Chapter 11

15 4 0
                                    

Date

Natapos na ang 3 days trial card ng school sa'ming lahat. Char. 3 days parusa pala.

Grabe ang inabot namin sa 3 days na 'yan! Naglinis ng buong school tapos didiretso sa mansyon ni Lady L para mag training. Kaya ang eksena pag-uwi ay ang pagkain ko na parang isang kabayo. Happy naman ako dahil sa dinami ng kinain ko, hindi na ako tumataba!

4:30AM palang ngayon at nagpapaka crazy ghOrl ako habang pinapatugtog ang complicated. Kung last month ay Hurricane, ngayon naman ay Complicated na kanta ni Avril Lavigne.

"Ooohhhh why'd you have to go and make things so complicated?!! I see the way you're actin' like somebody else, gets me frustrated!" Hawak hawak ang hair brush habang pikit matang kumakanta.

Every month talaga may kantang nas-stuck nalang sa utak ko tapos gustong gusto ko pinapatugtog. Hehe.

"PANGET ANG INGAY MO! ANG AGA AGA!" Nagulat ako sa malakas na katok ni kuya. Shete naman 'tong kuyang 'to.

"He! And you fall, and you crawl, and you break, AND YOU TAKE WHAT YOU GET KAYA KA NAGISING HAHAHAHA!" Ako na ang nag wagi sa bangayan namin ni kuya. HAHAHA. Syempre 'pag inis siya, edi mas inisin pa! Mag-iingat nalang ako sa mga susunod na araw at baka ma prank ako ng wala sa oras. 

"MAMAAAA!! ETONG ANAK MO OH!" HAHAHAHA nag sumbong na naman si Monggs. Balasilajan. Basta ako good mood.

Hindi na ako sinabayan ni kuya papasok sa school. Okay lang naman dahil baka pag tinginan ako at mag taka kung bat may kasamang pogi. Hindi ko pa naman ka look a like si kuya kaya baka pagkamalang shota ko pa. Yuck! 

Pagka dating sa room ay kaagad kong inilapag ang bag at yumoko. Napa aga yata ako at wala pa si Vien.

"Trinity, excuse ka daw nung babae" tawag pansin sa'kin ng isa kong kaklase. Sino namang babae 'yon kahit alam ko na kung sino. Hehe.

"Frienyyy!!! Na miss kita!" Niyakap ako ni Anayla na agad ko namang kinagulat. Gulay, ang daming tumitingin sa'min!

Pagkatapos ng yakap niya ay hinila niya ako at nagsimulang mag lakad. Sinundan ko lang siya kasi wala akong magawa.

"Alam mo ba, ang lungkot ko. Wala akong kasamang maghanap ng pogi! Tapos hindi ka pa pumunta sa club noong monday. Kinalimutan mo na ba ako frieny?" Naka pout siya habang kinukwento ang pagiging lonely niya. Naawa naman ako dahil naalala ko ang magkaibigang si Jill at Ken.

Fresh pa din sa'kin ang nangyari at ang huling balita nalang namin ay lumipat na ng school si Ken.

"Busy ako, eh" pagdadahilan ko.

"Anong busy! Eh nakita kaya kita, may kasama kang mga poging senior high! Ikaw ha! Alam mong tirador ako ng pogi tapos hindi ka nagsasabi sa'kin na meron ka palang kaibigan na pogi" talagang hindi ko sasabihin!

"Ayoko lang malagay ang buhay nila sa panganib. Lalo na ang future" ako na talaga ang pinaka harsh na kaibigan na mae-encounter nitong si Anayla. Haha. Ang cute kasi niyang magalit.

"Anong panganib?! Sira ka talaga! Kay Iris na nga lang ako. Sa kanya mo lang ako shini-ship, eh" hindi na talaga natuto na walang pag-asa kay Iris. Bahala nga siya.

Bumili lang siya ng choco choco at inalok pa ako kaya hindi na ako tumanggi. Masamang tinatanggihan ang grasya!

Nagpaalam na ulit kami sa isa't isa kaya pumasok na ako sa room. Nandoon na sila Vien kaya nagdaldalan na ulit kami. Ewan, pero nagsisimula na akong maging close sa taong nakapaligid sa'kin.

Pinansin na din ako ni Kach nung nakaraan dahil magkagrupo kami sa isang subject namin. Hindi talaga ako naka move on sa nangyari doon sa mansyon nila Kach. Huhu. Dagdag pa 'yung mission na nakaka pressure. Parang ang hirap talagang maging close sa isang Kach Leoford.

Butterflies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon