Isang Daigdig
painebook, translated by clumatic
Sumulip ang liwanag sa labas ng aking tent. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang maliit na lalaking kulay abo.
"Ah, musta, pare?"
"Linilibot ng aming mga tao ang kalawakan para tumupad ng mga kahilingan. May gusto ka bang hilingin?"
"Pwede ba kahit ano?" Medyo masakit ang ulo ko sa tequila na ininom ko para makatulog. "Pwede ba ang kapayapaan? Isang mundo na walang gutom, problema, pulitika at gera."
"Matutupad."
Nakatulog na ako.
Kinabukasan sa aking pag gising, tiniis ko ang sakit ng ulo habang nag-iimpake at nagmamaneho pababa ng bundok. Walang mga sasakyan na dumadaan. Binuksan ko ang radyo pero static lamang ang maririnig.
Pagdating ko sa aming bayan, doon ko na napansin. Wala na ang lahat ng tao.
YOU ARE READING
Tevun-Krus #75 - International 4: SolarPunk
Science FictionOne sun, one planet, one people. Welcome the fourth International Edition of Tevun-Krus, where you can find excellent sci-fi in all sorts of non-English languages! (Don't worry, there's some English, too!) This time around, we tackle the little-know...