluhan parin ako bakit wala akong naririnig na pagsara ng pinto.

Nawala ang kaguluhan sa isipan ko noong muli siyang magsalita. "Birthday ko ngayon ate akala ko naalala mo. Pinangako mo pa iyon."

Para akong napako sa pagkakahiga ko noong marinig 'yon. Napatingin ako sa oras at nagulat ng 4:31 palang ng umaga.

Napangiti ako nang maalala ang araw na iyon. January 28 noong dinala siya rito sa Orphanage,3taong gulang pa lamang siya. Nakita siya ni Sister sa isang bayan kung saan mag isa lang siya sa isang malawak na lupain.

Noong madaling araw parehas na araw ng pagdating niya rito ay umiyak siya. Iniisip niya na walang alam na birthday niya. Kaya nagsinungaling ako nang araw na iyon kunyare alam ko ang birthday niya.

Ihinandog ko sakanya ang pinturang kinuha ko sa basement para sa kaarawan niya. Doon siya natutong gumuhit.

Wala sa sariling napatingin ako sa pintuan kung saan siya lumisan.

Kaagad kong kinuha ang jacket ko at bumili ng tatlong ticket para bumalik sa bayan kung saan siya natagpuan.

Pagkatapos kong makabili ay bumili rin ako ng mga kagamitan ng isang mampipinta. Noong una ay nahihirapan ako kung ano ba ang mga kinakailangan ng isang tulad ni Sol, kaya nagpatulong ako sa isang staff.

Buti nalang may natira pa akong allowance kung kaya't nabili ko ang mga pangangailangan niya.

Noong makabalik ako sa aking kwarto ay nakita kong tulog silang dalawa ni Ryukia. Wala na ang pintura sa mukha maragil ay binura niya ito kahapon.

Agad kong kinalabit si Ryukia para gisingin. Sesermunan na sana niya ako nang bigla ko siyang hinila at dinala sa banyo.

"Birthday ni Sol." maiksi kong sabi napatango naman siya at napangiti.

Pinag-usapan namin ang plano at lumbas na ng banyo. Pagkalabas ko ay tinago ko ang regalo ko kay Sol at tinignan ang orasan. Ala-sais na nang umaga kaya sinubukan ko nang gisingin si Sol.

"Sol!" kalabit ko sakanya. Pero di parin siya nagigising

"Ay ayaw gumising? Nakapag-paalam pa anman na si Ryukia para lumabas sa Orphanage sayang."nilakasan ko ang boses ko upang siguradong magising siya.

Napatawa nalang ako nang agaran siyang tumayo at pumunta na sa banyo upang maligo.

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon