Chapter 2

16 5 0
                                    

Mission

Monday na ulit at kailangan na naming pumili ng club na sasalihan. Nagtatanim pa din ako ng galit sa mga kaklase ko. Hinanap ba naman ang proweba na naging maganda ako. Che!

Mabilis lang natapos ang ilang subjects. Club time na at pinili kong club ay ang Writing club. Pinili ni Vien ang Drama club, so I'm all by myself.

At first we introduce ourselves and shared our thoughts of joining this club. Well, I'm a Fan of James Patterson, Nicholas Sparks and some authors with great stories. But I didn't say that. I just said that, "I'm just following my dreams" pero chos lang talaga 'yon. Pinapahiya ko lang ang sarili ko.

We were tasked to make a story about Healty Foods. The drama club will portray the script that we'll make.

Nag vote sila kung sino ang President ng club and all I do is to watch them. Like who will nominate me? Masyadong boring ang mga ganap dito pero keri naman.

Maayos naman ang plano. Kahit hindi ako napapansin, ok lang. Well, mas okay nga yon kasi I don't like attention.

The story is about a Kid eating junk foods then the Food Fairy just came up from nowhere, curse the kid and give him one month to change his eating preference. He will meet the Healty Foods and the Bad for health foods. The biggest challenge to the kid is he will pick a food and that will decide when the curse is end. Not an challenge at all.

"Hello" banggit ng isang babae out of nowhere. Hindi ko nga alam kung sa akin ba siya nag he-hello o sa katabi ko.

"Hello" inulit niya ang sinabi niya and this time sa'kin na talaga siya naka tingin.

"A-ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko. Imagine na tinawag ka sa recitation pero wala kang alam.

"Oo, ikaw" bakit ako?

"Hi" pag bati ko sa kanya pabalik. My gulay, ang friendly naman nila dito.

"My name is Anayla from class 9-Compassion and it's nice to meet you" eh? Nice to meet me agad? Should I introduce myself? I guess I should.

"I'm Trinity from class 9-Piety and it's nice to meet you too"

"Oh, kapangalan mo pala yung kaklase ko. Trinity din kasi ang pangalan niya" oww. So sa section pala nila yung Trinity na chics. Gulay, akala ko talaga ako na.

"That's good" 'di talaga ako sanay makipag usap lalo na't hindi ko ka close.

"Transfer student ka?"

"Oo"

"Good! Transfer student din ako. Alam mo bang ang susungit ng kaklase ko sa Compa. Wala ngang nakikipag-kaibigan sa akin" nag pout pa siya na parang bata. Aww. Kahit kamukha ko siyang panget bakit pag siya gumawa ang cute. Sana ol.

"Ahh, sa Piety kasi mababait sila" mej lang.

"We can be friends!" Eh? Sa tingin ko mas energetic pa 'toh kay Vien. Pwede sila maging best friends 'pag nagkataon.

"Oh? Okay" siguro ako napili netong friend kasi panget din ako. Joks.

"So, sino crush mo?" Wah! Crush agad?

"Wala" diretsang sagot ko. Gulay, kakakilala lang namin.

"Eh? Kahit isa wala?" Tiningnan niya ako na para bang ayaw niya akong paniwalaan.

"Oo nga. Ikaw? Sino crush mo?" Balik tanong ko sa kanya.

"Si Iris" yah! Crush niya yon?! Sure ba siya?

"Malabo ba mata mo?" Umiling iling siya at nag pout.

"Ang pogi kaya niya tapos ang bait" ANG BAIT?! 'Di nga?!

Butterflies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon