Nang nag umaga na ay dumating na si Bricks.
Nagpaalam ako dito na uuwi muna para magpalit ng damit.
Pinaalam ko na rin ang tungkol sa pag propropose ni Bryan sakin, ngumiti lang ito at sinabing alam na nila yun bago pa ako papuntahin ni Ate Jamilla.
Kita ko sa mga mata nya ang awa hindi ko alam kung para sakin o kay Bryan ngunit nag kibit balikat nalang ako dito.
Pinasundo ako ni Daddy sa driver.
Nang dumating ako sa bahay ay nag usisa agad si Mom at Dad tungkol sa lagay ni Bryan sinabi ko sa kanila na ayos na ito at baka sa sumunod na araw ay maaari na itong i uwi.
Sinabi ko din ang tungkol sa pag propropose ni Bryan, nagkatinginan sila ni Daddy ngunit sa huli ay tumango nalang din sila.
Umakyat ako sa taas at agad na humiga sa kama.
Iidlip muna ako sandali bago maligo at bumalik sa ospital.
"Kumain ka na muna anak." Ani mommy na nasa dining kasama sina manang.
Nakaligo na ako at nagdesisyon na pumunta nang ospital.
"Hindi na my doon nalang po ako kakain." Paalam ko at humalik sa pisngi nya bago umalis
Si daddy naman ay nasa opisina na nya.
Nang makarating na ako sa ospital ay agad akong pumasok sa room ni Bryan ngunit wala nang tao dito at wala na ang mga gamit.
Kinabahan ako.
Pumihit ako at tinanong ang nagdaan na nurse.
"Nailabas na po maam, ang alam ko po ay ililipat sya ng ospital" pagkasabi nya nun ay agad na itong umalis.
Kinuha ko agad ang phone ko at dinial ang number ni Bricks, pinagpatayan nya ako kaya dinial ko agad ito ngunit patay na ang phone nito.
Sinubukan ko din tawagan si Ate Jam at Tita at tito ngunit katulad ng kay Bricks ay patay ang phone nila.
Nagmamadali kong pinaandar ang sasakyan ko.
Nagtungo ako sa bahay nina Bryan pinagbuksan ako ng guard.
Sinalubong agad ako ng mga katulong nila.
"Nasan si Bryan? Sina Tita Jane?" tanong ko agad dito.
Nangapa ito ng sasabihin nya, ng maisip ko na wala akong mapapala ay tumalikod na ako.
"Nasa ibang bansa po sila mam, narinig ko po na doon na nila ipapagamot si Si Bryan." Nilingon ko ito at nagintay pa sa kanyang sasabihin.
"Narinig ko din po kay Sir Bryan na wag nang ipaalam sa inyo kung saan at kung kailan sila aalis." Dugtong pa nya
"Alam mo ba kung nasaan sila?" agad kong tanong na nagbabakasakali sa sagot nya.
Bigo itong umiling sakin
Huminga ako ng malalim at kinuha ang calling card ko.
"Pakitawagan ako pag may balita ka na sa kanila o pag bumalik na sila" hindi ko na inintay ang sagot nya.
Nilisan ko agad ang bahay nina Bryan.
Dumiretso ako kina Tito Jake.
Nang makita nya na bumababa ako sa kotse ay agad na tinawag si Mica.
Pilit ngumiti si Mica sa ama bago tumingin sakin.
"Sinong kasama mo janica?" Tanong ni tito
"Wala po tito naparito lang ako para kay Mica" sagot ko dito.
Tumango ito at iginiya ako papasok sa bahay nila.
"Ipaghahanda ko kayo ng pananghalian." Ani Tita Piya.
Tumango lang ako dito at hinarap ang pinsan ko.
"Pwede ba tayong mag usap?" tanong ko dito.
Nag aalangan itong tumango at sinenyas ang kanyang kwarto, sumunod ako sa kanya.
"Alam ko yung sakit nya, sinabi sakin ni Bricks bago ka pa bumalik dito." Aniya nang kinwento ko ang mga pangyayare sa mga nagdaan na araw at ngayon.
Tumulo ang luha ko ang dami kong tanong na sya lang ang makakasagot.
"So anong plano mo?" tanong nya at hinagod ang likod ko.
Alam kong may sama sya ng loob sakin, alam kong galit sya sakin dahil kay Bryan pero ito sya at dinadamayan ako.
Pinakita ko ang kamay ko na may singsing sa kanya.
Napaluha ito ng makita iyon.
"So nag propose sya tapos iniwan ka nya?" Mahahalata sa boses nya ang galit
"Mica,naguguluhan na ako pano kung hindi na sya maka survive? pano kung iwanan na nya ako ng tuluyan?" hagulhol na usal ko dito.
Yinakap nya ako at pilit pinapakalma.
"Shh, magtiwala ka sa kanya tutupadin nya mga sinabi nya babalik sya at hindi sya bibitaw ok?" pilit nya akong kinakalma.
Sumikip ang paghinga ko at sumakit ang ulo ko.
"Janica? are you ok?" tanong nya ng mapansin ang paghirap ng hininga ko.
"Wait tatawagin ko sina Dad" huling sinabi nya na narinig ko.
Nang mag mulat ako ng mata ay nakita ko sa harap ko sina Mom at Dad kasama sina Tita at Tito.
Hinawakan ni Mica ang kamay ko habang nakangiti
"May iniwan sya sayo para maging matatag ka at para may balikan sya." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Mica kaya tumingin ako kay Mommy.
"You are pregnant anak." Naiiyak na sambit ni Mommy.
"Alam na namin ang nangyare at naniniwala ako na may rason kung bakit kinailangan ni Bryan na hindi ipaalam sayo ang pagalis nya." Dugtong ni Daddy.
Naguguluhan akong tumingin sa kanilang lahat.Pumikit ako at inalala lahat ng mga sinabi nya sakin, ngayon ko nalaman na lahat ng mga weird na sinabi at nangyare samin ay ito.
Unti unting tumulo ang luha ko. Mag iintay ako sa pagbalik mo Bryan,
Naniniwala akong babalik ka at hindi bibitaw.
Alam kong tutupadin mo ang pangako mo sakin.
Hindi ako susuko at hindi ako mapapagod na mag hintay sayo.
Sana ganun ka din, wag kang sumuko at mapagod na lumaban at labanan yang sakit mo.
Nagmulat ako at nakita ko ang pagsusumamong mukha ni Mommy.
Yinakap ko ito at umiyak ng umiyak sa kanyang dibdib.
"Shh nakakasama yan sa bata" saway nya sakin.
Ngunit di ko mapigilan na hindi umiyak, ang tanga ko para hindi maunawaan lahat ng kanyang sinabi sakin.
Tama sya magiging matatag ako sa pagalis nya dahil dito.
At hindi ako malulungkot habang hinihintay sya dahil dito.
Pero bakit? Bakit kailangan nyang lumayo? Bakit kailangan nyang umalis ng walang pasabi? Bakit hindi man lang nya ako hinanda sa mga mangyayare?
Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngunit wala akong maisip na maaaring sagot dito.
Wala na akong magagawa kundi ang maging matatag para sa anak namin, at umasa sa pangako nyang pag balik.
BINABASA MO ANG
Lost Love (Complete)
RomancePaano kung pinagtagpo kayo pero bawal? Paano kung mahal nyo ang isat isa ngunit kailangang lumayo? Pagpapatuloy nyo ba o kakalimutan nalang ang nakaraan? Basahin natin ang Kwento ni Janica Wilson at Bryan