Chapter 8

22 3 0
                                    

Second Mission

Kinakabahan talaga ako ngayon, gulay. Nandito kami ngayon sa mansion ni Lady L para sa sinasabi niyang training na gagawin namin.

Walang nagsasalita habang sinusundan namin ang dalawang maskuladong lalaki.

Wala namang nakaka-kaba kanina sa theater club. Wala sila Iris at Kach pero si Iris ang bibida sa naisulat naming kuwento. Si Kach ay magiging gulay na talong, bagay na bagay sa kaniya. Si Trinity ay magiging Petchay na bulok, joks, ang kambal naman ay magiging sitaw.

Mas nakaka-kaba talaga ngayon! Feeling ko hindi humihinga ang mga kasama ko.

Nakarating kami sa harap ng malaking pinto. Binuksan nung isang may balbas na lalaki ang pinto at nanguna naman sa paglalakad 'yong may tattoo na lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking natanaw, napahinto rin ako maging ang buong grupo. Ganito ba 'yung training?! Papayat na nga talaga ako. Huhu.

Napakalaki ng loob nito at feeling ko kasya na ang buong eroplano! Char. Exaggerated lang ako, hehe. Pero tunay ngang napakalaki! Grabe, ang yaman ni Lady L!

Sa isang gilid ay may archery na pinagpa-praktisan nung dalawang babae.

Sa tabi naman ay ang Shooting Area

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa tabi naman ay ang Shooting Area. Walls lang ang pagitan pero dahil sa salamin ay nakikita namin ang nasa loob nito. Matalino din na pinaghiwalay dahil sobrang nakakagulat ang putok ng baril.

A/N imagine niyo nalang na perfect, huhu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N imagine niyo nalang na perfect, huhu. Nahirapan din ako mag hanap ng picture para diyan HAHAHA. Wala naman kasi akong alam tungkol sa mga ganiyan, puro imagination lang ang alam ng utak ko, eh. 'Yun lang, haha!

Pinag tour pa kami nung dalawang maskuladong lalaki. Nang makapasok sa Shooting Range Area, tumaas ang mga balahibo ko. Ang lamig dito, sist! Naka aircon pero wala namang tao! Yaman talaga!

May pintuan ulit sa kabilang dulo kaya pumasok kami. Sa loob ay makikita ang Boxing ring sa gitna. Katabi ng boxing ring ang nakalatag naman na parang higaan para sa Taekwondo. Mukhang uuwi akong balian ang buto. Bakit ba ako sinali ni mama dito? Huhu.

Butterflies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon