Her Arrival
Nandito na ako sa room at hinihintay ko nalang si Kach. Hindi ko yata kayang makatagal ng two months sa kan'ya.
Bakit kasi sa lahat ng tao, si Kach pa? Pwede namang si Anayla, si Vien or kahit si Vivian na din. Kahit sino pwede 'wag lang si Kach at Iris.
"Hmp" hindi ko alam na nakalapit na pala si Vien sa'kin. Naka pout na naman siya as usual.
"What?" Tanong ko.
"Sabihin mo nga sa akin. Ano mo si Iris? At bakit naka tag si Kach?" Sabi na, eh. Kanina pa nakatingin mga kaklase ko sa'kin, hatalang gustong mag tanong. Pero dahil si Vien lang ang kaibigan ko, siya lang ang naglakas loob.
"Wala. Baka kaaway ko sila" kaagad kong sagot. Ayoko ng kung ano-ano ang iniisip ng mga tao sa'kin. Nadudumihan ang aking magandang pangalan.
"Eh, kahapon nung nasa detention room tayo. Ano 'yung pinag-uusapan niyo ni Kach?" Gulay. Pag dating kay Kach ang daming tanong.
"Hiniram niya kasi 'yung libro ko"
"Kahit na! Dapat sinabi mo sa'kin" luh. I've never seen this part of Vien. Bakit parang ang creepy? Or it's just me na hindi sanay? Pero basta. Ang weird. hshshs.
"Hindi pa naman tayo close noon, tsaka hindi ko din alam na crush mo si Kach" defense ko.
"Sige na nga, pinapatawad na kita" bumuntong hininga pa siya bago sabihin 'yon. Bakit parang pilit? Wala naman akong kasalanan.
"Just... just don't be close with Kach" huli niyang sinabi bago ako tinalikuran. Tss. Mission ko nga maging close sa kanya, tapos pipigilan mo lang ako? Lul. Char.
Hindi pumasok si Kach at buong araw akong hindi pinansin ni Vien. Edi wow. Sanay naman akong walang kaibigan. Hayys. Loner life. Or should I say Loser Life?
Bakit kaya hindi pumasok si Kach? Lakas ng loob sa FB kahapon, hindi naman papasok ngayon. Edi wow din sa kan'ya.
Pauwi na sana ako nang makita ko si Aries na may kasamang babae. Siguro 'yung Ms. Albo na naka assign sa kaniya. Nakaka-inggit, sana ol nagagawa ng maayos ang mission. 'Yung Catcher kasi na 'yon eh, pa absent-absent pa.
Napalingon ako sa kumalabit sa'kin. Si Anayla lang pala.
"Bakit hindi ka nag recess? Bakit hindi ka nag lunch? Wala tuloy akong kasama" sumabay siya sa paglalakad sa'kin at katulad ni Vien, naka pout na naman siya. Isang araw talaga mag po-pout ako kahit sa galit o pinaka masayang tao na makikita ko. Takte, umay na umay na ako sa mga mukha nila.
"Tinatamad ako" simpleng sagot para sa walang kwentang tanong. Joks.
"Lagi ka naman tinatamad! Porket hindi pumasok si Kach, hindi ka na magre-recess at lunch!" Luhmeh. Paano niya nalaman?
"Paano mo nalaman?"
"Simple lang kasi crush mo si Kach" huh? Ang layo ng sagot niya sa inaasahan ko.
"I mean, paano mo nalaman na hindi pumasok si Kach"
"Ahh... hindi din kasi pumasok si Iris" hah? Ano connect ni ipis?
"Paano naman nasali si Iris sa usapan, aber?" Napahinto ako sa paglalakad at nag cross arms na parang donya with matching taas kilay. Taray ka gHorl?
"Uh.. kasi bestfriends sila. Hindi ko alam kung sino ang nandemonyo na umabsent. Syempre 'pag umabsent ang isa, absent din ang isa. Ang solid lang. Nasa bucket list ko kaya na gawin din nating dalawa 'yon" gulay. Kumikinang pa ang mga mata niya habang nag ku-kwento. Gusto niya din umabsent? Ako din.
BINABASA MO ANG
Butterflies
Teen FictionZodiac Series #1 Gemini A young student transfer to a new school for no exact reason. She just discovered that her mother signed her into an agency. She have no choice but to agree. In the midst of the mission, she discovered secrets. Secrets she do...