KABANATA 30

2K 87 37
                                    

This Is the last chapter of Lost Love, Wait for the BookII the Title is "LOST LOVE FOUND"

______________________________________________________________________________________

Kinaumagahan ay agad akong naligo, bumaba ako at naabutan ko silang kumakain ng agahan.

Kita ko sa salas si bryden karga ni Mommy.

Napalingon ito at nagulat sa aking suot.

"Aalis ka?" tanong nito.

"Opo my, may kailangan lang ako puntahan madali lang po ako." Sagot ko sabay halik sa pisngi nito at sa noo ng aking anak.

"Sa-saan naman?" utal nitong tanong.

"Maya ko nalang explain my, ikaw nalang magsabi kay daddy at kina kuya ok? Iloveyou my bye." Nagmamadali kong paalam.

"Si-sige ingat ka ha" sigaw na bilin ni mommy dahil medyo nakalayo na ako.

Pagkalabas ko sa gate ay agad bumusina ang kotse ni Zack sumakay ako sa front seat nito at sa likod nito ay si Mica.

Agad pinaandar ni Zack ang kotse nya patungo sa bahay nina Bryan

"sure ka ba sa nakita mo?" tanong ni Mica na dinungaw ako sa unahan.

"Oo mica sigurado ako, dalawang beses ko sya nakita." Sagot ko dito bago sya hinarap

Sinabi ko sa kanila kagabi kung anong nangyare kaya kasama ko sila ngayon.

Nang pumasok na kami sa subdivision nina Bryan ay bigla akong nakaramdam ng galit at takot.

Galit kasi feeling ko pinagtataguan nya kami ng anak nya, takot kasi paano kung hindi na ako, hindi na kami ng anak nya?.

Nang tumapat kami sa bahay nila ay parang naging bato ang paa ko, tumulo ang luha ko ng makita ang nakadikit sa malaking gate.

House and Lot for Sale

Halos gumuho ang mundo ko, pakiramdam ko ay pinaglalaruan nya ako.

Ano ba para sa kanya lahat ng ito laro?

Sabi nya pakakasalan nya ako?

Sabi nya babalik sya?

Sabi nya intayin ko sya?

Sabi nya lalaban sya para samin?

nasan na mga yun ngayon? Bakit tinataguan nya ako?! Bakit tumatakbo sya? Bakit pakiramdam ko ayaw na nya ako makita pati anak ko?

Hinawakan ni Mica ang braso ko, napatingin ako dito.

"He's gone again" aniya at yumuko.

Lumapit si Zack at dinala ako sa kanyang dibdib halos humagulhol na ako sa iyak.

Siyam na buwan na akong nangungulila sa yakap nya, halos siyam na buwan na din na sa bisig ni Zack ako kumakalma at umiiyak.

"Shh.... we will find him" pag aalo nya sakin at hinaplos ang likod ko.

Hindi ko sya gustong hanapin para sakin gusto ko lang mahanap sya para sa anak namin ayaw kong lumaki si bryden na walang ama alam kong di nya naman mararamdaman yun kasi nanjan si Dad, Kuya Naji at Niro pero iba talaga kasi pag kasama namin sya.

At isa pa ayaw ko din na lumaki si Bryden na si Zack ang makikilala nyang ama.

"Pakidrop ako sa burol na yun" utos ko kay Zack

Tumingin ito ng naguguluhan ngunit sinunod din naman agad nya.

Bumaba ako ganun din ang ginawa ni Mica at Zack.

Nag umpisa na akong umakyat, naramdaman ko ang pagsunod nila.

Tumingin ako sa kanila, tumango naman sila ng nakuha ang gusto kong iparating.
Nanatili silang nakasandal sa kotse at hinayaan ako sa gusto ko.

Nang makarating na ako sa tuktok ay naupo agad ako at tinanaw ang dating tinatanaw naming dalawa

Lumanghap ako ng hangin, tinagtag ko ang engagement ring ko at nilapag ito sa upuan.

Walang saysay ito, tinataguan nya ako o tinatakasan? Wala ako sa panahon para makipag laro sa kanya.

Ang tagal kong nag intay sa kanya tapos ganito gagawin nya?

Huminga ako ng malalim at tumayo.

Tiningnan ko pa ng isang beses ang singsing bago ito nilisan.

Hindi na kita maiintay Bryan, ayaw ko ng laro.

Sana lang ay gumaling ka na sa sakit mo yun na lang hinihiling ko.

"Saan kayo galing? Kumain na ba kayo?" tanong agad ni Mommy na nasa harden habang pinapainitan si Bryden.

"May pinuntahan lang my" ani ko sa ayos na boses ayaw kong ipahalata sa kanya ang mga nangyayare.

Humalik ako sa pisngi ni Mommy at kinuha ang aking anak

"kumain na ba kayo Mica, Zack?" Tanong ni Mommy.

"Dumaan po muna kami sa restaurant sa labas tita Danica bago umuwi." Sagot ni Zack kay Mommy.

Tumango naman si mom at nagpaalam na liligo muna sila dahil kasama sya ni Dad ngayon sa office

Si Kuya Naji naman ay umalis upang puntahan ang Girlfriend nya na nakilala sa States si Ate Cheska.

Si Niro naman ay abala sa online games sa kwarto nya.

"Maging matatag ka nalang para sa anak mo Janica." Simula ni Mica at lumapit sakin bago hinaplos ang braso ni bryden.

Ngumiti ako ng pilit at tumango dito.

"Habang wala pa sya, pinapangako ko na mararamdaman ni Bryden na may daddy sya." Ani Zack at lumapit sakin bago hinaplos ang buhok ko.

"Salamat sa inyo" tanging sagot ko at tinitigan si Bryden.

Im sorry anak kung hindi ko mahanap ang Daddy mo ha ang hirap kasi hanapin ng nagtatago at ayaw magpakita anak.

Pero pinapangako ko sayo na magiging mabuti akong ina sayo.

Ngumiti ako at hinagkan ang maliit na ilong ni Bryden, mahal na mahal ka ni Mommy anak.

Palalakihin kita na hindi mo mararamdaman na may kulang sayo.

Nandito ako palagi para sayo, sina Mom at Dad ang mga tito mo at si...... Zack.

Ngumiti si Zack sakin bago inaya na pumasok na dahil tumitingkad na ang init sa labas

Ngumiti ako dito bago nauna nang pumasok.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon