Pagkalipas ng isang linggo ay nakalabas na kami parehas ng baby ko sa ospital, malusog ang aking anak at wala ni isang kumplikasyon ang aking anak.
Agad na nag pahanda sina Mom ng masasarap na pagkain dahil dito daw mag lalunch sina tita.
Nagpaalam ako na iaakyat muna ang aking anak sa kwarto nya, sinamahan naman ako nina Mica, Kuya Naji, Niro at Zack.
Nang binuksan ko ang magiging kwarto ng anak ko ay naiiyak ako.
Ang nag desinyo nito ay sina Kuya Naji, Niro at Zack.
Naging maayos na naman sina Kuya At Zack nang malaman nilang bumawi ito sa lahat ng ginawa nya sakin, at laking pasasalamat nila na si Zack ang naging katuwang ko sa pagbubuntis ko.
Kahit si Mica at napahawak sa bibig nya ng makita ang buong kwarto ni Bryden.
"Ang ganda ng room ng baby namin." Anang mica.
"Hindi na namin masyadong nilakihan kasi baby pa naman sya." Natatawang sambit ni Niro.
"Ang ganda nya promise." Pag sang ayon ko kay Mica.
Pinagmasdan ko ang aking anak na mahimbing na natutulog sa aking mga bisig.
Dito sya nababagay, sa mundong tahimik.
Pagkatapos naming bisitahin ang kwarto ay bumaba na kami upang mag lunch, kinuha ni Tita Carla sakin ang bata aniya ay busog pa naman sya kaya sya muna ang hahawak kay Bryden.
Sumang ayon ako dito at tsaka naupo sa tabi ni Kuya Naji.
Nilagyan ako ng madaming gulay ni Mommy sabi nya ay mainam ito upang magkagatas ako at kailangan yun ng baby ko.
Pagkatapos ng araw na ito ay umuwi na sina Tito at Tita ganun din si Zack.
"Tawagin mo lang kami babygirl pag kailangan mo ng tulong ha." Ani Niro ilang beses ko nang sinabi sa kanya na sa pangalan na lamang nya ako tawagin pero umaayaw ito kaya pinapabayaan ko nalang sya sa pagiging malambing nya.
"And call manang pag magpapahinga ka na." Dugtong ni Kuya Naji.
Tumango ako sa kanila at madahan na hinele si Bryden.
"Pahinga ka na kaya Anak, si manang na ang bahala kay Bryden." Sabi ni mom na nagaalala sakin.
"My, ok lang po ako gusto ko din alagaan si Bryden." Nakangiti kong usad dito.
Ngumiti lang si Mom at hinalikan ako sa pisngi ganun din ang ginawa ni Niro at Kuya Naji bago si Dad at tsaka nila nilisan ang kwarto ni Bryden.
Habang hinehele ko si Bryden ay biglang lumakas ang hangin sa bintana ng kwarto nya.
Lumapit ako doon para isara ngunit agaw pansin ang lalaking nasa labas mg gate namin.
Nakatingin ito sakin, naka suot sya ng pantalon at jacket na may hood kaya hindi ko ito maaninag.
Umiyak si Bryden kaya tiningnan ko ito bago ginalaw ang braso ko upang patahanin sya.
Dinungaw ko ulit ang bintana ngunit wala na doon ang lalaking nakamasid sakin kanina.
Nakaramdam ako ng kaba, agad kong sinara ang bintana at dumiretso sa crib upang ilagay si Bryden.
Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Manang na umakyat na upang bantayan si Bryden.
Agad itong umakyat ibinilin ko dito na wag na wag bubuksan ang bintana.
Kunot noo itong tumango, agad akong nagtungo sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko.
Nakita ko ang post ni Zack nung nasa ospital kami habang buhat ko si Bryden at naka akbay sya sakin.
Binasa ko ang mga comment doon na napagkamalan na anak nya iyon.
