KABANATA 2

2.2K 71 9
                                    

"Talaga Dad?" masayang tanong ko kay Dad at tumalon pa ako para mayakap sya. Dadalawin daw kasi namin ngayon sina Tito Jake syempre makikita ko si Mica yung pinsan ko na kaisa isahang anak nila.

"Pupunta din po ba si Tito Josh?" Pag uusisa ko kay papa.

"Of course baby" masiglang tugon ni Dad sakin.

Nakita kong pababa sina Kuya Naji at Niro.

Tumakbo ako papunta sa kanila para ibalita ang pagpunta namin, bihira kasi kami mamasyal o di kaya lumabas.

"Kuya Naji aalis tayo ngayon" Masigla kong bungad sa kanya at yinakap agad.

"San naman tayo pupunta Babygirl?" Tanong ni Niro na nasa likudan ni Kuya Naji.

"Kina Uncle Jake"

"Seriously?" Di makapaniwalang tanong ni Niro

"Yup" paniguradong sagot ko sa kanya.

"My twinies umakyat na kayo at mag gayak na para makaalis agad tayo" Wika ni Mommy Danica.

Nag paunahan kami ni Niro sa pag akyat ng hagdan habang si Kuya Naji ay kampanteng naglalakad pataas.

"MICAAAAAA" sigaw ko sa pinsan ko pagkababa ko ng sasakyan namin.

"Janicaa!" Salubong nya sakin.

"Hi Uncle Jake" magalang na bati ko kay tito na nasa katabi ni Mica sabay halik sa pisngi.

"Where's  Tita Piya, Mica" tanong ko sa Pinsan ko.

"Kausap si Tita Carla" she said na ang tinutukoy ay ang Asawa ni Uncle Josh.

Hinila ko sya papasok ng kanilang bahay.

"Auntie's" sigaw ko sa kanila na pareho nilang ikinalingon.

"Iha, your so Gorgeous Today?" Papuri ni tita Piya

"Ow thank you Auntie" sabay yakap at halik sa pisngi.

"Dalaga na ang anak ni Jerome at Danica eh" natutuwang bungad ni tita Carla.

Nagkakatuwaan na kami ng pumasok sina Mom and Dad kasama sina Kuya At si Uncle Jake at Uncle Josh.

"Let's Eat first" anyaya ni tito Jake

Hinila naman ako ni Mica papunta sa Dining nila.



"Gwapo diba?" Tanong ni Mica sakin pagkatapos ipakita ang litrato ng nagugustuhan nyang nasa Canada.

"Hmmm pwede na din" matabang na sagot ko sa kanya.

"Soon makikita ko sya" at pumikit pa sya na para bang nangangarap.

Napailing nalang ako at napapatawa sa kalokohan ng pinsan ko.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto nya ngayon, Humiga ako sa kama nya habang sya naman ay pinagpapantasyahan pa din ang mga picture ng Crush nya

Nag instagram ako at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nag follow sakin. BRYAN FONTELO  at kung di ako nagkakamali ay ito ang natitipuhan ng pinsan ko kaya agad ko itong kinalabit.

"OMG" sigaw nya sa tenga ko at nagtatalon na parang palaka.

"Follow back mo" tili nyang sabi.

"Pero aking Instagram ito" nangingiti kong saad.

"Ok lang yan, Faster Janica" utos nya sakin habang namumula ang pisngi.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon