Prologue

34 6 0
                                    

"Anak, ihahatid na kita" wika ni mama.

Ilang linggo nalang bago magpasukan, kinakabahan na ako. Ang alam ko ay kukuhanin na ang ID ko. Bago kasi magpasukan sa school na 'yon, pipicturan ka muna para sa ID mo. Advance 101

Pagkatapos ay kumain muna kami sa malapit na kainan. Inshort, sa J.CO. Hindi ko naman masyadong paborito dito kaya si Mama na ang umubos ng kalahati ko.

Hindi ko na alam kung saan kami papunta. Hindi naman ito ang daan patungo sa bahay namin. 

"Anak... pasensiya na kung ngayon ko lang sasabihin, huh. Pero... isa kang Agent" huh?

Tinaasan ko lang ng kilay si mama. Binuka ko ang bibig ko pero sinara ko ulit. Gusto ko sanang sabihin na "Cool!"

"Napirmahan ko na ang kontrata, Livia. Ang pupuntahan natin ngayon ay ang meeting place niyo ng mga Co-Agents mo" ano pa ba ang magagawa ko? Wala naman akong choice. Hinawakan ko na lang ang tiyan kong bundat. Sabi ko mag dadiet ako ngayon bakasyon e, next bakasyon nalang pala. 

Huminto si mama sa may eskinita na masikip. Ngayon lang ako nakapunta dito, ah. Don't tell me, sa masamang agency ako sinali ni mama?? O_o  

Walang pinto pero may elevator? Taray, bongga ng meeting place.

May pinagpipindot si mama at bumaba ang elevator. Gage? Underground? O_O

Pagbukas ng elevator ay may mga siguro kaedad ko lang or mas matanda sa'kin na kabataan. 

"Speaking of who's Gemini, siya si Gemini" si Jayziel 'yon ah? Bakit ako si Gemini?

"Hello Gemini!" Bati nung lalaking pogi bago ako bigyan ng box. Ano 'to? 

"Jayziel, ikaw na bahala kay Livia huh. Mauuna na ako, anak magpapakabait ka huh" nakipag beso si mama bago ako iwan.

Mama, bat mo naman ako iniwan? Parang natatakot ako makipag-usap. Hindi naman ako madaldal, panget pa ako kaya wala talagang kakausap sa'kin. 

"Ayaw mo ba?" Tanong nung lalaking nag bigay ng box.

Umiling ako kasi hindi ko naman alam laman neto! Nakakahiya pa tumanggi.

"Tara doon! May meeting tayo ngayon," para bang kaibigan niya na ako kung kausapin niya ako. Huhu, baka chic boy 'to na balak akong akitin tapos pag na inlove na ako sasabihin niya dare lang. Char, malawak lang ang aking imahinasyon.

May long table kung saan sila nakaupo kanina. Umupo naman ako sa espasyo na baka para sa'kin.

Hindi talaga ako makapaniwala. Kanina sinasabi lang ni mama na sinali niya ako sa agency, tapos ngayon iniwan niya na ako sa kung ano mang agency na 'to!

"Okay, let's start introducing ourselves. Hello, I'm Taurus, President of this Agency. Nice to meet you all" wow, Jayziel ikaw ba 'yan? Tsaka anong Taurus? Waiiit... tinawag nila akong Gemini kanina so, Gemini ang pangalan ko?!

"I'm Cancer!" Masiglang sabi nung babaeng maganda.

"Capricorn or you can just call me Ganda" mapag birong sabi naman nung naka Brace. Ganda naman talagaaaa.

"Totoo ba 'yan, Gyle? Sipain kita jan e. Hey whatsup, I'm Leo! The one and only handsome here!" Kinurot ni Cancer si Leo. Hmm... ang saya siguro nila kasama.

"Pisces" nag peace sign 'yung babaeng nagsalita. Ang cutee.

"I'm Libra" she seems nice. Parang nerd pero maganda.

"My name is Aquarius" husky ang boses ni Aquarius huh. May mga muscle pa siya kaya mukhang lagot ang mapapangasawa neto. Char. Kakanood ko 'to ng SOCO, e. 

Butterflies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon