STORY NINE

88 5 0
                                    

~~~♥~~~~~

Pumunta muna kame sa Orphanage ng tumilan na ang ulan. Nais ko rin kasi siyang ipakilala sa mga bata roon. Alam ko namang nasa labas parin ang mga yon at naglalaro.

Nang nagpunta kami roon ay tama nga ako at basang basa pa ang mga bata.

"Sol!" Tawag ko sa isa sa mga bata. Si Sol ang pinakaclose ko sakanila.

"Bakit ate Khurshanne?" nakangiting sabi niya sa aken.

"Tawagin mo ang mga kaibigan mo dali." utos ko sakanya.

Agad naman niya akong sinunod at nagsipuntahan na nga ang mga bata at niyakap ako. Ramdam ko ang hindi pagiging komportable ni Ryukia sa mga bata.

"Mga bata kasama ko ngayon ang kaibigan ko siya si ate Ryukia." pagpapakilala ko sa kanya pero nagulat ako sa paglingo ko ay wala na si Ryukia at nang tumingin naman ako sa harap ay wala na ang mga bata.

Si Sol lang ang nakikita ko at nagpapaint nanaman siya.

"Sol asan sila?" tanong ko kay Sol napatingin naman siya saaken at "Nagtataguan ate hanapen mo daw sila." tamad na tanong niya at parang ayaw magpaestorbo.

Napangiti nalang ako at kinawkaw ko ang kamay ko sa mga pintura niya kita ko ang inis sa mukha niya kaya nilakihan ko siya ng mata "Bakit?Pintura to sa Orphanage ah nako lagot ka Sol tsk tsk tsk." pang aasar ko sakanya. "Kaya mamaya kana magpaint at magtago na!" mahinahon kong sabi saknya at tinaas na ang kamay kong may paint.

Kita ko naman ang agaran niyang pagtayo at tumakbo na para magtago.

Lahat ng nahuhuli ko ay nilalagyan ko ng paint at halos lahat sila ay nahuli ko na maliban kay Sol at Ryukia.

"Ate alam mo po first time lang po sa Orphanage na to na may tumanggap saamin at mayaman pa po hehe." nakangiting sabi ni Sol kay Ryukia napangiti nalang ako ng makitang nagyakapan ang dalawa.

Nagulat ako ng kinalabit ako ni Janna. "Ate batit po di niyo tila nitutuli?" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Janna dahil bulol ito at di ko 9maintindihan.

Napakamot nalang ako sa kilay ko na sanhi ng paglagay ng pintura dito at nagulat ako ng tumawa siya.

Napatingin ako kila Ryukia at Sol at nang mapatingin sila saken ang sinabi nila ay "Tanga" sabay pa talaga.

Kaya siningkit ko ang mata ko at pumunta sa kinaroroonan nila para hulihin na sila pero tumakbo patalaga hala tagu taguan nilalaro namin hindi habol habolan. Pero kahit ganon ay nakisakay narin ako sakanila pati ang mga nahuli ko ay kumuha na ng mga paint at pinagbabato ako.

"Wait lugi lugi!!" sigaw ko sakanila at pinangshield ang mga brado ko para di matamaan ng pintura.

Nang tumigil sila ay kinuha ko ang isang timba ng pintura at tinapon ko sa kanilang lahat. Nagulat ako ng sabay sabay silang yumuko kaya iba ang natamaan.

Nang makita ko kung sino ang natamaan ay napakagat labi nalang ako.

"Sister" sabay sabay na sabi namin punong puno ng pintura ang damit ni Sister at kulay red pa talaga ang kulay malalagot talaga kami nito.

Napahingang malalim si Sister kaya napayuko nalang kame. "Ngayon alam ko na kung bakit lagi nalang nawawalan ng pintura sa basement." mahinahong sabi ni Sister kaya napahinga kaming malalim ngingiti na sana kami ng biglang....

"Linisin niyo ang mga kalat at wala na sa inyo ang lalabas pa mamayang gabi o bukas." puno ng autoridad niyang pananalita. Bumagsak nalang ang mga balikat namin at nagsimula ng maglinis.

Pero di ko maiwasang mapangiti dahil sa saya namin kanina. Napahawak nalang ako sa dibdib at napahinga ng malalim.

"Khurshanne?" "Anong nangyayare sakanya?" "Khurshanne?" napahawak ako sa ulo ko at nalilito kung saang galing boses iyon kung walang nagsasalita sa lahat ng narito.

Napatingin sakin si Ryukia kaya napangiti nalang den ako.

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon