STORY TWENTY TWO

69 4 1
                                    

~~~~~♥~~~~~

Nagising ako sa matinding sinag nang araw. Wala sa sariling napahawak sa ulo dahil sa sakit idagdag pa ang mga tuhod kong nanghihina.

Hindi ko pa man naimumulat nang maayos ang mga mata nang maramdaman ko nang may umaalog saakin upang magising.

Tumagilid na lamang ako at hindi yon ininda.

Dahil alam ko na hindi parin nawawala ang sakit na nasa dibdib ko.

Sleeping is nice until you wake up and realize you're still sad. Napangiti nalang ako nang mapait at sinimula nang imulat ang mata.

Noong makita ang kalangitang kulay asul ay napangiti nalang ako.

Napatigil ako sa pagtingin doon nang biglang magsalita si Sol.

"Iyan nanaman siya sa asul na kalangitan, sabihin mo nga saaken ate ano ba meron diyan kay Ate Khurshanne at baliw na baliw diyan." nayayamot na sabi ni Sol.

"Sa Asul na Kalangitan, nabuo ang pagkakaibigan namen." wika ni Ryukia.

At nagsimula na sa pagkukwento bakit nga ba kami naging magkaibigan at ano ang kinalaman nang kalangitang ito.

~~

Nakangiting pinagmamasdan ko ang kalangitan na kulay asul.

Marahil ang iba ay naguguluhan bakit ito ang nagustuhan ko at hindi ang ibang kulay nang kalangitan.

Para saakin ang kalangitang ito ang kalayaan ko.

Ito ang nagiging sandalan ko.

Nagulat na lanmang ako nang dumating sila Ella, ang laging nang-aapi saakin. Kahit ako ay naguguluhan sa kanila at bakit kailangan pa nila akong apihin para lang tumaas sila sa paningin nang iba.

"Tss. Nababaliw ka nanaman." sambit niya.

"Sa pagkakaalam ko ei hindi ko naman ginagawa ang ginagawa mo kaya paano ako naging baliw?Para mas maging klaro, Paano ako naging katulad mo?" painosenteng sabi ko sakanya.

Kita ko ang galit sakanya. Pero wala naman akong pake kung kaya't umiwas nalang ako at tumalikod na.

Ramdam ko ang pagtaas nang kamay niya para sabunutan ako mula sa likod.

Pero napakunot na lamang ako nang biglang wala akong maramdaman na sumabunot sa buhok ko.

Sa pagharap ko ay nagulat ako nang makakita ng babaeng hawak ang kamay na nakaamba ni Ella.

A superhero wanna be. Napairap na lang ako at maglalakad na sana nang magsalita si Ella.

"Y-you're back." napataas nalang ang kilay ko sa nasabi ni Ella. Naguguluhan.

Nang muli akong humarap ay nakita ko ang babae na tila pagod na sa kaartehan ni Ella. Gusto ko sanang sumigaw nang 'Same,Sis' pwro di pala kami close kaya nevermind.

"Another catfight,Ms. Ella?" nakataas kilay na tanong niya. Ang panget niya, charot!

Hindi ko alam kung bakit nababaliw ako ngayon at kinuha ang pusang malaki meow pa nang meow.

Naglakad ako palapit kay Ella. Di niya siguro naramdamang palapit ako at ang mga alagad niya ay nagsialisan. Mga baliw akala naman nila sakanila ibibigay. Assumera.

Nang humarap sakin si Ella ay hinarap ko sakanya ang pusa at dahil may topak ito ay nakalmot niya ang kanang pisngi ni Ella.

Agad kong binitawan ang pusa at tumingin kay Ella, nakanganga ito.

"Ooopss sorry" paawa kong sabi sakanya kahit sinadya ko naman talaga.

Sorry naman trip lang.

Napatingin saakin yung babae din na laglag ang panga at nabitawan ang kamay ni Ella. Dahil siguro sa pagakkapahiya ay napatakbo nalang si Ella.

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon