Kinaumagahan ay naligo agad ako at bumaba na para sa breakfast.
Pagkababa ko ay agad silang tumahimik hindi ko alam kung anong meron kaya pinagkibit balikat ko ito at naupo na sa hapag.
Kukuha na sana ako ng pagkain ng bigla silang umimik.
"Hindi pa tayo kumpleto" tutol ni Mom.
Nilibot ko ang buong tingin sa lamesa at wala akong nakitang kulang.
Tiningnan ko si Tita at tumingin sa likuran ko.
Lumingon ako dito at nakita ko si Manang bumaba ang tingin ko sa wheel chair na sulong sulong nya at mula doon nakaupo si kuya naji.
Lumandas ang luha sa pisngi ko at agad na tumayo papunta sa kanya sabay yakap.
"Kuyaaaaaa" hagulhol ko.
"Shhh Stop Crying baby, Im here now" pag aalo nya sakin.
Lumapit sina Mom and Dad at yinakap kami dumalo din si Nirooo.
Pagkatapos ng agahan ay inalalayan namin si Kuya Naji papasok sa kwarto nya.
"Kuya I miss you" Sabi ko sabay yakap sa kanya pag ka upo namin sa kama nya.
Hinalikan nya ako sa ulo ko.
"I miss you more baby girl" Tugon nya.
Umalis na sina Uncle at Auntie kanina kasama sina Tita Jane at Kuya Benedict pauwi.
At gaya nga ng sinabi ni Mom and Dad ay agaran din kaming lumipad papunta sa States kinaumagahan.
Dito na namin ipagpapatuloy ang aming pag aaral.
Pagkarating namin sa Statea at agad kaming nilibot nina Dad sa ibat ibang pamasyalan dito.
Panay ang kuha namin ng litrato sa bawat madaanan naming magandang view.
Lumipas ang Limang buwan at na pananatili namin dito ay mas naging matured ako.
Nag dodorm ako malapit sa eskwelahan na pinapasukan ko habang sina Niro at Kuya Naji naman ay abala sa pagtulong sa bussiness namin.
Mas natuto akong mag isa, nahirapan ako nung umpisa kasi di ako sanay na wala sila sa tabi ko pero kinaya ko din naman kasi nga kailangan.
Pag kaalis namin sa Pilipinas ay nawalan na kami ng kontak kina tita o kahit kina tito jake.
Kahit kay Bryan ay wala din akong naging update.
Hindi ako nakapag paalam sa kanya at pag kadating namin dito ay hindi ko na sya magawang makontak dahil nag change ito ng kanyang account.
Kahit si Micaella ay wala din alam about kay Bryan huling usap namin ay sinabi nya na umalis na sina Ate Jane at Kuya Benedict sa lugar na yun dahil sa private problem nila.
"Date?" tanong ni cheska ang naging kaibigan ko dito sa dorm.
"Nope, Hmm nag yaya kasi sina Lilibeth na mag party birthday kasi ng boyfriend nya. Wanna join?" Sabi ko sa kanya
Umiling lang ito at ngumiti sakinn
"Pupunta dito si Drake mamaya" nangingiti nyang sambit.
Nginitian ko sya ng may kasamang panunukso sabay paalam na dito.
Pagkababa ko sa Dorm ay agad na akong pinagbuksan ni Zack my boyfriend.
1 week palang kami na mag on ni Zack half american and half filipino sya kaya nagkakasundo naman kami.
"Janica why are you wearing that?" tanong nya habang nakafocus pa din ang tingin nya sa kalsada.
"Why? Panget ba?" at pinagmasdan ko ang aking suot.
Naka dress ako na kulay black hanggang hita ko at naka heels.
"Masyadong maikli Janica!" hasik nito sakin
"I'll be with you that's why it's ok" ani ko sa kanya sabay ngiti.
Inirapan nya lang ako at nag patuloy na sa pagmamaneho.
BINABASA MO ANG
Lost Love (Complete)
RomancePaano kung pinagtagpo kayo pero bawal? Paano kung mahal nyo ang isat isa ngunit kailangang lumayo? Pagpapatuloy nyo ba o kakalimutan nalang ang nakaraan? Basahin natin ang Kwento ni Janica Wilson at Bryan