~~~~~♥~~~~~
Habang naglalakad kami ay di ko talaga alam san ba kami tutungo.
Naguguluhan man ay patuloy ko pa rin siyang sinusundan.
Nanlaki ang mga mata ko at nagulat nang bigla niya akong hilahin.
Pumasok kami sa maliit na daanan papasok sa bayan.
Akala ko ay doon na kami mag uusap nang bigla niya akong hatakin sa isang malaking van. Sa totoo lang bata ba talaga ito?
"Saan tayo pupunta,Katie?!" mariin na pagkakasabi ko, naiinis na sa inaasta niya.
"Sumusunod siya." napalingon ako sa sinabi niya.
Nang maramdaman niyang nakatingin ako sakanya ay sinuklian niya din ito.
Ang masasabi ko lang ay may pagkakahawig sila ni Sol.
Hindi naman umaandar ang sasakyan kaya di narin ako natakot pa.
Nakatingin lang siya saakin, nang tingnan ko ang mga mata niya ay may pangungulila roon na siyang nagpakunot nang noo ko.
Sino ka nga ba talaga Katie?
Nanlamig ang buong katawan ko nang hawakan niya ang leeg ko.
"You're strong huh?" wika niya na para bang nang aasar. Di ko na alam ang nang yayari.
Nang makita niya ang naguguluhan kong ekspresyon ay nagsalita siyang muli.
"It's true." pinagdikit ko ang mga ngipin ko sa pagkagigil. Pero bata ito kaya nagtitimpi pa ako.
" Anong ibig mong sabihin." pinipigilan kong mabahiran nang pagkagigil ang sinasabi ko.
"'Yung sinabi nilang panaginip lang ay totoo.. ate." nahihirapan niyang binigkas ang salitang 'ate' na para bang di sanay pero tinatawag naman niya ako noon dati..
Ano bang meron sayo Katie?
"Totoo na muntikan ka nang mamatay. Tinago ka nang tatlong buwan sa bayan na ito para magpagaling. Kahit kami ay nagtataka kung bakit ka nabuhay. Kulang ka sa dugo at wala kang donor. Pero nagulat nalang kami nang sabihin nang doctor na nasalinan kana.Kinausap kami ni Ate Ryukia na wag sabihin sayo ang totoo para di ka mahirapan." pagpapaliwanag niya.
Hindi ako makahinga. Hindi ei. Patay na ako. Mamatay ako alam ko dalawang bala ang tumama sa katawan ko. Isa sa may parte nang dibdib at Isa sa may kanang bahagi nang leeg. Alam kong di ako mabubuhay nang basta basta. Nawalan ako nang dugo at nang hininga.
Kilala ko kung sino ang nagsalin nang dugo. Dahil alam kong siya nalang ang kamag-anak ko.
"Kilala ko siya ate." sa apat na salitang binitawan niya ang siyang nagpawala nang lakas nang katawan ko.
"Kilala ko ang may gawa niyan sayo." sabi niya na parang siguradong sigurado.
Lumabas ako sa van at nagtungo na kila Ryukia. Nang maulinagan kong papunta sila dito ay hinarap kong muli si Katie.
"'Wag mong sasabihin sakanila na alam mo kung sino ang may gawa at alam ko na ang tunay na nangyari." sabi ko sakanya nakikiusap.
"Ganyan ba talaga sila kaimportante saiyo na hahayaan mong mahirapan ka nang di nila nalalaman?" wika niya napuno nang sakit at......pagkaselos.
Nakatingin ako sa mata niya.
Lumapit ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"Sa oras na hindi ko na kaya hahayaan kitang sabihin sa kanila. At ngayon alam mona magiingat ka." sabi ko sakanya at kinarga siya para lumapit kila Ryukia.
"Saan kayo nagpunta?" puno nang kuryusidad ang pagtanong ni Ryukia..
Tumingin naman ako kay Katie at nilapag na.
Nagulat ako nang hinila ako ni Ryukia. .
"She told you the truth, right?" sabi ni Ryukia. Walang nakikitang emosyon sa mukha niya kalmado ang pagsasalita niya.
Tumatango naman ako bilang sagot.
Tinignan niya ako nang mga ilang minuto bago magsalitang muli.
"Then who?" simpleng tanong niya na nagbuhay sa bolta boltaheng kabang nararamdaman ko.
Tinatanong niya kung sino ang may gawa. Hindi niya alam nasa likod niya ito at nakangising pinagmamasdan akong kinakabahan.
Lumapit ako sakanya at bumulong.
"Close your eyes and run" sabi ko sakanya.
Napangiti ako nang mapait. Ayaw kong mangyari sa pangalawang pagkakataon ito pero kailangan.
"Pag bumalik akong patay kana papatayin uli kita." sabi niya at sinunod na ang sinabi ko.
Sana nga Ryukia.
Sana sa pangalawang pagkakataon hindi ako manghina.
Dahil kapag dumating ang pagkakataong iyon.
Di ko mapapangakong mananatili ako sa tabi mo.
A/N:
Alam ko na naguguluhan na kayo pero malapit na. Malapit na siya. Malapit nang malaman kung sino ba siya. Malapit narin malaman ano nga ba ang nasa likod nang Successful Life ni Khurshanne Francisco.Baka umabot to nang 40 chapters HAHA
Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Behind Of My Successful Life|✅
Mystery / Thriller|UNEDITED| The Story. Khurshanne Francisco, a Successful Bussiness Woman that has a story that'll made you think twice if she is really the woman you adored. Started Writing: January 26, 2020 Finished Writing: May 23, 2020