~~~~~♥~~~~~
Nagpatuloy lang sa paghila si Sol saamin ni Ryukia.
Nagulat ako nang itapat niya kami sa may arawan.
Magsasalita na dpaat ako para bulyawan siya nang biglang magsalita niya na tila naramdamang papagalitan ko siya.
Agad siyang nagsalita."Ate alam kong mainit pero diyan ka lang, okay?" tila nayayamot niyang sabi sa akin.
Napanganga nalang ako at tumingin kay Ryukia para pagalitang ang isang to, pero tila nagkamali ako dahil tumawa lang rin ito at nagkibit balikat.
Napairap na lang ako at tinignan si Sol nang nakataas ang kilay, naghihintay nang susunod niyang gagawin.
Nang makita ang mukha ko na seryoso ay nagsimula na siyang tumakbo palayo at may kinuha, sa pagharap niya ay doon ko lang nasilayan na hawak hawak niya ang mga kagamitan sa pagpipinta.
Napatingin kami ni Ryukia sa isa't isa at napangiti na lamang.
Nakangiting pinagmasdan namin si Sol na nakangiting tumatakbo palapit saamin.
Pero nang tuluyan siyang makarating sa pwesto namin ay umubo ako at pinilit ang sariling wag mapangiti dahil alam kong bibilib nanaman ang batang ito sa sarili at yayabangan ako, konti nalang ay masasapok ko na ito.
"Asus may patago tago pa nang ngiti kala mo naman di ko nakita." sambit niya nang di nakatingin sakin at nagkukunwaring inaayos ang mga pintura kahit nakaayos naman.
Tinaasan ko lang siya nang kilay natatawang tumingin saakin at umiling iling para pigilan ata ang pagtawa.
Nagulat ako nang ipagdikit niya kaming dalawa. Ano nanaman kayang problema nitong bulilit nato.
"Ipipinta ko kayo." sambit niya na seryoso at tila nabasa ang nasa utak ko. Ilang taon na ba talaga ang batang to?umaastang parang matanda ang bulilit ei hanggang hita ko nga lang siya.
Wala sa sariling natawa ako sa sariling kaisipan. Tinignan naman niya ako na para akong isang baliw.
Hinawakan na niya ang papel na matigas na binili ko pampainting aba namahalan ako don ah toktokan ko to ei.
Ngumiti naman kami ni Ryukia na nakatingin sa kanya.
Sisimulan na niya ang pagpipinta at kinuha na ang brush nang mapatigil siya nang may magsalita mula sa likuran niya.
"Mangangawit ang mga taong pinipinta mo.....Sol" napatingin ako sa nagsalita at parang nanghina nang makita ko ang batang nakita namin noong unang araw.
Si Katie.
Nakangiting pinagmasdan niya si Sol, pero nang masilayan ko ang mga mata niya ay nakita ko ang lungkot at pangungulila sa mukha niya...
Parang kilala si Sol at matagal silang nawalay sa isat isa.
Si Sol naman ay nagtataka sa batang babae. Nakataas pa ang kilay aba attitude.
"May pataas pa nang kilay kamukha naman si Kiray." bulong ko nagulat ako nang makakuha nang batok kay Ryukia, titignan ko sana siya nang masama kaso nevermind nauna na siyang tumingin nang masama.
"Narinig ko yon ate Khurshanne." sigaw pa sa aken ni Sol at inis na bumaling saakin.
"Syempre may tainga ka." sabi ko nanaman.
Magsasalita nanaman sana si Sol laban saakin nang tumawa si Katie. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko kaya napatingin ako sakanya nakakunot ang noo ganun din ang ginawa nila Sol.
"Tutulungan ko kayo" nakangiting sabi niya. Kay Sol nakatingin.
Wow. 'Kayo' pero kay Sol lang nakatingin aba.
"Oh sige na simulan niyo na" sabi ni Ryukia.
"Marunong kaba magpinta" tanong ni Sol nakikita ko ang kuryusidad sa mata niya.
"Hindi" sabi niya na nakapagpalaglag nang panga namin.
Nagulat kami nang kinuha niya ang Camera niya at inayos ito.
Seriously? Ang alam ko magpipinta sila, may photoshoot pala.
A/N:
Sa totoo lang guys nalilito na ako sa utak ko araw araw nagiiba ang plug. Walang paninindigan ang utak ko pahiram muna nang inyo..CharoooOtt HAHAHA.
Anyways thank you very much at nakaabot kayo dito HAHAH malapitt naaaaaa.
Ps: hinihiling ko pong magdasal kayo sa Utak ko at maging loyal sa plot na naiisip ko nagchcheat na siya huhu.
Thankyou again everyone..♡♡
BINABASA MO ANG
Behind Of My Successful Life|✅
Mystery / Thriller|UNEDITED| The Story. Khurshanne Francisco, a Successful Bussiness Woman that has a story that'll made you think twice if she is really the woman you adored. Started Writing: January 26, 2020 Finished Writing: May 23, 2020