KABANATA 20

984 56 10
                                    

Kitang kita ko kung paano dinampot ng lalaking yun ang sing sing sa may upuan at madahan nya itong isinilid sa isang box bago nilisan ang lugar na iyon.

"Hoyyy!" napapitlag ako sa biglaang sigaw ni Niro sa tabi ko.

Kahit kelan talaga panira to sa tulog ko!

"Di mo ba ako namiss?" bungad nito sakin.

Ki aga aga ay nambwebwesit.

Tiningnan ko sya at mukang kadadating nya lang galing sa paghahatid Kina Uncle Josh.

"Wag kang O. A Niro wala pang 24hrs kang nawala." Pagsusungit ko dito sabay pikit.

"Ah ganun" usal nya sabay kiliti sakin

Napapitlag ako at nagsisipa ng naramdaman ko ang kamay nya sa tagiliran ko.

"Wahhhh! Nirooo stoppp!" utos ko dito ngunit parang wala itong narinig.
Tumigil lang sya ng may humila sa damit nya.

May savior,  ow my Kuya Naji.

Nagkakatitigan pa sila at kapwa nanliit ang mga mata nila.

"Bumaba na kayo at mag brebreakfast na" sabi ni Kuya Naji at ginulo gulo ang buhok ko.

Ngumiti ako dito at tumango

Napakamot sa ulo si Niro at nauna nang bumaba.

"Shower lang ako Kuya" paalam ko dito na ikina tango nya sabay lisan sa kwarto ko.

Hays panaginip lang pala yun, pero pano kung pumunta dun si Bryan at makita nya yung singsing! Edi malalaman nya na galing ako, malalaman nya na importante pa sakin ang lugar na yun!

Ackkk kelangan ko bumalik dun at kunin ang sing sing na yun.

Nagmamadali kong tinahak ang banyo ko at mabilis na naligo.

Nagblower ako ng buhok at napili kong isuot ang isang plain white dress na tinernuhan ko ng kulay black na stilletos.

Bumaba ako at pumunta na sa dining kung saan kanina pang nag iintay sina Mom.

"May lakad ka?" Tanong ni Niro kaya napatingin sina Dad.

"Yup may aasikasuhin lang po ako" sagot ko at tumingin kina Mom.

"breakfast First" utos ni dad at tinuro ang bakanteng upuan

umupo ako dito at nagsimula nang kumain

After kung kumain ay agad na akong nag paalam sa kanila.

Nahirapan ako makapasok sa iskineta dahil sa putik na bunga ng pag ulan kagabi.

Nang nasa paanan na ako ay agad akong umakyat.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang wala na ang sing sing sa pinagpatungan ko.

Totoo kaya yung panaginip ko? Ngunit hindi maaari na si Bryan ang kumuha nun.

Luminga linga ako sa paligid para hanapin ito ngunit bigo ako.

Umupo ako sa upuan at tinanaw ang kawalan.

Ang malas ko naman, dapat di ko nalang iniwan yun dito kainis naman.
"Ito ba ang binalikan mo dito?" Napatingin ako sa biglaang imik ng kung sinong nasa likuran ko.

Tumingala ako at nalaglag panga ako ng makita kung sino ito.

Agad akong tumayo at tiningnan ang hawak nyang box.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, maiwan na kita rito" usal ko at nagsimula na syang lampasan.

Napa atras ako ng bigla nyang hilahin ang braso ko.

"Im talking to you JANICA WILSON" Hasik nito sakin.

"I know, but I have to go" sabi ko ng di sya matingnan sa mata.

Nilagay nya ako sa unahan sabay hawak sa baba ko para matingnan sya.

"Bakit?" tanong nya na mahahalata sa mata ang galit at inis.

"Huh?" sagot ko dito

"Bakit ka umalis ng walang pasabi? Bakit kinalimutan mo ako?" tanong nya na makikita sa mga mata nito ang nagbabadyang mga luha.

Umatras ako dito at huminga ng malalim.

"Di na importante yun, Ang importante yung ngayon!" Buong lakas kong sigaw dito.

"Ano yung ngayon Janica ha!?" Sigaw nya na nakapa pitlag sakin.

"Masaya ka na ngayon Bryan diba ha? Masaya na kayo ni Mica ng pinsan.. ko" usal ko dito at napapiyok ako sa huling sinabi ko.

Pinalis ko ang traydor na luhang dumaloy sa mga pisngi ko.

"Pano ako magiging masaya kung hindi ka akin Janica ha? Kami ni Mica? Walang namamagitan samin ng pinsan mo mali ka ng iniisip" hasik nito at sinubukan na lumapit sakin.

Umatras ako at pinalis ang luha sa pisngi ko.

"Walang namamagitan? Ano yung nakita ko nung dating ko? Yung kahapon?  Yung halik nya ha?!" Sunod sunod na patak na luha ang pinakawalan ng aking mga mata.

"Hindi kami ng pinsan mo Janica, di ko nagustuhan yung ginawa nya kahapon." Paliwanag nito.

Umiling iling ako dito

"LIAR!!!" sigaw ko dito at tinulak ang dibdib sabay takbo pababa.

Mabilis ang naging hakbang ko pababa.

Hindi ako handa sa paghaharap naming ito.

Hindi ko inaasahan na mangyayare to.

Hindi ko akalain na ngayon kami magkikita at mag uusap.

Mabilis kong binuksan ang kotse ko ngunit hinawakan nya ang kamay ko.

Pumikit ako ng mariin at mabilis itong hinarap sabay lapat ng kamay ko sa pisngi nya.

Tinulak ko sya at mabilis na pumasok sa kotse ko.

Agad kong nilisan ang lugar na iyon.

Masakit, sobra akong nasasaktan

napapaso ako sa paghawak nya, nagiging mahina ako pag tumitingin sa mga mata nya.

Pakiramdam ko anytime na tumagal ang titig o hawak nya sakin ay bigla ko nalang sya yakapin sa sobrang pangungulila ko sa kanya.

Gusto ko sya paniwalaan sa lahat ngunit masakit para sakin ang mga nakita ko.

Alam kong malaki din ang naging kasalanan ko sa kanya, saming dalawa.

Alam kong una palang ay ako na ang may kasalanan dito, umalis ako ng walang pasabi at naghanap ng iba sa ibang bansa.

Gusto ko nalang na yakapin sya at umiyak sa dibdib nya ngunit di ko magawa.

Galit ako sa sarili ko, nahihiya ako sa kanya! 

Sa ngayon hahayaan ko na muna ang panahon na paghilumin ang mga sugat sa puso namin.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon