What Happened?
"Ano bang pumasok sa maliit mong kokote at naisipan mong mag layas?" Hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa pagkain ng Jollibee.
Kapag sinuswerte ka nga naman.
Napulot ako ng mayaman kong kaklase sa daan. Inshort, napulot ako ni Kach.
Buti nalang at nagutom siya kaya inutos niyang mag take out sa Jollibee. At buti nalang ginutom din ako at naisipan kong tumawid!! Salamat tadhana, may matitirahan na ako.
"Shh! Kumakain pa ako" kinuha ko ang fries niya at eto naman ang nilantakan ko.
"Bumalik ka na nga sa inyo. Masaya na nga ako kasi wala ka tapos sasabihin mong dito ka makikitulog?! Hilo ka?!" Pinunasan ko ang laway na tumalsik sa pisngi ko. Grabe ka nemen.
"One week vacation lang! Damot mo naman!" Ako na talaga ang makapal ang mukha.
"One week vacation?! Eh kung tawagin ko kaya si Mrs. Fajardo?" Napatigil ako sa pagkain at nagmamakaawang tiningnan siya.
"'Wag, Kach. Please, 'wag" hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko naman masabi kung naaawa ba siya o hindi.
"Tsk. 'Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Para kang aso na nagmamakaawang bigyan ng pagkain" iniwas niya ang tingin niya sa'kin. Grabe naman sa aso. 'Di talaga maka forget.
"Basta dito ako matutulog ng isang linggo, huh? Saan kwarto ko?" Ginala ko ang mga mata ko at naghanap ng silid.
"Sa kwarto ng kapatid ko. Tara" tumayo siya at naglakad paalis. Sinundan ko naman dala dala ang bag ko.
Pumasok kami sa isang malaking silid sa Second floor. Ang unfair talaga ng life. How can a Grade 4 student have a big room than mine?! Ang cute pa kasi pink!! Puro Mickey Mouse at Pepa Pig nakikita ko. Noooo!
"You okay? Bat parang naiiyak ka" sinipat niya ako. Wala lang 'to bro, dream room ko kasi ang ganito noong bata. T_T
"Okay lang. By the way, nasaan ba ang sister at parents mo? Okay lang ba sa kanila?" I never saw Kach's family kasi eh. Except kay Cloud.
"Hmm... that's fine. They're not always here and visit once in a blue moon. Matulog ka na" umalis na siya at iniwan ako.
Sinipat ko muna ang room kung may CCTV. Mahirap na, hindi pa naman ako taga rito.
At sa wakas, nakapag pahinga na 'ko!! Ang lambot ng kama, nakakagigil! May flushy pang pepa pig. Kach's sister is living the life!! Sarap maging rich like Leofordsss. T_T
"Hoy! Dogidogs! Wakeee upppp!" Sarap sarap ng tulog ko eh.
"Kapal ng mukha neto. Tatawagan ko si Mrs. Fajardo!" Napa gising ako sa sinabi niya. Lintik. May pang blackmail si Catcher.
"Ano ba?!" Napa kamot ako sa ulo. Nakakainis naman, sarap sarap ng tulog ko tapos may epal.
"Aalis ako. 'Wag kang papasok sa kahit anong room dito huh. Sa Movie Room, Restroom, Walk in Closet, pwede ka pero sa lahat bawal!" Hala. Sungit.
"Saan ka naman pupunta? Sama ako" ayoko nga mag-isa dito. Delikado! Baka ikulong ako nila Kach tapos may assassin na naka assign na patayin ako.
Ay shit!! Oo nga palaaa! Agent si Kach. My life is on the line. T_T
Anong pumasok sa isipan ko at naisipan kong makitulog dito? Ang bobo ko! Ang bobo bobo kooo! Gusto kong paluin ang ulo ko sa katangahan pero nandito pa siya sa harapan ko.
"Bawal. Family matters. Dito ka lang" hindi nga pwede at baka mamatay ako sa takot!
"Ah basta, sama ako" hindi pa ako dinadapuan ng hiya kaya mabuti 'to. Lord, sorry kaagad. Wala akong respeto sa privacy ng pamilya ni Kach. Alam ko pero sasama pa din ako.
BINABASA MO ANG
Butterflies
Teen FictionZodiac Series #1 Gemini A young student transfer to a new school for no exact reason. She just discovered that her mother signed her into an agency. She have no choice but to agree. In the midst of the mission, she discovered secrets. Secrets she do...