Suspicious Two
"Ready na ba kayo?" Tanong ni Ma'am Yu.
Nandito kami ngayon sa Gym para mag perform para sa Buwan ng Wika.
Pagkatapos ng Loyalty ay kami na. #Kabado na naman.
Natapos na namin ang exam last week. Putcha, sa katapusan na ang kuhanan ng card. Bahala na si Hiccup.
"Wow! Ang galing naman ng Loyalty! Eh, ang susunod kaya? Third place sila noong Nutrition month diba? Nine Piety magpapakabog ba sa Loyalty?? Hahaha" Luh. Mej nakakainis 'tong MC na 'to. Maliit na bagay, pinapalaki. Hihi.
Pumunta na kami sa harap para mag perform. Yuko muna para sa opening. Hoho.
Sumabay ang bawat galaw namin sa ritmo ng tugtog. Synchronized kung synchronized.
Pagkatapos ay pinanood namin ang performance ng ibang section. Kabog talaga ang Fidelity. Nakakaramdam na ako.
Ang performance nila Iris ay parang nanghihina na. Nawala na ba ang sigla nila noong Nutrition month? Pero kabog, daming pogi at maganda. 'Di papatalo ang section nila, e.
Sa Faith ang may magandang performance. Katulad ng kayla Iris ay magaganda't gwapo din ang mga estudyante dito. Chika pa nga ni Vien, diyan nagsama-sama 'yung mga matatalinong students. Galeng talaga, maganda na matalino pa! Mga gifted! Sana all! T_T
Pagkatapos ng lahat ay bumalik na kami sa Room. Picture taking ulet para mukhang panalo.
"Gala tayoooo" pinipilit na naman ako ni Vien. Hindi nga ako marunong tumanggi. T_T
"Hmm... saan ba?" Mej tinatamad ako ngayong araw e. Jokz, araw-araw naman akong tamad, arte lang 'yon.
"Ahhm.. sa Amusement Park kaya? Kaso may bukas ba sa hapon? Parang mas maganda gabi e" sira ba siya? Nais pang sa gabi gumala, edi sana all papayagan! Ayoko din namang gumala kapag gabi. Natatakot na ako na puro sa lugar namin nagaganap ang kidnapping, mahal ko pa buhay ko 'no.
"Ngayong umaga nalang, may gagawin kasi ako mamayang gabi" char lang 'yon. Mabilis ko naman napapayag si Vien sa gusto ko.
Kasama ko ngayon ang Fake Friends ko patungo kung saang amusement park. Kasama na din ang ate ni Vien. Ewan ko ba, parang 'di ko na nakikitang magkasama si Vivian at Trinity. Wala pa 'kong chismis na nakakalap.
Kotse nila Iris ang the best kapag galaan. Kasyang kasya kami e! Katabi ko ngayon si Anayla, pinaka likod pa kaming panget.
"Orayt! Sino sasama sa'kin sa Gabi ng Lagim? Hwahahaha mga takot magsiuwi!" Tiningnan kaming lahat ni Iris mula sa front seat na may mapang-asar na look. Ha! Baka akala niya takot ako! Oo, takot ako pero 'di nila pwedeng malaman kaya sasama ako. Hehe.
Napa frown nalang ako ng maalala na 'di ko na inform si Taurus. Siya na daw bahala kay Kach pero kasama ko naman ngayon si Kach.
Speaking of, last week noong magkasama kaming umuwi ni Tau, may nakita akong kahawig ni kuya.
Pag-uwi ay tinanong ko si mama kung may kahawig ba si kuya. Ang sabi niya wala pero iba naman ang sinasabi ng mukha ni mama, it was fear. Why would mama fear if kuya have a similar face with someone. Unless, she knows someone who looks like kuya.
Sumasakit na talaga ang ulo ko sa dami ng iisipin. Studies, family, the agency, and shits about me.
Ganito ba dapat ang nararanasan ng Grade 9 student? Diba dapat nag-aaral ako? Hays, ano pa nga ba, wala naman akong choice.
At sa wakas! Naka dating na kami. Pagbukas na pagbukas palang ng pinto ay tinakbo na kaagad ni Iris ang entrance. First time mo gHorl?
"Bobo! Magbayad ka muna ng entrance mo!" Sigaw ni Vivian. Seriously? Crush niya talaga si Iris sa lagay na 'yon or inaasar lang? Ang cute nila pero hindi sila pwede.
BINABASA MO ANG
Butterflies
Teen FictionZodiac Series #1 Gemini A young student transfer to a new school for no exact reason. She just discovered that her mother signed her into an agency. She have no choice but to agree. In the midst of the mission, she discovered secrets. Secrets she do...