Awkward
Waaaah! Nag ala running girl ako mula subdi hanggang little cute House ni Taurus. Muntik pa akong ma-mali ng pindot sa elevator. Hanep naman si Lady L, wala namang sinabi na biglaan. Saktong 4:00PM na at kung nilakad ko pa siguro baka 4:15PM pa ako nakarating. Napagod ako sa pag takbo, baka pumayat na ako bukas.
Pagka bukas palang ng elevator ay nakita ko na kaagad ang mga mukha nila na halatang hinihintay ako. Shocks. Walang nag sasalita at ramdam na ramdam ko talaga ang kaba nilang lahat.
"Nice meeting you, Miss Gemini" her voice is deep but it is beautiful when heard. Half of her face is covered with the stunning mask that resembles a cat. Her presence is something, something mysterious.
Base sa pormahan, masasabi kong may edad na siya. Siguro nga ka edad pa ni mama. Mukha nalang niya ang hindi ko pa nakikita. Weird ang name pero okay lang, kesa naman Woman L ang itawag namin sa kanya.
"Nice meeting you din po" nag bow pa ako na parang tanga. Hindi ko na talaga alam gagawin. Nakakaloka.
Nilapitan niya ako at hinawakan ang likod ko. Naglakad kami palapit sa Zodiac Pips. Ang kamay ko ay basang basa, wala naman akong ginagawa. Ganoon talaga 'pag kinakabahan ako. Hihi.
"There is one thing you need to learn, dear Gemini" Wika niya sa malamig na tono. Nagtataka naman akong tumingin para ipahatid na nagtatanong ako. I don't want to talk, eh.
"Time is everything to me, you'll receive a punishment IF you do this again. Next time there'll be no next time, okay? Do you understand?" Tumango nalang ako kasi wala naman akong choice. Kinulabutan din ako noong sinabi niyang may punishment 'pag inulit ko pa. Huhu, hindi ko naman kasi alam!
Seems like pina sadya niya talaga ang orasan sa taas ng maskara. Anong mayroon sa oras at tila ba napaka halaga neto kay Lady L?
Nang maka lapit na kami sa grupo, tsaka niya na 'ko binitawan. Walang nag sasalita at the same time, pigil din ang malakas kong pag hinga.
"So, pagtitipon lang ang ginagawa niyo? Wala nang iba? 'Yan na ba ibubuga ng agency na 'to?" Hay salamat, nag tagalog na den.
Kumuha siya ng tinidor at tinusok sa waffles na ginawa ni Pisces. Tinikman niya ang lasa at dahang dahang nginuya. Pati pag nguya niya sobrang elegante, masasabi mong hindi nanggaling sa hirap.
"U-uhm.. wala naman po k-kayong inutos" sa tono ni Pres ramdam na ramdam mo ang kaba. Sino ba ang hindi kakabahan?
"Wala ba? Kailangan ba ng utos ko para may gawin kayo?" Kawawang president. Char.
"H-hindi po" hindi makatingin si Taurus kay Lady L.
"Bukas na bukas gusto ko nasa Mansion na sila, Taurus. Tomorrow will be your first day of training, all of you will meet your seniors" huh? Training? Seniors?
"Anong klaseng training po?" Si Aquarius ang nag tanong.
"You'll see. Anyway, this is it for today. May meeting pa akong pupuntahan. Ikaw na ang bahala, Taurus" tsaka ko lang naibuga ang aking hininga noong naka alis na si Lady L. Pagkasara pa lang ng elevator ay nag unahan na sila sa pagkuha ng tubig.
"Hay salamat! Naiihi na ako kanina pa" wika ni Leo from states.
"Aray" pinitik kasi ni Taurus 'yung noo ko.
"'Yan ang napapala mo, late ka na naman" sermon niya. Dapat na talaga akong masanay.
"Aish. Yah! Masakit kaya" hinilot ko ang noo ko para mag acting na nasasaktan. Weak pumitik si Tau.
"Bahala ka diyan" iniwan niya ako at nakipag usap kayla Scorpio.
"Bessy! Na miss kita" niyakap na naman ako ni Cancer ng patalikod. She's the sweetest talaga. Pero nakakagulat na may bigla biglang nangyayakap sayo, dapat masanay na din ako dito.
BINABASA MO ANG
Butterflies
Teen FictionZodiac Series #1 Gemini A young student transfer to a new school for no exact reason. She just discovered that her mother signed her into an agency. She have no choice but to agree. In the midst of the mission, she discovered secrets. Secrets she do...