Kapansin pansin ang isang comment na ANG AKING PAMANGKIN. -BricksFontelo
Agad ko itong instalk at nakita kong nakauwi na sila ng Pilipinas.Agad na uminit ang dugo ko, uuwi lang sila dito kasi tapos na pag hihirap ko?
Kung hindi ako nagkakamali ay alam kong si Bryan at nasa labas kanina.
Sabik na sabik akong mayakap sya at makausap pero sa ngayong nandito na sila ay parang ayaw ko nalang na magtama ang landas namin.
Kaya ko ba syang patawadin sa pangiiwan nya? Naiintindihan ko naman kung para yun sa sakit nya, pero bakit kahit call or text di man lang nila magawa na kamustahin o magbalirta sakin.
May hinanakit din ako kina Tito Benedict at Tita Jane lalo na kay ate Jamilla.
Sinara ko ang laptop ko ng may tumawag sakin sa telepono ko.
Sinagot ko ito at narinig ko ang pabulong na pagimik nito.
"Ma'am nandito na po sina Sir Bryan nung isang araw pa po dumating ngayon lang ako nakatawag kasi pinagbawalan nila kami na gumamit ng tele--" naputol ang sinasabi nito ng bigla nyang binaba.
Ka boses nya yung nakausap ko nung umalis sina Bryan, at tsaka nung isang araw pa pala sila umuwi bakit hindi man lang sya magpakita at magpaliwanag sakin lalo na kina mom?
At bakit pinagbabawalan nila ang katulong na gumamit ng telepono? Talaga bang itatago nila samin, sakin na nakauwi na sila?
Anong rason at bakit ayaw nilang may makaalam.?
Napa buntong hininga nalang ako at nag diretso sa banyo.
Naligo ako pagkatapos ay nagblower ng buhok bago humiga at natulog na.
Nagising ako at tiningnan ang oras sa aking cellphone. 2:30 na ng madaling araw.
Bumangon ako at napansin ko ang bukas na bintana sa may balcony ko, ang pagkakaalam ko ay nakasara ito bago ako matulog.
Lumapit ako at lumabas sa balcony bago sinilip ang kabuoan sa labas.
Madilim na at tanging ingay lang ng alon ang naririnig ko.
Tumalikod na ako upang bumalik sa likod ng biglang may narinig akong tumakbo.
Kita ko ang lalaking parehas ang suot ng lalaking nakita ko sa kwarto ni Bryden, palabas ito ng gate namin.
Pano sya nakapasok gayung may guard kami?
Agad akong bumaba at lumabas ng gate upang tingnan kung sino ito.
Kita ko ang guard na natutulog sa may guard house.
Umiling nalang ako at binuksan ang gate upang habulin ang lalaking yun.
Malamig ang simoy ng hangin na nanggagaling sa dalampasigan, napayakap ako sa sarili ko at nag umpisa nang lumakad.
Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at nakita ko ang lalaking naka pulang jacket na tumatakbo palayo sakin.
Sinubukan ko itong tawagin ngunit hindi ito lumingon.
"Mam may problema poba?" nagulat ako ng tinawag ako ng guard namin.
Umiling ako at nilampasan sya, umiinom muna ako ng tubig bago nagdiretso sa kwarto ni Bryden.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang mahimbing itong natutulog sa crib.
Nakita ko si Manang na tulog sa sofa, lumapit ako dito at kinumutan bago ako lumabas at dumiretso sa aking kwarto.
Kung sya nga si Bryan ay hindi nya ako madadaan sa ganito, mamaya pag sikat ng araw ay agad akong pupunta sa bahay nila upang makaharap sya.
BINABASA MO ANG
Lost Love (Complete)
Storie d'amorePaano kung pinagtagpo kayo pero bawal? Paano kung mahal nyo ang isat isa ngunit kailangang lumayo? Pagpapatuloy nyo ba o kakalimutan nalang ang nakaraan? Basahin natin ang Kwento ni Janica Wilson at Bryan