STORY TEN

93 6 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

Kahit ngayong gabi na ay naguguluhan parin ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. Pero baka iyon ay ilusyon ko lamang kaya dapat nang ipasawalang bahala.

Gabi na at lahat kami ay pinapatulog na pero dahil dakilang pasaway kami ay nagtutulugan kami ngayon.

Nakapikit lang kami habang nauulinigan ang bawat yapak ni Sister. Nang marinig namin sng pagsarado ng pintuan ay halos sabay sabay kaming umupo mula sa pagkakahiga. Pero isa lang ang hindi tumayo. Si Ryukia. Dito muna siya pinatulog ni Sister dahil gabi narin pero alam din naman ito ng magulang niya.

Kinilatis kong maigi ang mukha niya at napatawa ng mahina nang malamang tunay ngang tulog na siya.

Tinawag ko si Sol. Papungas pungas naman siyang lumapit saaken ramdam ko ang antok niya. Kaya kinuha ko ang pintura sa ilalim ng kama at binigay sakanya.

Noong una ay nakatingin lang siya rito pero nang pinakatitigan niya ito ay nanlake ang mata niya at umiling iling pero alam kong gusto niya nang hawakan yon at kunin saken.

"Wag kang mag-alala walang makakaalam" sambit ko at umiling iling pa. Kinabahan ako ng nakatingin lang siya saaken at walang ginawa masisira ang plano ko nito ei.

Nagulat ako ng ngumiti siya at kunin ang pintura mula sa kamay ko.

Tatalikod na sana siya ng tinawag ko uli siya."Sol" mahinang tawag ko sakanya.

Pero ang bata ay di lumingon, pag ako nainis bato ko sakanya yang pintura.

"Isusumbong nalang kita kay Sister na kinuha mo yung natitirang pintura sa basement." pananakot ko.

"Hala hindi naman ako yung kumuha." naiinis niyang sambit. Di ko alam pero napatawa ako dahil kita ko ang halit niya. Napatigil ako ng biglang gumalaw si Ryukia,nagkatinginan kami ni Sol at sabay na pumunta humiga sa kama.

Ramdam ko ang paggalaw niya peei noong silipin ko na ay nakahiga na ito.

Pasimple at dahan dahan akong pumunta sa higaan ni Sol, kita ko ang takot niya kaya napahagikgik nalang ako.

"Sol may gagawin tayo dali tumayo kana." hindi parin siya nakinig at nagtaklob pa ng unan sa mukha.

Pag di ko na napigilan papatayin ko na talaga to gamit unan. Panira ng plano ei.

"Kapag di ka talaga tumayo diyan hindi ka na magigising bukas at mamamatay kang puro pintura ang mukha." nakangiting saad ko sakanya.

Agaran naman siyang tumayo at tumingin sakin na may plastik na ngiti. "So anong gagawin?" maarteng sabi nito ay may pa roll eyes pa.

"Manakawan ka sana ng paintings paglake." sabi ko dahil naiirita na talaga ako. Nagulat ako nang bigla siya napaayos at kita ko ang lungkot sa mata niya. Ano nanaman arte nito?

Bago kame magsimula ay pinaliwanag ko muna sa kanyang kailangan niyang pinturahan ang mukha ni Ryukia at dapat maganda para hindi naman ako masermonan nanaman.

Nang nagsisimula na siya ay wala akong magawa kundi ang mamangha sa bawat pagkilos ng kamay niya para pinturahan ang mukha ni Ryukia.

Noong matapos na siya ay pinagmasdan ko ang ginawa niya.

"A Butterfly?" nakangiwi kong saad sakanya napakacommon naman na kasi nito. Nagkibit balikat lamang siya na parang wala siyang oras para ipaliwanag saken ang lahat.

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Ryukia. Buong mukha niya ay napinturahan ng isang magandang paro-paro.

Bigla akong napangiti nang malaman ang tunay na laman ng isang simpleng art na ito.

Nilingon ko si Sol att nakita ko siyang nag aayos na ng tutulugan.

"Sinag." napatigil siya sa pag aayos ng tutulugan niya ng lingunin niya ako. Nakakunot ang noo at nagtatakang nakatingin saaken.

"Sinag ang gusto kong ilagay mo sa bawat pintang iguguhit mo para malaman nila na ito'y sayo at di pagmamay-ari ng lahat. Ikaw ang Sinag. Ang Sinag na magbibigay ilaw mula sa mga obrang nilikha mo." nakangiting saad ko sakanya.

Nagulat ako noong niyakap niya ako. "Salamat ate Khurshanne" puno ng ligaya ang boses niya.

Sana makamit mo ang pangarap mo Sol.

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon