Ghost (Part 1)
"Hah?" Napa hah nalang kaming lahat sa sinabi ni Taurus.
"Multo? Sure ka?" Tanong ko dahil nakakaloka! Takot ako sa mumu!
"Yes, and it's roaming around the swimming pool area of Heart Academy" geez. Kinilabutan ako.
"Oh? Ano gagawin namin?" Tanong ni Pisces.
"Lady L believe that it's one of the mysterious person. We just need to find out who the hell is doing this shit" okay. Tao lang pala, kinabahan ako ng little bit.
"So? Ano connect?" Mataray pa sa mataray kung makapag tanong si Scorpio.
Mukhang frustrated naman sa pag papaliwanag si Taurus. "Ang gusto ko lang mangyari ay higitan niyo pa ang pag imbistiga sa Mysterious Person na naka assign sa inyo. Gets?" Mukhang ito na ang huling paliwanag niya. Kawawang nilalang.
"Ahh. Okay, gets" madaling na adopt ni Aquarius and others ang sinabi ni Taurus. Well, isa na ako don.
Pero, ayoko lang sa idea na mas lalo akong mag fo-focus kay Kach. Tuwing naiisip ko talaga, kadiri!! Lol. Arte ko.
Natapos ang meeting namin at wala ding date na naganap. Lintek na Taurus, iniiwasan ako.
Corny mo, bro.
Nanood na lang ako sa bahay ng The Gifted (Thai Series) Ps. Akin si Wave. Char. Si Ohm second option ko 'pag 'di pwede si Wave. Hehe.
Natapos ko 'yung series buong araw. Nagmamadali kasi ako kumain kaninang Lunch at Dinner. Nakaka thrill kasi, also nakakaiyak 'yung ending.
Kinabukasan ay nag simba kami para mag pasalamat sa panginoon. Maka diyos kasi si Mama, naglaan nga siya ng isang room para ilagay lahat ng santo sa bahay. Noong bata kami ni kuya doon kami tinuturuan ni Mama ng salita ng diyos. Bible study kung tatawagin. Hehe.
Pagkatapos naming mag simba ay nag mall kami. As usual, humiwalay na naman si kuya. Titingin daw siya ng sapatos pero ang totoo naghahanap ng chics.
Nag paalam din ako kay mama na may bibilhin. Umoo naman siya kasi matatagalan din ang pag papa-massage niya.
Hindi katulad ni kuya na gumagawa ng alibi, totoo 'yung akin 'no! Nag punta ako sa store kung saan makaka bili ng pang stationary.
Mahilig kasi ako sa aesthetic journals. Talent nalang sa pag calligraphy ang kulang.
Bumili lang ako ng stickers, tapes, highlighters, color pens and notebook. May mga na print naman ako sa bahay kaya okay na.
Aminado akong mala jurrasic ang kwarto ko pero ang hindi alam ni kuya, may isang spot na shining, shimmering, splendid.
Saan? Sa ilalim ng kama! Hihi.
Nandoon ang mga ipon ko at mga tinagong chichirya kay kuya. Mwehehe.
"Trinity!" Napa lingon ako sa tumawag ng pangalan ko.
Hinihingal siyang lumapit sa'kin. Saang fun run naman ang sinalihan ng babaeng 'to?
"Napagod ako, akala ko hindi ikaw" naka hawak pa siya sa tuhod at naghahabol ng hininga.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Nag sho-shopping shopping! Ano ba ginagawa sa mall?" Akala ko nag fu-fun run ka.
"Ahh" wala na akong masabi, eh.
"Tara" ay wow. I'm broke. Pero nakabili ng pang stationary. Mwehehehe.
"Saan?" Tanong ko.
"Hunting" huh? Sa mall? Sira ba siya?
BINABASA MO ANG
Butterflies
Teen FictionZodiac Series #1 Gemini A young student transfer to a new school for no exact reason. She just discovered that her mother signed her into an agency. She have no choice but to agree. In the midst of the mission, she discovered secrets. Secrets she do...