~~~~~♥~~~~~
Pagkatapos namin mag-usap ay pumunta na ako kila Ryukia.
Bago pa man nila ako makita ay napangiti nalang ako nang naguusap sa malayo sina Sol at Katie samantala si Ryukia naman ay pabalik balik nang kinaroroonan tila kinakabahan.
Napangisi nalang ako at bumalik nanaman ang kalokohan sa isipan.
"AAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!" sigaw ko nang pagkalakas lakas. Tatawa na sana ako pero para akong dinurog nang makita ko siyang nakaluhod sa kinaroroonan niya at umiiyak.
Para akong naging yelo dahil sa panlalamig nang katawan at pagkaestatwa sa kinaroroonan.
Dahan dahan akong lumapit sakanya at lumuhod din para yakapin siya sa likod.
"Im sorry." sinseridad na sabi ko
Ramdam ko ang pagkatigil niya at nang humarap siya saakin ay yayakapin ko siya uli sana nang bigla niyang kinurot ang bewang ko.
Napatayo ako sa sakit.
"Walanghiya ka talaga." sabi niya naiinis kaya napatawa nalang ako at niyakap siya uli.
Pumunta na kami kila Sol at Katie at nakangiti naman sila saamin.
"Patingin ako nang painting panget." sabi ko at inaasar si Sol.Inirapan lang ako nito.
"Tinago namin." sabi nila kaya napalaglagang panga ko , habang si Ryukia ay parang walalang.
"Nye? Bat niyo tinago?" naiinis na sabi ko sakanilang dalawa.
Di naman nila ako sinagot kaya nagsalita ako uli.
"Asan yung picture?" tanong ko sakanila medyo kumalma na.
"Pinunit namin" sagot naman nila na nakapagpanganga saakin.
"Ei bakit niyo pa kami pinicturan at pininta?" naguguluhang tanong ko sakanila.
"Hanapin niyo yung mga pinunit naming picture." sabi nila nagkatitigan naman kaming dalawa ni Ryukia.
"Ei punit na nga ei." sabi naman ni Ryukia.
"Kaya nga hahanapin niyo yung mga punit na piraso nang picture at didikit niyo iyon sa maliit na espasyo nang painting. Pero hindi ngayon ang tamang panahon para hanapin niyo iyon." seryosong saad ni Katie.
"Bakit?" naguguluhang tanong ko sa kanila.
Pero bago pa man sila sumagot ay may nagsalita sa likod namin ni Ryukia na nakapagpahina saakin.
"Daughter." sabi ni......Mrs. Dela Peña ang ina ni Ryukia.
A/N: hmmm ano na kaya mangyayari?
Another clue:
Daughter.
Thanks for reading my Espèrer♡
BINABASA MO ANG
Behind Of My Successful Life|✅
Mystère / Thriller|UNEDITED| The Story. Khurshanne Francisco, a Successful Bussiness Woman that has a story that'll made you think twice if she is really the woman you adored. Started Writing: January 26, 2020 Finished Writing: May 23, 2020