Umuwi kaming dalawa ni Niro sa bahay na wala sa sarili sinalubong kami ng mga katulong at agad na tinuro ang lapag.
"Mag papalit lang ako ng damit, Niro" paalam ko sa aking kapatid at walang ganang umakyat papunta sa aking silid.
Pagkarating ko sa aking silid ay huminga agad ako ng malalim! I hate this Feeling! Naguguilt ako.!
Dumiretso ako sa banyo at nag half bath bago lumabas para mag gabihan.
Malapit na ako sa dining ng marinig ko si Niro na may kausap.
"Not Now Dad!" Giit nito kay daddy.
Inayos ko ang mukha pati ang kilos ko bago humakbang papunta sa dining.
"Dad, hindi natin sya masisisi umalis kayo ng walang paalam sa kanya, nagtampo sya dun at inisip nya na wala syang kakayahan para maintindihan kayo!" halata sa boses nito ang pag ka irita.
Napatigil ako sa paghakbang at tiningnan si Niro na frustrate na kinakausap si Dad.
"Jerome sa ngayon wala tayong dapat sisihin kundi ang mga sarili natin, hindi natin nagampanan ng maayos ang pagiging magulang natin sa kanila lalo na kay Janica!" Rinig kong paliwanag ni Mommy.
"Yan ka na naman Danica, favoritism na naman! Kaya nasasanay si Janica na lumaki ang ulo dahil mo at ng mga kambal nya!" pabalik na paliwanag ni Dad na mahahalata sa boses ang galit.
"Mom,Dad pwede ba tumigil na muna kayo sa pag aaway. Nasa ospital si Naji ngayon at malala ang kundisyon nya si Janica naman hindi natin masasabi ang tinatakbo ng utak nya! Maaaring ngayon ay sinisisi nya lahat ng ito sa sarili nya! Kaya kung pwede lang bilang magulang namin intindihin nyo nalang ang bawat isa samin!" Malumanay na saad ni niro.
"Niro wa---" naputol na ang sasabihin ni dad ng mabilis na pinatay ni Niro ang Call sa phone nya.
"Ijo kumain ka na muna" Nag aalangan na lumapit si manang.
"Salamat manang, pasensya na ho sa mga narinig nyo" Aniya at pilit na ngumiti sa kausap.
Tumango lang si Manang at nilagyan na nya ng juice ang baso ni Niro.
Dumiretso na ako sa Dining at pilit na kumilos ng ayos.
"Babygirl" tawag nya sakin
Nilingon ko lang sya at nginitian sabay upo sa aking upuan.
Napalingon ako sa madalas upuan ni Naji at kinalma ko ang sarili ko para hindi tumulo ang luha ko.
"I decide na mag Home Study ka muna, I Mean tayo" Aniya at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa tinidor.
"Pero Niro iba pa din pag sa school" Di ko alam kung tama ba na tumutol ako sa kanya.
Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagkain.
Umakyat na si Niro pag katapos kumain habang nag paiwan naman ako para magpahangin sa may pool namin.
Nakatayo ako dito habang yakap yakap ang sarili na nakatingin sa langit na napupuno ng mga bituin.
"Ija" Napalingon ako kay Manang na may dalang balabal para sakin at isang basong fresh milk.
"Salamat ho" Sambit ko at masayang tinanggap ang balabal at gatas.
"Kamusta ang lagay ng Kuya Naji mo?" Tanong nya
Tumingin ako sa kanya at napayuko.
"Malala ang lagay nya Manang, Nacoma ho sya at walang makapagsabi kung kailan sya magigising" paliwanag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/210959551-288-k901418.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost Love (Complete)
RomancePaano kung pinagtagpo kayo pero bawal? Paano kung mahal nyo ang isat isa ngunit kailangang lumayo? Pagpapatuloy nyo ba o kakalimutan nalang ang nakaraan? Basahin natin ang Kwento ni Janica Wilson at Bryan