STORY SIXTEEN

67 5 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa inasal nang batang babaeng kani-kanina lamang ay pinapaalis sina Ryukia sa pagkakahiga.

Napatingin na lamang ako kila Ryukia na hangang ngayon ay mahimbing parin ang pagtulog.

Hindi ko sila magising kahit na tanghaling tapat na at masyado nang mainit ang kapaligiran.

Pero dahil naawa ako sa kanila ay kinalabit ko si Ryukia. Mabuti na lamang at mabilis lamang ito magising.

Noong tuluyan na siyang magising sineniyasan ko siyang lumipat sila nang matutulugan dahil masyadong tutok sa araw ang kinalalagyan nila.

Kaagad namang tumayo si Ryukia kung kaya't dahan dahan ko nang nilagay si Sol sa mga braso ko upang kargahin, ayaw ko namang magising siya sa mahimbing na pagkakatulog.

Noong tuluyan na silang nakalipat sa mas lilim na lugar. Andito kami sa ilalim ng mas malagong puno spaat na para matakpan ang katawan sa sinag ng araw.

Sinubukan parin ni Ryukia na makatulog. Kaya nagsimula na akong ihain ang mga pagkain namin dahil tanghali narin.

Nakatingin lang ako sa kalangitan at sa araw na sobrang silaw kung pagmasdan.Ang mga ulap na kulay puti at parang pinagdikit dikit na bulak ang itsura ay pumepwestong maayos sa malawak at kulay asul na kalangitan.

Kay gandang pagmasdan nang tanawing ito habang pinapakinggan ang huni ng ibon samantala ang buhok mo ay parang inuugoy nang hanging walang polusiyon kasabay din nito ang pagbagsak ng mga dahon sa bawat puno.

Napabalikwas na lamang ako nang biglang amoy ng pintura tila may bata nanamang sinusubukang sanayin ang kakayahan niya.

Sa paglingon ko ay nakita ko si Sol hawak hawak ang mga kagamitang binili ko para sakanya.

Kita sa mata niya ang hindi matumbasang ligaya kasabay nito ay ang pagkurba nang mga labi niyang sumisimbolo nang kasiyahan.

Napangiti nalang din akong pagmasdan ang batang ito.

Noong tila naramdaman ni Sol ang pagtingin ko sa kanya ay agaad napalitan ang saya niyang nararamdaman ng pagkagulat at takot.

"Paumanhin ate Khurshanne di ko ninanais na pakialaman ang mga gamit mo sadyang nagandahan lamang ako." kita ang sinseridad sa mukha niya.

Napatawa na lamang ako at sinabing "Paano pa naging akin ang mga kagamitang para sayo Sol?" natatawang sabi ko sakanya.

Kita sa mukha niya ang pagkabigla. Napangiti na lamang ako at tinaas ang mga kamay ko para yakapin siya.

Seeing this kid happy, makes me happy.

A/N:

Paumanhin sapagkat ngayon lamang ako nakapagsulat nang panibagong kabanata sapagkat ang aking cellphone ay nasira. Pinagtiyagaan ko na lamang na magsulat ngayon dahil mahigit isang linggo narin akong nawala. Sorry po!:<

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon