Chapter 3

14 5 0
                                    

Detention

Nandito na ako sa room at nakatulala lang. Iniisip ko pa din 'yung sinabi ni Taurus. Anong pakulo ni Lady L? Bakit kailangan mapalapit kami sa mga taong 'yon?

Seriously? Bakit parang biglaan? At bakit isa sa mysterious person si Kach?

Nagulat ako nang may napakalakas na tunog ang bumagsak sa table ko. It's my book. Not So Normal Norbert and it smells brand new. The best smell in the world for me, brand new books. Ahhh.

Napalingon ako sa taong nag bagsak. At expected, serious face na naman si Kach.

"Thanks" wika ko habang nakatitig pa din sa libro. Hindi ko siya matitigan pabalik, nanlalambot ako tuwing naaalala kong kailangan namin mapalapit sa isa't isa. Like yak!

"Don't thank me, nabitin lang ako" yeah, been there, done that. Lyrics 'yon, e.

"Okay" yun lang at umalis na siya. Mag su- succeed kaya ako? Kausapin lang si Kach ang hirap hirap na. Nakoo! Ayoko magalit sa'kin si Vien. Huhu, patawarin mo na ako.

Nag simula na ang klase pero isip ko gobas. Ano ba plano ni Lady L?

Natapos ang first subject na wala akong napag-aralan. Okay lang, 'di naman ako nag-iisa. Alam ko namang lutang din ang aking mga minamahal na kaklase. Joks.

"Trinity, tara!" Aya ni Vien sa'kin.

"Okay lang ako Vien, ikaw na lang" sisimulan ko na ang plano naming Zodiac pips. Hindi naman nag re-recess si Kach.

"Ehh, wala akong kasama" nag pout siya sa'kin. Huhu, ang ganda talaga niya. Potek, bakit hindi makita ni Kach?!

"Kaya mo na yan" ilang pag tanggi pa ang ginawa ko bago mapilitan siyang lumabas mag-isa. Eto na ang perfect timing!

Kaso....

"Trinity, excuse ka daw ni Anayla" awit. My plan....

"Sabihin mo busog ako" dahil uto-uto siya, bumalik siya para sabihin kay Anayla ang message ko.

Nagulat kaming apat na hindi nag recess ng biglang kumalabog ang pinto. Uh? Uso ba trespassing dito?

"Bestfriend! Lalabas ka! Kaya let's go" wow, mas persistent talaga siya kaysa kay Vien. May pa hila effect pa siya.

"H-hoy, busog ako" umupo na ako sa sahig para hindi niya ako mahila. Kaso si Do Bong Soon ata ito. Ang lakas! Mabigat na ako, nahila pa niya 'ko. Ano ba namang klaseng babaeng 'to, payat pero malakas.

"Ah basta! 'Pag hindi ka sumama iisipin ko crush mo 'yung kaibigan ni Iris" ay wow. Magaling.

Pag sumama ako, ibig sabihin natalo ako. Pag hindi, maniniwala siyang crush ko si Kach. Yuck! Pero mas okay na 'yon diba? Kahit isipin din naman niyang crush ko si Kach, alam ko sa sarili ko na hindi. Okay, wise ka ngayon brain kahit 'di ka nakinig kanina.

"Busog nga ako, ikaw na lang" pagpupumilit ko.

"Ah, crush mo kasi si Kach" hala! Ang lakas ng pagkakasabi niya. Napa-praning na ako dito sa hallway. Gage naman 'tong si Anayla. Huhu. Wala nga akong crush.

"Hindi ngaaa" gosh.

"Sasama ka o sasabihin ko sa kanya harap harapan?" Sige na nga. Lalabas lang naman, kesa mag feeling na naman si catcher.

"Okay" kahit 'di okay.

"Yay!" Nagtatalon pa siya sa tuwa. Ako? Nag-aalala. Ano na lang iisipin ni Vien? Tumanggi ako sa kanya kanina, tapos magkikita kami mamaya. Hala! Baka mag F.O kami. T_T

Tahimik lang ako sumunod pababa kay Anayla. Madami siyang kinuwento tungkol kay Iris. Wala naman akong paki kay Iris kaya hindi din ako nakinig. Si Kach ang kailangan kong makilala.

Butterflies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon