STORY TWENTY

69 5 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

Wala akong nagawa kundi ang habulin siya para manghingi nang tawad.

Hindi ko rin kasi alam kung handa ba akong sabihin sakanya yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko alam kung handa ba akong ipakita sa kanya yung mga luhang tinatago ko.

Hindi ko alam kung kaya ko, kung kaya kong sabihin sa kaniya ang mga nalalaman ko.

Sa bawat pag-apak sa lupang tinatakbo ko ay ang bawat pagpatak nang mga luha na sana ay handa kong hindi alisin sa harap niya.

Nang tuluyan ko na siyang mahanap ay napangiti na lamang ako nang mapait nang makita siyang nakaupo, nasasaktan dahil sakin.

"Ryukia." tawag ko sakanya. Gusto kong sampalin yung sarili ko dahil sa pagtawag ko pinilit ko nanaman maging malakas

"Umalis ka muna, Khurshanne. Pakiusap." nanghihinang sagot niya sakin.

Pero imbis na lumisan ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad hindi ininda ang sinabi niya.

Wala sabi sabing niyakap ko siya patalikod. I just want to hug someone right now and made me feel that for the first time I'm not alone anymore.

"Im tired, Ryukia." pilit iyak na sambit ko sakanya.

Unti-unti siyang lumingon saakin. Ngayong malapit kami sa isa't isa ay lalo akong nasasaktan makitang namamaga ang mga mata niya sa kakaiyak nang dahil sakin.

"You're tired?" tanong niyang hindi makapaniwala kaya wala akong magawa kundi ang yumuko na lamang.

Nagulat ako noong hawakan niya ang baba ko at itaas ang mukha ko upan magkatitigan kami.

"Then cry." sambit niya ngayon ay may diin at matigas tila nagagalit na.

Nakatingin lang ako sakanya at napahingang malalim kasabay nang pag iling.

"Im not yet ready, Im sorry." aayos na sana ako sa pagkakatayo ngunit nagulat ako nang hatakin niya ang kamay ko at iharap sakaniya.

Nang dahil sa tindi nang pagkakagulat hindi ko namalayan na nakatayo na siya sa harap ko at ang kamay niya ay dumaplis sa pisngi ko.

Hindi ko matanggap na ang babaeng nasa harap ko. Ang kaibigan ko ay sinampal ako.

Napangiti nalang ako sakanya at hinawakan ang pisngi na sinampal niya.

Hindi parin makapaniwala.

"I dont know you." nanghihinang sabi niya saakin.

"Why dont you cry infront of me?" nalilitong sabi niya at alam kong naghahanap siya nang kasagutan pero wala akong magawa dahil tila may bara sa lalamunan ko na pinipigilan akong magsalita.

"There's no rain."nahihirapang saad ko.

Nang tumingin ako sakanya kita kong nakatingin siya nang hindi makapaniwala.

"Stay away from people who makes you question your own worth." nagulat ako sa sinabi niya kaya napakunot ang noo ko at nagsalubong ang mga kilay.

"A-ano i-ibig--" di ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong lagpasan.

Mali ata ako nang inaakala na aalis na siya dahil haharap na sana ako at susundan siya nang magsalita siyang muli.

"And that makes me realized.." napahinto siya sa pagsasalita nang hinarap ko siya at alam kong nararamdaman niya ang pagtitig ko sa likuran niya.

"I must stay away from you." para akong napako sa kintatayuan ko.

Sa pag-alis niya ay ang simula nang pagpatak nang ulan.

Napaluhod nalang ako at napaluha. Sinisisi ang ulan bat ngayon lang nagparamdam.

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon