STORY THIRTY ONE

61 4 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

Isipin na nakahiga lang ako ngayon at nakatingin sa puting kisae ang siyang pumapatay saakin.

Ang mga salitang binigkas nang ina ni Ryukia ang siyang nagpapagabag saakin.

Ang pag-aalala na nakikita sa mga mata nila ang nagpapahina saakin.

Ang kalagayan ko ngayon ang siyang nagpapadurog sa lakas ko.

Minsan nais ko nalang aminin na nanghihina na ako.

Minsan gusto ko sabihin sa lahat na nasasaktan na din ako.

Minsan gusto kong sabihin sa lahat na tama na na kahit isang segundo lang ay makapag pahinga man lang ako, pero ngayon sa oras nang pagpapahinga ko pinapatay ako nang utak ko.

Ang mga katawan kong nagpupumilit tumayo ang mga utak na naghahanap nang problema wala sa sariling napangiti nalang nang mapait siguro nga ay ganto talaga.

Kapag naging malakas ka sa tanang buhay mo para kang pinapatay sa oras nang pagpapahinga mo.

Sa pagpikit nang mga mata ay nagisismula na ang utak ko gumawa nang mga pangyayaring kinakatakutan ko.

Hindi man ako napaslang sa nangyari tatlong buwan na ang nakararaan ay para akong dinudurog nang malaman ang kalagayan nang puso kong nanghihina na.

Kailan ba nagsimula ang paghihirap ko?

Siguro ay simula pagkapanganak?

Sa unang pag-iyak? Sinumpa ba na iiyak lang ako nang sobra sobra sa pagkabuhay at pagkamatay ko?

Sa isipang iyon ang siyang nagpangiti muli sakin nang mapait.

Sa pagpatak nang maliit na luha mula sa mata ko ay ang unang pagkakataon na aaminin ko sa sarili kong Mahina ako.

Nang makarinig ako nang mga yapak ay di na ako nagabala pang punasan ang mga luha ko.

Napahinga ako nang malalim at tinignan ang pintong iyonbhinhintay ang taong magmumula doon.

Nang makita ko si Ryukia doon ay napangiti nalang ako, hinihintay siyang makalapit saakin.

"Ryukia, I need you." mahinang bulong ko sakanya, napapaos na ang boses ko sa pagpigil nang hikbi.

Nang tuluyan siyang makalapit saakin ay kaagad ko siyang niyakap at humagulgol na sa balikat niya.

"Gusto mo Qoutes?"nagbibiro niyang sabi kaya napatawa ako at panandaliang natigil ang pag-iyak.

Pagkatapos kong umiyak ay kinurot ko siya sa bewang na nagpahalakhak sakanya.

"Aba aba! Natuto na ah! Laban ka ha laban ka?!" sabi niya alam kong nagbibiro pa din siya.

"You never missed making me happy." sabi kong seryoso nakatingin sakanya.Nang tignan niya ako ay inayos ko ang pagkakahiga at hinarap ang puting kisame.

"What's your problem?" sabi niya. Pero sa simpleng salitang iyon ewan ko ba kung bakit tuluyan ang pagtulo nang luha ko nanghihina ako.

Gusto kong isigaw sa kanila sa lahat. Na tama na gusto ko nang mamahinga.

Pero patuloy akong lalaban dahil alam ko. Kaya ko. Kakayanin ko. Makakaya ko.

Tumingin ako sa mga mata niya.

Hindi ko alam pero napayakap ako panandaliang nagdadasal na sana ano man ang sabihin ko ang pagkaibigan namin ay di magbabago.

"It's Her. Ryukia it's your mom." sa pagsasalita ko nito ay pinagpapasalamat ko na di ako nautal

Patuloy akong yumayakap sa kanya ramdam ko ang pagkabigla niya.

"It's your mom whose trying to kill me Ryukia. It's her," mas klaro kong sabi at patuloy sa pag iyak sa tabi niya.

Yayakapin ko pa sana siya nang mahigpit nang bigla niya akong tinulak.

Nagulat ako sa ginawa niya at takhang tumingin sakanya.

"Stop making lies,Khurshanne! Wag mong idamay ang ina ko dahil lang nasasaktan ka! Alam mo siguro nga tama lang na nagkaroon ka nang sakit! Bakit? Para mawala kana." para akong unti unting dinudurog.

Nakatingin lang ako sakanya.

Ngumiti ako at nagsalita

"H-hindi ako nagsisinungaling Ryukia. Its true. It's Her!" pagpupumiliti ko.

Akala ko nung lumapit siya saakin ay yayakapin niya ako pero para akong pinatay nang maramdaman ko ang pagsampal niya sa pisngi ko.

Para akong nanigas at di makagalaw sa pagkakasampal niya.

Patuloy ang pag iyak ko sa harap niya.

Nang maramdaman ko ang paglakad niya palayo. Sa unang pagkakataon nakaramdaman ako nang luwag malamang aalis siya. Dahil ayaw ko nang makarinig pa nang masasakit na salita mula sa kanya.

"Im going to Spain at please lang kung katotohanan man iyan wala na akong pakielam pa." wika niya na may matigas na tono.

"You dont want to wake up from lies -- that is the reason why often times, truth slaps you." sigaw ko sakanya.

Nanghihina akong pumunta sakanya at hinila siya para yakapin. Hindi ko pa man siya nayayakap ay natulak niya na ako.

Para akong nanghihina sa ginagawa niya.

"A-Are you.....still you?" tanong ko na parang kinakabahan sa magigimh sagot niya.

Alam ko.. Hindi siya ito. Hindi si Ryukia to. Si Ryukia di niya gagawin sakin ito.

Hinawakan ko ang hita niya nang nanghihina akong napaluhod pero para akong napabitaw sa mga salitang binigkas niya.

" Nagsisisi akong maging kaibigan ka Khurshanne Francisco sinisiraan mo ang isang ina sa harap nang anak niya!" kita ko ang galit sa mata niya.

Napangiti nalang ako nang malungkot sakanya.

Napatango tango ako at tumayo para tumalikod para pumunta sa hinihigaan ko.

Nang marinig ko ang pagsara nito ay sumunod ang hagulgol ka.

"As expected you'll never be my friend until the end, Ryukia." bulong ko sa sarili at napangiti nang mapait.

Pilit kong winawaksi ang sarili ko sa pag-iisip.

Pilit kong sinasabi sa sarili kong panaginip lang ito.

Pilit na nagdadasal na sana may taong gumising saakin mula sa bangungot na ito.

Pipikit na sana ako nang biglang may kumatok pilit kong tinignan iyon kahit malabo.

At nang pumasok ang tao papunta dito ay nakilala ko ito.

Si Sister.

Or

Should I say..

My Mother.

A/N:

Opps Revelation?

Wait lang naiinis nako yung next next chapter nito masyadong nilalarawan ang nangyari sakin charOt HAHA.

Thanks for reading my espèrer!♡♡

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon