STORY ELEVEN

87 5 0
                                    

~~~~♥~~~~~

Noong lumingon ako kay Ryukia ay napatalon ako ng makitang gising na siya at nakatingin saken.

"K-Kanina ka pa gising?" kinakabahan na tanong ko sakanya.

"I'm so proud of you!" nakangiting sabi niya saaken na naging sanhi ng pagkalito ko.

Nagulat ako ng tumayo siya mula sa pagkakahiga at nilagpasan ako upang lumabas. Sa bawat yapak niya ay ramdam ko ang pag-iingat niya. Siguro upang di kami mahuling gising pa.

Nang tuluyan na kaming nakarating sa graden ng Orphanage ay nakatingin lang siya sa kalangitan napakadilim at puro bituin lang ang makikita.

"Alam mo bang gising ako noong mula sa umpisa?" pagsisimula niya na naging dahilan bakit ako napalingon sakanya.

"Ha?" nagtatakang sabi ko sakanya.

"Ang sabi ko---" naputol ang sinasabi niya ng biglang

"Hamburger" sabay kaming lumingon ni Ryukia at nakita namin si Sol na pagewang gewang na naglalakad papunta saamen.

"Nagugutom ako ate Khurshanne." sabi saaken ni Sol. Kinuha ko siya at pinaubo sa binti ko isinandal ko ang ulo niya sa dibdib ko at kinuha ko ang mentos sa bulsa ko at binigay sakanya.

"Noong sinabe mo kay Sol na 'Sana may taong magnakaw sa mga obra niya' handa na akong sampalin ka." napalingon ako kay Ryukia at napayuko.

"Alam mo ba na ang pag-agaw sa isang obra ng isang mampipinta ay parang pagkuha ng utak nilang may makulay na nilalaman?" pagpapatuloy niya.

"Pero noong binigyan mo siya ng pangalan upang maging sandata para maipaglaban ang kanyang obra ay parang pagbibigay basbas sa isang batang pumasok sa industriyang pinapangarap niya." napangiti nalang ako at napatingin kay Sol.

"I love you,Sol. And I promise to be with until you become successful." niyakap ko siya at ramdam ko den ang pagyakap niya.

Nang tumayo si Ryukia mula sa pagkakaupo napalingon ako sakanya at napangiti sa mukha niya.

Maglalakad na sana siya pabalik sa loob ng Orphanage ng biglang magsalita si Sol.

"Ate Ryukia!" nakangiting tumakbo si Sol palapit sa kanya at niyakap din siya naglakad ako papunta sa kanila at pinagmasdan sila.

"Are you winning againts your fears? or are you still running away from it?" nagulat ako sa sinabi ni Sol ata alm kong ganoon rin ang naramdaman ni Ryukia dahil sa pagkapako niya sa kinatatayuan niya.

"Sol." pagsaway ko sakanya pero imbes na humingi ng tawad sa ate Ryukia niya ay tumakbo na siya.

"Ryukia, sorry ah habulin ko muna tumakbo ei baka mahuli ni Sister." sabi ko sakanya pero bago ako makatakbo upang habulin si Sol nagsalita siya na naging dahilan ng pagkapako ko.

"Do you want to know the truth?"

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon