Chapter 17

11 4 0
                                    

Start

Sa dalawang araw na walang pasok ay wala akong ginawa at magdamag na nagkulong sa kwarto. Bumababa lang ako kapag tinatawag. Mas mabuti na din na laging wala si mama dahil hindi pa ako handa.

Nakakapansin na din si kuya kaya mas inaayos ko ang pag-a-act ko.

"Tatlong araw na ang nakalilipas nang nawala ang batang anak ni Roan. Ilang ina na din sa lugar ng Sta. Cruz ang nawawalan ng anak. Ano kaya ang dahilan ng kidnapper? Nakatutok, Jarred Capistrano" wika ng reporter sa TV.

"Ilang bata na ang nawawala, ah. Hindi pa ba nahuhuli?" Tanong ni Kuya.

"Hindi ko alam. Bat daw ba kinikidnap?" Hindi naman ako interesado sa usapan. May naaalala din akong nabasa sa news paper noong June na mga nawawalang bata. Ano 'yon? Nandito si Pennywise?  

"Baka for ransom. Kaya ikaw, 'wag gala ng gala! Tara na!" Pinat niya pa ang ulo ko bago ako hilahin palabas.

Monday ngayon at start na ng real real mission namin. Hindi ko alam kay Taurus kung magsu-switch muna kami.

Pag pasok sa room ay inaya kaagad ako ni Vien sa labas. Sumama naman ako kasi nakakatamad mag-isa sa room.

Tambay lang kami sa Acacia at pinagmamasdan ang mga estudyanteng dumadaan.

"May tanong ako sayo... Sino sa'min ng social media friends mo ang pinaka gusto mong kasama?" Hala. Bago bago ko lang kasi naging kaibigan sila Vien. Nauna ang Zodiac Pips pero... ang hirap ng tanong!!

"Hmm... wala, e. Wala akong maisip. Bakit mo natanong?"

"Last time kasi mas mukha kayong close. May sinabi lang sila na aalis, kaagad ka nang sumama" eto na nga ba ang sinasabi ko. Nagsususpetya na sila at with matching tampo pa.

"Mahalaga at bawal akong tumanggi" saad ko habang naka titig sa sahig.

"Bak-"

"Vieeeen!! Liviaaaa! Tulonggggg!" Huh? Natanaw namin na papalapit na si Iris hila hila si Kach at tumatakbo patungo dito. Sa likod nila ay si Anayla.

Ano na naman nangyayari sa dalawang 'to?

"Haaa! Napagod ako! Eto kasing babaeng 'to, sinusundan ako! Doon ka nga!" Napaka arte ng ipis na 'to. Kung ganyan sasabihin sa'kin ng crush ko, aba uncrush na!   

"Masama ba? Atleast nga alam mong inistalk kita kesa 'yung nakakatakot na stalker. HAHAHA" parang baliw 'tong si babaita.

Si Kach ay may nakakatakot na ngiti sa bessy niya. Karma mo 'yan Iris! Bawi bawi lang si Kach, e.

Sa likod ni Kach, mula sa malayo ay natanaw kong nakatingin si Taurus sa'kin. Tila ba sinesenyasan akong lumapit. Ay oo nga pala, 'yung mission.

"CR lang ako huh" palusot ko sa kanila. Ang mga uto-uto ay naniwala kaya naka takas ako.

"Baket?" Tanong ko kay Tau.

"Kay Mendoza ka, ako dyan sa Leoford na 'yan" mag su-switch nga.

"Ano ba itsura ni Mendoza?"

"Basta babaeng short hair, mas matangkad onti sayo. Laging may clip na pambata tas may kaibigang maganda, sexy at mabait" parang may pagpa-fantasya 'yung dulo ha.

"'Di ko naman tinatanong kung sino kaibigan niya! Tsaka madaming short hair, matangkad, at may clip. Bat 'di mo nalang ituro, punyemas na 'to" napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa description ng lalaking 'to.

"Tsk. Magta-time na kasi, e. Tara nga sa 9-Fidelity!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa Building naming junior high. De Ja Vu 'yung feels, mas nakakahiya nga lang ngayon.

Butterflies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon