KABANATA 7

1.4K 65 9
                                    

"Bye Baby Girl" ani Niro at pumunta na sa silid nya.

Papunta na kami sa classroom ng biglang humarang si Shiela kasama ang dalawa nyang alipores.

"Hoy!" Panimula nya at dinuro duro ang pinsan ko.

"Hoy ka din!" hasik ng pinsan ko, nagkatinginan kami ni bryan.

Sumugod bigla si Shiela kay Mica kaya nag kagulo, inaawat ko sila ng biglang hinila ng kanyang kasama ang buhok ko dahilan para mapalayo ako sa pinsan ko.

Nilabanan ko ito dahil gusto ko makawala at puntahan ang pinsan ko na pinagtutulungan ni Shiela at ng isa pa nitong kasama.

"JANICA!" Malakas na tawag ng isang lalaki.

Hindi pa din tumigil sa pagsabunot ang nakahawak saking buhok at ganun din ako.

Nakita ko si Niro na hinihila ang babae palayo sakin.

"Ano ito" Salubong samin ng Prof namin.

Lumingon ako sa pinsan ko na gulong gulo ngayon ang buhok habang si Kuya Naji ay nakahawak kay Shiela at si Bryan naman ay sa kasamahan nito.

"Go to the Principal Office" Napalingon ako ng marahas kay Prof na umuna na sa paglalakad.

"Baby girl are you ok?" Ani Niro at binitawan ang babaeng hawak nya sabay ayos ng buhok ko.

Lumapit na din sakin si kuya Naji.

"Janica I'm sorry" Usisa ni Shiela sakin.

"Fuck you" Ani Mica at hinila na ako palayo.

"Janica I'm so dissapointed to you" Galit na sigaw ni Dad at umakyat na sa taas.

"Jerome" tawag ni Mom at sinundan si Dad.

Pag kagaling namin sa Office ay kinausap kami at na suspend ng 2 days.

"I'm sorry Mae" Ani Mica at hinawakan ang likod ko.

Nilingon ko sya na mangiyak ngiyak, nginitian ko sya para sabihin na ok lang ...

Dito muna sila dumiretso sa bahay dahil maaga pa, mas napaaga kasi ang pauwi samin at kina Shiela dahil sa pagkakasuspend .

"Are you ok?" Tanong ni Bricks.

Tiningnan ko sya at nginitian.

Dumating si Kuya Naji at Niro na may dalang meryenda para samin.

"Ano ba nangyari?" Tanong ni Niro habang pinamimigay ang juice at sandwich.

"Sila naman ang nauna" giit ni Mica.

"Na suspend tuloy kayo" Ani Bryan.

"Ayos lang" ani ko at sumimsim ng juice.

"Hindi naman daw ikaw ang kaaway nila" Ani kuya Naji at lumingon kay Mica ng matalim na ikinayuko nito.

"Kuya pinagtutulungan nila si Mica anong gusto mong gawin ko tumingin lang" Ani ko

"I mean dapat di ka na nakipag sakitan" dagdag pa nya.

"Kuya umaawat lang ako di ko naman alam na bigla akong susugudin nung kasama nya." Depensa ko pa.

"Tama sya" Ani Bryan at tumingin sakin.

Lumapit sina Kuya Naji at Niro sakin kaya napaisod si Mica na nasa tabi ko.

"Wag mo nang uulitin yun ha!" Ani Niro at hinawakan ang ulo ko.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon