STORY THIRTY TWO

57 3 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

Minsan naguguluhan narin ako kung ang pastlife ko ba noon ay isang masamang tao. Marami ba akong pinatay para ganito ang mangyari saakin?

Gusto kong sumigaw sa sakit.

Ang sabi niya andiyan lang siya sa tabi ko. Handang umalalay sa pagkakadapa ko. Handang makinig sa mga problema at hinaing ko. Pero bakit ngayon andito ako mag-isa.

Noong pumasok si Sister ay nagpanggap akong tulog-tulogan. Hindi dahil sa natatakot akong mahuli niya ako kundi dahil natatakot akong harapin siya, naguguluhan na ako.

Gusto kong umiyak, gusto kong magwala, gusto kong sumigaw pero bumabalik ako sa kaisipang ayaw kong maambala sila dahil sakin. Natatakot akong may sabihin sila. Natatakot ako na hindi nila ako tanggapin.

Pero ngayon binali ko ang isang batas na simula pagkabata ay sadyang iniiwasan ko.

I used to be like Spongebob. Happy and positive with any problem. Now im Squidward. Tired with all of this shit.

And it's starting to kill me. To kill my strong personality and live with this weak body.

Minsan napakadaya nang mundo.

Minsan ninanais ko nasa di ko sinanay ang sarili ko bilang malakas dahil ngayong nanghihina ako lahat nang lakas ko ay naubos..

Gusto kong sa unang pagkakataon may isang tao man na pumunta rito, yung taong hahayaan akong umiyak sa balikat niya. Hahayaang umiyak hanggang sa mapagod na. Dahil yun ang kailangan ko.

Napangiti ako nang mapait habang umiiling-iling, imposible.

Alam nila. Alam nilang malakas ako. Alam nilang kaya ko ito. Kaya siguro ngayon walang dumadating na aalalayan ako kasi sa totoo lang pagod na ako para akong pinutulan nang paa para di na makalakad, di na makatayo at walang sino man ang naghangad na ako ay tulungan.

Para akong unti unting dinudurog. Masakit pala nanagagawa mong alalayan ang iba pero ngayon na ikaw na ang may kailangan napapaiyak ka nalang dahil naubos ang lakas mo sa iba.

Ganon nalang ang gulat ko nang agarang pumasok si Katie.

Hindi ko alam pero bigla akong napaiyak.

Hindi ko inaasahan na ang batang kakakilala ko lang ay nakayakap saakin. Pinapatahan ako at sinasamahan sa pag-iyak.

Sinubsob ko ang mukha ko sa maliit niyang leeg.

"Shh. Tama na ate." yun ang mga katagang inaasahan kong banggitin niya pero napangiti ako sa mga binitawan niyang salita.

"Umiyak ka lang ate. Hindi ko mapipigilan ang mga luhang gustong lumabas sa mga mata mo pero sana sa paglabas niyan ay malinis din ang problemang nasa loob nang utak mo." mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sakanya.

Minsan ang tutulong talaga saatin sa oras na pagod na tayo ay ang mga taong hindi natin inaasahan.

"Ate.. Alam kong madaming bumabagabag saiyo ate pero may karapatan kang malaman ang mangyayari." naguguluhan akong tumingin sakanya.

May nilabas siya mula sa shorts niya at nang tignan ko ito ay isa itong relo.

"Sa oras na tumunog iyan pumunta ka sa Orphanage lahat nang mga tao doon ay paalisin mo ate. Ihatid mo sila sa kung saan tayo nagkakilala. Kung saan pinaalis ko kayo."litanya niya naguguluhan man ay sinuot ko ang relo na sinasabi niya.

Aalis na sana siya nang tanungin ko siya.

"Bakit mo nga pala pinaalis sina Ryukia mula sa pagkakahiga nila?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Para makita ko siya."

Nais ko pa sanang magtanong pero kaagad na siyang umalis. Sinong Siya?

A/N:

Thanks for reading!♡♡

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon