Chapter 5

20 5 0
                                    

Old Pictures

"WAAAAH!" Hinahabol ko ngayon si Taurus slash Jayziel sa totoong buhay kasi ang epal niya.

Natutulog ako tas gigisingin ako?! Tama ba 'yon?!

"HALIKA DITO! TIKMAN MO ANG GALIT NG ISANG FAJARDO!" Hawak hawak ko ang isang frying pan habang naghahabulan kami sa kusina.

"MASARAP!" Aba talaga nga naman. Pinag-iinit ang ulo ko.

"YAAAAAH!!!" 

"Mama si Panget hinahabol ang bisita naten!" Aba saan naman sumulpot 'tong monggoloid na 'to?

"HOY! MONGGOLOID WAG KA NGANG EPAL!" Binelatan lang ako ni Kuya. Prank kita bukas kala mo. 

"TAMA YAN PRE! KANINA PA AKO BINUBUGBOG NG KAPATID MO" pa victim ang potek.

"Hoy Livia! Nakakahiya kay Jayziel! Minsan na ngalang siya pumunta gaganyanin mo pa!" Bakit ako na naman?! Kasalanan ko na naman?! Aigoo. 

"Mama! Ginising ako, eh" nag pout at baby look eyes ako. Para effective.

Imbis na sa akin lumapit si Mama kay Jayziel pa. Grr.

"Jayziel, okay ka lang ba? Pagpasensiyahan mo na si Livia, huh?" Tss. Si Mama naman nag papauto sa hinayupak na yan.

"Okay lang po ako Tita" pagkatalikod ni mama binelatan ako ni Jayziel.

Hinayupak na 'to. Aamba sana akong papaluin ko siya ng frying pan kaso nakita ko 'yung glare ni mama. Takte.

"Ayy, Jayziel pa favor naman. Bili ka barbecue, mag po-pool party tayo mamaya" utos ni mama kay Jayziel. Buti nga.

"Sige po tita" binigay ni mama yung pera kay Jayziel. 

"Liviaaaaa samahan mo ako" ngayon nagpapa-sama naman siya.

"Ayaw" babalik na sana ako sa kwarto ko kaso hinawakan niya ang kamay ko.

Napatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. What's that tingiling ngiling na naririnig ko? It's like I heard it somewhere, like near the wedding place. Char.

'Landi lang yan, sira' -gRab3 naman binubulong ng spirit ko. Oo na, landi na.

Binitiwan din naman niya. Sa wakas, nakahinga din.

"Saan ba tayo pupunta?" Pag basag ko sa katahimikan.

"Diyan lang sa ihawan ni Aling Martha"

"Okay. May kukunin lang ako wait" iniwan ko siya at umakyat na papunta sa kwarto ko. Pagkasara ng pinto napa sandal ako. Owo, shete, aigoo, aish, yah!

My Heart is want na to go away sa dibdib kooo! No, it's more like Butterflies! Yes! The Butterflies is flying inside my tummy. How can I paalis the butterflies inside my tummy? Huhu.

Takte. Naghihintay nga pala siya. Kinuha ko na ang hoodie ko at bumaba na.

"Yan lang pala kukunin mo" nagkakamot ulo na sinabi ni Jayziel.

"Baket? May problema ka?" Maangas kong sagot.

"Oo, ang tagal mo. Tara na nga" iniwan na niya ako at nauna na lumabas.  Aba'y tama ba 'yon? Ikaw nag-aya, ikaw din mang-iiwan. Ok. Bye.

Sinundan ko nalang siya para sa ikapapayapa ng buhay ko.

"Sa sabado, hah" hala. Nagsasalita siya mag-isa.

Lumingon ako to the left to the right. Walang tao. Pati sa likod ko wala din. So, sino nga kausap neto?

"Sino kausap mo?"

Butterflies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon