"Yes mom, I will be there." Saad ko kay mom sa kabilang linya.
"What's wrong?" Tanong ni cheska pag ka baba ko ng telepono ko.
Tumingin ako dito at umiling.
Lumapit ito sakin at hinaplos ang likod ko.
"Ilang taon na din kayo dito sa States kaya limot ka na nun." Bungad nya sakin
"Pero cheska mahal ko pa din sya." Sagot ko dito.
"So paano si Zack?" Tanong niya sakin.
Napahalukipkip ako sa tanong nya at tumingin sa kanya ng gulong gulo.
Umiling ito at yumakap sakin.
Ngayon ako makikipag kita kay Zack and tommorow ay flight namin papunta sa Pilipinas dahil sa binyag ng anak ni tito Josh.
"Hey" bungad agad ni Zack sakin at tumayo para iupo ako sa katapat nya.
"Zack we need to talk." Blangko syang tumingin sakin pero agad din syang naupo sa kabilang upuan.
"What's wrong?" tanong nya at tinawag ang waiter.
"Di ako oorder, di rin ako magtatagal." Tumingin sya na naguguluhan sakin.
Tumango sya sa waiter kaya umalis na ito.
"Flight namin tom papunta sa pilipinas." Simula ko dito.
"So, what's wrong with that?" Kunot noong tanong nya.
"Zack, listen to me if I go to the Philippines I will never come back here." Napalunok kong sabi dito.
Inabot nya sa waiter ang pagkaing dala nito.
"So? I will follow you in the Philippines Janica, What's wrong with that?" Iritadong sambit nito at sinimulan nang kumain.
Umiling ako dito at agad tumayo, napaangat sya ng tingin sakin.
"I want to break up with you Zack!" napalunok sya sa sinabi ko
Bago pa sya makatayo ay agad na akong lumabas sa restaurant at huminga ng malalim.
Nilingon ko sya at kita kong tulala pa ito at sunod sunod na pumatak ang luha nito.
I love you Zack, Im sorry :(
Sabi ko sa utak ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.Tumingin si Zack sakin kaya mabilis akong nagiwas ng tingin at sumakay na sa kotse ko.
Mabilis ko itong pinaandar papunta sa bahay nina Mom and Dad.
"My princess" salubong sakin ni Mom pagkababa ko
Ngumiti ako dito at nakipagbeso
"Kanina ka pang iniintay ng mga kakambal mo." Masayang bungad nya sakin at iginiya ako papasok sa bahay.
Pilit akong ngumiti dito at sumunod papasok.
"Baby girl!" Takbong salubong ni Niro sakin.
"Oww" daing ko ng yakapin nya ako ng bigla at muntik na kaming matumba.
Natawa sina Mom habang pinagmamasdan kami.
"Imissyouuuu baby girl" mangiyak ngiyak nyang sambit sakin
Napangiti ako dito at napatingin sa umakbay sa kanya.
"Niro stop calling baby girl" ngiti nitong sambit at yinakap ako ka agad.
"Imissyouuuu Janica" pormal na sambit nito.
Saming tatlo kami lang yata ni Kuya Naji ang nag matured HAHAHAHA.
"So what? Basta babygirl ko pa din yan" supladong sambit nito bago kami tinalikuran.
"Sya hali na kayo at kakain na" tawag ni Mom samin
Sumunod kami dito at agad kong tinakbo ang agwat namin ni Dad sabay yakap.
"Imissyouuuu Dad" sambit ko.
"Imissyouuuu more my princess" tugon nito at madahan na dinampi ang labi nya sa noo ko.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na kami para sa flight namin bukas papunta sa pilipinas.
Di ko alam kung anong magiging reaction ko pag nakita ko sya o nakaharap.
Galit kaya sya sakin? May girlfriend na kaya sya? Ako pa rin kaya? Naging sila kaya ni Mica? Ano na kaya itsura nya? Bakit kaya di nya ako kinokontak? Galit ba sya sakin kasi di ako nagpaalam sa kanya?
Ughhh sakit sa ulo pano kung ilan sa mga yan OO yung sagot!!
"Daming nagbago" manghang sambit ni Niro habang nakatingin sa labas ng Van namin papunta sa bahay nina Tito Jake.
Nailing nalang ako at pinagmasdan ang nasa labas, madami ngang nagbago pero pano kung kasabay ng mga pagbabago sa paligid ang pagbabago ng mga tao na inaasahan ko sa pagdating ko.
Pagkababa namin ay agad kaming sinalubong nina Auntie Piya at Uncle Jake.
"Welcome back Wilson Family" natatawang bungad ni uncle
Sa kasabikan ko ay agad akong pumasok sa loob pero tila naging bato ako sa aking nakita.
Nakaupo si Bryan habang nakaakbay kay Mica at masayang nanonood sa tablet nito.
Naagaw ko atensyon nila tumingin sila sakin bago binalik ang atensyon sa kanilang pinanonood.
Seriously? Hindi ba ako sasalubungin ni Mica kahit sya lang? Anong meron sa kanila?.
Bago pa tumulo luha ko ay agad akong tinapik ni Kuya Naji.
"Are you ok?" Tanong nito sakin
Ngumiti ako at tumango binaling ko nalang ang atensyon ko kina Uncle na naguusap habang papasok.
"Micaella nandito na mga pinsan mo" Tsaka palang ito tumayo upang salubungin kami.
"Welcome back Janica, Kuya Naji and Kuya Niro also Auntie and Uncle" masayang bungad nya tumango ako sa kanya at nilampasan sila.
Dumiretso ako kay Uncle Josh na karga ang pinsan kong bibinyagan bukas
Nilaro ko ito, ngunit di maiwasan ng mga mata ko na di tumingin sa gawi nila.
Napasulyap si Bryan sakin kaya nagiwas ako ng tingin dito
Why? Shet nasasaktan ako! ughhh i can't breath!
Nagulat ako sa kumiliti sakin kaya naagaw namin ang atensyon nilang lahat.
"Sorry" natatawang sambit ni Bricks
"It's ok ginulat mo ko dun ah" hihinga hinga kong sabi dito.
Agad namang nagiwas ng tingin si Bryan samin, napatingin si Mica kay Bryan bago sakin sabay irap.
Pinagkibit balikat ko ito, niyaya ko nalang si Bricks sa pool para magkwentuhan abala pa din naman sina Uncle at Auntie sa pag uusap.
BINABASA MO ANG
Lost Love (Complete)
RomancePaano kung pinagtagpo kayo pero bawal? Paano kung mahal nyo ang isat isa ngunit kailangang lumayo? Pagpapatuloy nyo ba o kakalimutan nalang ang nakaraan? Basahin natin ang Kwento ni Janica Wilson at Bryan