~~~~~~♥~~~~~
Magkatabi kami ngayon ni Ryukia sa isang bench.
Tahimik lang kami at nakatingin sa langit na tila ay uulan na.
Napangiti nalang ako at nagsimula ng basagin ang katahimikan.
"Kahit pala magkaibigan na tayo. Wala parin akong alam sayo." pagsisimula ko.
Ramdam ko ang pagtingin niya saken kaya wala sa sariling napalingon ako at tumingin din sakanya.
"Gusto mong malaman?" ang mukha niya ay walang pinapakitang reaksiyon. Di ko alam pero sa sandaling iyon ay gusto ko ring makamit yon. "I want to be a Fierce Lady like you" wala sa sariling sambit ko kita ko ang gulat niya pero nagbago rin yon at nawalan ng ekspresiyon.
"Hindi mo gugustuhin yon, Khurshanne" nakangiting sabi niya saaken.
"Ang pagpipilit na mailabas ang tunay mong nararamdaman ay isang napakalaking torture saaken. Wala akong kakayahang umiyak sa harap ng sinuman tumawa o magbigay ng iba't ibang ekspresyon. Dahil kailangan kong maging malakas." mahina niyang sabi at alam ko na kailangan ako ni Ryukia ngayon.
Di ko alam pero napangiti ako ng maramdaman ko ang bawat patak nang ulan.
Ramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko upang umalis na kami sa inuupuan.
Napailing nalang ako at natawa ng nakita ko na ang galit niya.
"Di mo mapakita ang mga nararamdaman mo?" nakangiting tanong ko sakanya. Ramdam ko ang pagkakalito sa mukha niya.
"No. Umalis na tayo dito Khurshanne kahit kailan napakakulit mo!" pagsesermon niya saken napahalakhak nalang ako.
Noong lumakas na ang ulan pumunta ako sa may gitna dahilan para magtinginan ang mga tao saakin.
Tinaas ko ang dalawa kong kamay na para bang ito ang unang pagkakataon na nakaligo ako sa ulan.
Ramdam ko ang paglalakad palapit saaken ni Ryukia.
Kaya napamulat ako at napangiti ng ginaya niya ang ginawa ko pero nagulat ako nang makitang may mga luha na dumadaloy sa mata niya noong una ay dapat aalisin niya pero hinawakan ko ang balikat niya.
"Sa oras na gusto mong umiyak at ayaw mong makita ng iba o kahit ayaw mong tanggapin sa sarili mong mahina ka. Maligo ka sa ulan. Dahil walang makakaalam na may likido na pala na dumadaplis sa pisngi mo." nakangiting sabi ko sakanya.
Nagulat ako at niyakap niya ako.
"Salamat. Salamat dahil pinagaan mo ang loob ko hindi ko alam pero parang kakasilang ko palang ngayon sa sayang nadulot mo."
Masaya akong matulungan siya. Dahil andito lang ako para sakanya. Napangiti akong malungkot at hinigpitan ang pagkakayakap sakanya ng maramdaman ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Behind Of My Successful Life|✅
Mystery / Thriller|UNEDITED| The Story. Khurshanne Francisco, a Successful Bussiness Woman that has a story that'll made you think twice if she is really the woman you adored. Started Writing: January 26, 2020 Finished Writing: May 23, 2020