STORY SEVENTEEN

63 4 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

Nang tuluyan nang bumitaw si Sol mula sa pagkakayakap saakin ay tinignaan niya ako nang may ngiti sa labi at tila ay may binabalak.

Nagulat na lamang ako nang biglaan siyang tumayo at "Ate halika po may gagawin tayo." nakangiting saad niya naguguluhan 'man ay sumunod ako sakanya.

Nagulat ako nang biglang pumunta kami sa gitna kung saan masisinagan kami nang araw.

Umupo siya sa gitna samantala ako ay nanatiling nakatayo.

"Upo ka ate." saad niya.

Kaya naman wala akong nagawa kundi ang umupo satabi niya.

Nagulat ako ng tumayo siya kaya napakunot ang noo ko at sinundan kung saan siya tutungo.

Napangiti na lamang ako nang kunin niya ang mga kagamitang niregalo ko para sakanya.

Umupo siyang muli at inayos ang mga gamit.

Nagulat akong muli nang simula niya ang pag pipintura. Nakatingin lang ako sa kalangitan habang siya naman ay nagpipinta na. Napapansin ko rin ang pagtingin-tingin niya rito.

Noong tignan ko kung ano ba ang iginuguhit niya ay napakunot ang noo ko nang makita ito.

Kabaliktaran sa kalangitan ngayon.

Ang iginuguhit niya ay ang kalangitang may mala-rosas na kulay na tila nakikipagtalo sa kulay kahel at pula. Hindi maipapagkailang maganda ang iginuguhit niya.

Pero napangiti ako nang mapait at nagsalita, "Ayaw mo ba sa kalangitang nakikita natin ngayon?Ang nasisilayan ba nang maliliit mong mga mata ay di nagugustuhan nang mga kamay mo upang simulang gawan ng obra?" nasabi ko na lamang habang nakatingin parin sa kalangitan.

Ramdam ko ang pagtigil nang mga kamay niya sa pagpipinta.

Napatingin siya sa akin kaya sinuklian ko ito nang pagtingin din.

Hindi siya nagsimula kung kaya't nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Ang kalangitang iginuguhit mo ay puno ng iba't ibang kulay tila nag-aaway,nagpapaligsahan kung ano nga ba ang kulay na babagay sa kalangitang ang tunay na kulay ay asul at wala nang iba pa."nakangiting saad ko sakanya.

Napatay ako at tumakbo papunta sa nakita kong malaking bato umapak ako roon at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ang kalangitang nasa harap ko ngayon ay ang kalangitang iyong binalewala." saad ko habang nakapikit, naramdaamn ko naman ang paglapit niya saaken tila gustong marinig ang sasambitin ko pa.

"Ang kalangitang ito ay simple lang. Walang ibang kulay asul lamang. Ang mga ulap ay kumokorte nang perpekto,at ang araw na tila nagtatago rito. Diba kaysarap pagmasdan. Napakasimple pero mararamdaman mo ang kalayaang hindi maiibigay nang mundo." humarap ako sa kanya. Kita ko ang pagyuko niya tila nagsisisi.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang baba niya upang itaas ang mukha niya.

"Sinisimbolo mo ang sangkatauhan Sol. Alam nating lahat na karamihan sa mga tao ay pinipili ang mga makukulay na bagay. Pero hindi yon kasalanan, saiyo yung opinyon. Ang kalangitang iginuhit mo ay nagbibigay kaligayahan samantala ang kalangitang nasisilayan mo ay kaluwaganan at kalayaan." mahinahong sabi ko sakanya.

"Pero sana 'wag mong baliwalain ang kalangitang simple lang dahil iyon ang orihinal na kulay at wala nang iba.Magkaroon man ng ibang ang kulay babalik at babalik parin ito sa natural." pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya ay hinalikan ko siya at nagsimula nang umalis.

"Ang paggawa obra ay karapat dapat na magkaroon nang nilalaman Sol iyong pakatandaan" sambit ko bago tuluyang lumisan.

Ang dalawang uri nang kalangitan ay hindi dapat ipagkumpara. Dahil silang dalwa ay nagbibigay saya sa lahat at iyon ay katotohanan.

A/N:
Thank you for reading ^__^ *3*

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon