Chapter 4

18 5 0
                                    

Crush

Kakadating ko lang sa little Cute House ni Taurus. Uwing uwi na talaga ako kanina pa. Letche kasi si Ma'am TLE. Joks. Hindi ko talaga expect na magsusumbong si Vien para lang mapansin ni Kach. She's being crazy.

"Yow Gemini!" Bati ni Capricorn.

"Waaah! Gemini!" Si Cancer naman na bigla akong niyakap mula sa likod.

"You're one hour and seven minutes late" masamang awra na bati ni Taurus. Bati or sermon?

"Na detention lang naman ako kanina" mayabang kong sinabi.

"Wow, proud ka pa" sabi naman ni Sagittarius.  

"Kaya bestfriend kita eh" inakbayan pa ako ni Cancer. Dumikit sa akin boobs niya. Naol.

Si Pisces naman ay may nilapag na grahams sa long table.

"Wow! My favorite!" Ang bilis ni Virgo. Takte naglalaro lang 'to ng COD kanina, ah.

Pinalo naman ni Pisces ang kamay ni Virgo. Aww. "Maghintay ka" madiing wika ni Pisces.  Mahigpit ang baker namin, basta pagkain.

"Okay, team. Kumpleto na tayo at simulan na natin ang report. Aries mauna ka na" may long table at doon kami umupo isa-isa. Dala-dala pa ni Pisces ang grahams at nilapag niya pa talaga sa gitna. Gulay, nakakatakam.

"I'm Aries reporting to President Taurus. Saying that I already know Ms. Albo of  Heart Academy" Sounds like succeeding si Aries. Sana ol.

"I'm Aquarius reporting to President Taurus. Saying that I already know Mr. Santos of Jill's Gym" sheesh. Gaya gaya siya.

Mula naman sa screen ng iPad ni Scorpio, nagsalita si Leo. "I'm Leo reporting to President Taurus. Saying that I didn't have any communication with Mr. Gregorio from Gregorio Company" aww. Sad for you Leo.

Nagpatuloy lang ang reporting hanggang umabot na sa akin. This is it pancit!

"I'm Gemini reporting to President Taurus. Saying that I currently hate Mr. Leoford of Heart Academy" sincere kong sinabi.

Lahat sila lumingon sa gawi ko. Why? Did I said something wrong? Bakit laging ako? Bakit parang kasalanan ko pa? Joks.

"Hate?" Nagtatakang tanong ni Pisces. Yes po, opo. Hates.

"Uh, why?" Taas kilay na tanong ni Pres. Taurus. Taray mo sist.

"Basta! It's a classmate thingy you wouldn't understand" more like enemy thingy.

"Okay, this is interesting" yah Virgo. Chismoso.

"Hoy Gemini umayos ka hah! Mission 'to, hindi awayan. Wag kang umasa na magkakatuluyan kayo nung Leoford na 'yon! Sa libro lang ang mga 'yon, ok?" yes mamsh Libra. Epekto yan ng kakabasa ng novels.

"Opo" hihi. Mabait talaga akong bata.

One fact about Zodiac Pips. Kung ano ang codename namin dito sa agency, 'yun din 'yung month na pinanganak kami. Kaya nga sakto kaming twelve.

June 6 ako pinanganak. Obviously, kaya Gemini ang codename ko kasi hanggang May 21 at June 20 ang date ng mga Gemini Pips.

Natapos ang reporting at wala akong ginawa kundi ang mag cellphone dito sa little cute house ni Taurus.

Hindi ko alam kung sinapian ba si Sagi. Bakit biglang bumait? Sa speaker may pinapatugtog siyang musika na tungkol kay God.

"Open our eyes Lord, we want to see you
Open our hearts Lord, we want to know you
Open our ears Lord, we need to hear you
Jesus be revealed, Jesus be revealed"

Butterflies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon