KABANATA 26

774 50 4
                                    

Nang mga sumunod na araw ay sina ate Jam naman ang nag alaga kay Bryan,  unti unti na din nalalagas mga buhok nya.

Alam kong makakaya nya yun, alam kong lalaban sya, nangako sya sakin.

Naging abala ako sa opisina ni Dad.

Kahit na nagkakasalubong kami ni Zack sa hallway ay binabalewala ko ang presensya nya.

Si Kuya Naji at Niro naman ay bumalik sa States upang asikasuhin ang naiwan na negosyo nina Daddy.

"Hi" bati ni Zack ng nagkasalubong kami sa hallway.

Tumango lang ako at nilampasan sya, batid ko ang habol tingin nya sakin ngunit dumiretso na ako sa elevator.

Hindi ko na sya nilingon at nagdiretso na sa opisina ni Daddy.

Naupo ako sa katabing table ng secretary nya at tiningnan ang ibang mga dokumento na nasa aking lamesa.

Wala pang isang oras ng tumunog ang phone na nasa bag ko.

Habang may sinusulat ako ay kinuha ko ito at nilagay sa tenga

"He--" naputol ang aking sasabihin ng marinig ang hagulhol ng babae sa kabilang linya.

Nabitawan ko ang ballpen at tumayo.

"Saang ospital yan ate Jam?" tanong ko sa tumawag at nagumpisa ng lumabas ng opisina.

Nagmamadali akong bumaba.

Sa pagmamadali ko ay naiwan ko ang susi ng kotse ko sa taas.

Naisipan ko nalang mag taxi ngunit sa kasamaang palad ay walang nag dadaan.

Tumalikod na ako upang bumalik sa taas ng may bumusina sa likudan ko.

"Sakay na." Utos nya at binuksan ang front seat.

Tumingin ako dito,  nag aalinlangan man ay sumakay pa din ako alang alang kay Bryan.

"San tayo?" tanong ni Zack at sumulyap sakin.

Sinabi ko ang ospital kung saan nandun si Bryan, tumingin ito sakin na para bang gustong magtanong ngunit mas minabuti na nyang magmaneho ng ayos.

Mas mabuti na rin at tumahimik sya

Ng tinigil nya ang kotse sa labas ng ospital ay tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Salamat." di ko na inintay ang sagot nya at nag madali na akong pumasok sa loob.

Nang mahanap ko ang room ni Bryan ay dahan dahan kong pinihit ang knob nito.

Nakita ko sa siwang si ate jam na hawak ang kamay ni Bryan, at sa likod naman nya ay si Bricks na kinakalma sya.

Sa kabilang sulok naman ay si Tita Jane na nakayakap kay Tito Dek habang umiiyak.

"Padating na sya, wag kang bibitaw please." Iyak na pakiusap ni ate jam kay Bryan.

Napahawak ako sa bibig ko,  nagumpisang dumaloy ang mga luha sa aking pisngi.

Hindi ko kayang makitang nahihirapan sya,  masakit para sakin ang makitang unti unti syang nanghihina.

Alam kong nahihirapan na sya, pero hindi sya pwedeng sumuko, hindi sya pwedeng bumitaw.

Nang magawi ang tingin ni Ate jam sa pinto ay nag punas ito ng luha at tumayo, huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok.

"Ba-baby." Nahihirapan nyang sambit

Tumango ako at ngumiti sa kanya bago patakbong lumapit sakanya.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon