Chapter 24

7 3 0
                                    

Foundation Day Pt. 2

We searched for Sagucio secretly. I told the other members too.

Wala pang clear explanation si Capricorn kung bakit hinahanap si Sagucio pero feeling ko ay masama ang nangyari.

Nagsisimula na ang musical play sa theater room. Nakayuko akong naghahanap para hindi kapansin pansin.

Nasaan na ba 'yung Sagucio na 'yon??

"Aray" hinawakan ko ang ulo kong nabunggo. Nakatingin kasi ako sa kanan kung nakikiupo ba siya tapos pag harap ko may nabunggo ako. Nilingon ko siya at nakitang si Kach lang pala.

"What are you doing?" He asked suspiciously to me.

"Finding nemo" Pabalang kong sinabi.

"Won't you listen to the play? Let's go" hinawakan niya ang kamay ko at inuupo ako sa pwesto ko kanina. Shet! Si Sagucio ngaaaa!

"Kach, I have Important things to do. I need to go" tatayo palang ako ay pinigilan niya na ako. Bakit niya ba ako pinipigilan?

"Listen to the music. It's I Giorni" nilingon ko ang tumutugtog sa stage. Tahimik ang atmosphere dahil sa tumutugtog nakatuon ang lahat ng atensyon.

Pinanood ko siyang tumugtog hanggang sa matapos. Minsan ay tinitingnan tingnan ko din si Kach pabalik balik sa kanila ng tumutugtog. Titig na titig e.

"My dad played it to me when I was Grade 5" mahina niyang bulong.

"Ohhh.... okay. Aalis na ako" tumayo na ako at hindi na hinintay ang sasabihin niya. 

Lumabas akong theater room at hinanap si Sagucio. Minsan ay nakakasalubong ko ang ibang member na naghahanap din.

May tumunog sa cellphone ko kaya tiningnan ko ito. Chat ng member sa GC.

President Mood Swings (Taurus)
Sa likod ng elem

Tulog dala tsinelas (Aries)
Otw na kami ni Pisces

Nag chat pa ang iba pero ako'y dali daling pumunta sa likod ng elem. Nakita kong nandoon na sila Tau, Virgo, Cancer, Sagi, Scorpio at Aquarius. Naka paikot sila kay Sagucio na nakaluhod sa gitna.

What the heck?

"Call Lady L, Jems. And you, tell us the truth! Anong ginagawa mo sa bata kanina?" Sabi ni Cancer.

Katulad ng sinabi niya, tinawagan ko si Lady L. Buti nalang may load ako.

"Nahuli na po namin ang isa ca criminals" nanginginig pa 'ko habang hawak hawak ang phone.

[Good. Papunta na ang team namin, be safe] and then he ended the call.

Nilingon ko na ulit ang anim. Nananatili pa ding naka luhod si Sagucio ngunit ngayo'y may ligaya sa kanyang mata. What the?

"You think I'll tell you the truth?! Dream on!" Sinipa siya ni Aquarius sa sikmura pagkatapos niyang sabihin 'yon. Awit.

"'Wag mo na kaming pahirapan bata, ikaw lang din ang masasaktan" maangas niyang sinabi kay Sagucio. Kala mo naman sobrang tanda na niya kung maka bata.

"I'll never tell you-- arghh!!" Muli siyang sinipa ni Aquarius sa sikmura. Hinawakan na ni Taurus ang balikat ni Aqua para mapigilan kung sakaling sumipa pa siya ulit. Maging ako'y awang-awa na din kay Sagucio, e. Namimilipit na siya sa sobrang sakit ng pagkakasipa ni Aqua.

Hindi din nagtagal ay dumating na ang ibang myembro. Sila Sagi at Pisces ang nagbabantay kung may papasok bang 'di kakilala. Sa ngayon ay pinagmamasdan namin ang kaawa-awang Sagucio.

Butterflies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon