Nang mailabas ako sa ospital ay sumama muna sa bahay sina Mica at Tita.
Sinabi din nina Mom at Dad ang balita kina Kuya Naji at Niro.
Nasa kwarto kami ni Mica ngayon tuwang tuwa sya sa mga nangyayare aniya ay sya dapat ang ninang ng dinadala ko.
"Kailangan mo maging matatag Janica." Aniya at tumabi sa akin.
Pilit akong ngumiti dito.
"Magiging successful din ang pagalis nya, mabubuhay sya ok?" aniya at hinaplos ang buhok ko.
Alam kong lalaban sya, lalo na at alam nya ang magiging bunga ng ginawa namin, alam kong di sya susuko lalo na sa pangako nya.
Pero hindi ko pa din talaga maiwasan na magtampo o magtanim ng sama ng loob sa kanya e.
Iniwan nya ako sa panahong kailangan nya ako, sa panahon na kailangan ko sya at sa panahon na kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan.
Masakit para sakin ang ginawa nyang paglayo ng wala man lang pasabi.
Pagkatapos namin mag dinner ay umuwi na sina Tita at Tito ako naman ay dumiretso na sa taas upang mag pahinga na.
Binuksan ko ang Laptop ko at tiningnan lahat ng social media acc nina Bryan at Bricks.
Ngunit ni isa doon ay wala akong nahanap.
Marahil ay diniactivate nila ang maaaring kunan ko ng contact sa kanila.
"Calm Down ok?!" Sabay hawak ni Zack sa kamay ko.
Siyam na buwan na at ito na ang kapanganakan ko.
Sa siyam na buwan na iyon ay wala ni anino o wala akong narinig na balita tungkol sa pamilya ni Bryan lalo na kay Bryan.
Siyam na buwan akong naghirap at tanging kasama ko ay pamilya ko at si Zack aniya ay tinutupad lamang niya at napagusapan nila ni Bryan noong nandito pa sya.
Hindi ko alam kung buhay pa ba sya o hindi na, pero pakiramdam ko ay buhay pa sya nararamdaman kong buhay pa sya.
Pumasok ang mga doktor at nurse, may humawak sa aking tiyan at ang isa naman ay nakaabang sa paglabas ng bata sa aking ibaba.
Pagkatapos ng isa't kalahating oras ay huminga ako ng malalim, narinig ko ang iyak ng aking anak, parang kinukurot ang puso ko sa bawat hikbi ng aking anak.
Habang inilalayo ito upang linisan ay unti unti akong napapikit.
"Mr. Dutch this is your Son." Rinig ko ng pagkamulat ko, nakita kong nakangiti si Zack habang tinatanggap ang bata.
"Hello baby!" tawag nya dito at hinawakan ang maliit na kamay.
Lumingon sya sakin at nawala ang ngiti nya ng nakitang gising na ako.
"Sorry" aniya at inabot sakin ang bata.
Ngumiti ako dito bago tinanggap ang aking anak.
Gumalaw ako ng konti upang makita ang mukha nya.
Para syang anghel na mahimbing na natutulog.
Ang hugis ng mukha at labi nya ay gayang gaya ng kay Bryan.
Napaluha ako ng maisip na sana ay siya ang kasama ko sa lahat ng paghihirap ko, sana ay siya ang nandito.
Napakalaki ng sama ng loob ko sa kanya, alam nyang magkakaanak kami pero bakit ganito hinahayaan nya ako.
Para saan ang mga pangako nya sakin?!!
Pinunasan ni Zack ang mga luha ko, napatingin ako dito at ngumiti agad nitong ginantihan ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Lost Love (Complete)
RomancePaano kung pinagtagpo kayo pero bawal? Paano kung mahal nyo ang isat isa ngunit kailangang lumayo? Pagpapatuloy nyo ba o kakalimutan nalang ang nakaraan? Basahin natin ang Kwento ni Janica Wilson at Bryan