KABANATA 18

822 51 1
                                    

Tanging ingay lang ng mga magulang namin ang maririnig sa hapag kainan, Nagkwekwentuhan sila about sa bussiness at minsan naman ay napapadako sa mga nakaraan nila.

"Janica" nasamhid ako ng marinig pangalan ko.

Agad namang ibinigay ni Kuya Naji ang baso na may tubig sakin.

"Are you ok" tanong ni Dad na naagaw ko ang atensyon nila.

Tumango ako dito bago sumimsim sa basong binigay ni Kuya Naji.

"Im sorry" paghingi ng umanhin ni Ate Jamilla.

"No no no It's ok ate what's that?" sambit ko bago binitawan ang baso.

Nagpatuloy sina Auntie at Uncle sa kanilang pag uusap.

"Kamusta sa States?" tanong nito

Tumingin ako kay Bryan na seryoso sa pag kain

"ayos naman po, madami din akong natutunan dun"sagot ko dito.

Tumango ito at tumingin kay Kuya Naji.

"How about you Naji?" tanong nya

Hindi ko na masyadong inintindi ang kanilang pag uusap, after ko kumain ay nagpaalam na akong pumunta sa taas para magpahinga.

Naglinis ako ng katawan bago nahiga sa kama at inabala ang sarili sa panonood ng movie sa laptop ko.

Napabalikwas ako ng may kumatok sa pintuan.

Tumayo ako at tsaka pinagbuksan ito.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ito.

"Mica?" bigkas ko sa kaharap ko

Ngumiti ito sakin na ginantihan ko naman

"Pasok ka" anyaya ko sa kanya

"Busy ka ba?" tanong nya pagkalampas sakin.

"Ah hindi naman, nanonood lang ako." Sagot ko dito at lumapit sa laptop ko.

Naupo sya sa kabilang dulo ng kama at tumingin sa laptop ko.

"Balita naman may boyfriend kang iniwan sa States" taka akong tumingin sa kanya

"How did you know?" Kunot noong tanong ko dito.

"Alam mo naman si Kuya Niro madaldal, napagusapan ka namin kanina sa baba pag akyat mo." Kibit balikat nyang sabi at kinuha ang laptop ko.

May tinipa sya dun at iniharap sakin nakita ko dun ang muka ni ZACK DUTCH sinearch nya pala sa social acc ko.

Napailing nalang ako at agad na kinuha ang laptop sabay pindot ng off button.

"Ah oo boyfriend ko sya busy sa bussiness nya kaya di ko naisama e kayo ni Bryan kamusta?" Iwas tingin kong sagot, di ko maiwasan na itanong kung ano sila.

"Kami? Ayos naman kami." Sagot nya na nakapag patango sakin.

Natulala ako ng ilang saglit bago sya umimik.

"Baba na ako nagiintay si Bryan e" paalam nito, tumango lang ako ng di sya tinitingnan.

Pagkasarado nya ng pinto ay agad kong pinakawalan ang hininga ko.

Ang sakit! Bakit ganun? Ang hirap huminga! Iniwan ko si Zack para sa kanya kasi akala ko Ako pa! Akala ko mahal pa nya ako! Di ko maisip na ganito ang mangyayare pag uwi ko.

Tumayo ako at kinuha sa bag ko ang isang box, binuksan ko ito at tuloy tuloy ang patak ng luha ko pagkita ko sa sing sing na binigay nya sakin.

Tinupad nya kaya promise nya sakin? Na ako lang dadalhin nya dun? Pano kung dinala nya dun si Mica? Pano kung dun din sila nagawa ng memories! 

Humiga ako at sinuot ang sing sing na binigay nya.

Pumikit ako at pinilit inalala lahat ng masasayang ala ala habang kasama sya sa tuktok ng aming tagpuan.

Kusang nag sidaluyan ang luha ko sa mga pisngi ko.

"Babyyyyygirlllllll" sigaw ni Niro pagkapasok sa kwarto ko

mumukat mukat akong tumingin dito na nasa tabi ko habang nakayakap.

"WHAT!" hasik ko dito

"Wake up na mag ready ka na para sa binyag ni baby." Yug yog nito sakin

Tumingin ako ng masama dito bago tumango.

Nag peace sign ito at agad na lumabad ng kwarto ko.

Kinukusot ko ang mata ko habang papunta sa cr.

Pagkatapos kong maligo at humarap ako sa salamin habang nagbloblower ng buhok.

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang # ni Cheska.

"Yes? Kamusta? Nagkita na ba kayo?" Sunod sunod nitong tanong sakin.

Ngayon ko narealize na maling tumawag ako dito halos bumalik lahat ng ala ala sakin.

"I will call you later" nagmamadali ko nang pinatay ito.

Pagkatapos kong mag blower ng buhok ay nagmake up na ako ng light tsaka sinuot ang highwaist kung pants na kulay puti at hanging blouse na kulay puti din.

Nag curl ako ng buhok at nang makuntento na sa aking itsura ay bumaba na ako.

Nadatnan ko sina Mom and Dad na paalis na.

"MOM" tawag ko dito na kinalingon nya

"Goodmorning ija,Nandun sila sa dining kailangan na namin umuna dun sumunod nalang kayo." Nagmamadali itong bumeso sakin bago umalis.

Dumiretso ako sa Dining at umupo sa gitna ni Kuya Naji at ni Ate Jamilla.

Naging tahimik ang hapag kainan hanggang sa nagsimula na kaming mag alisan papunta sa simbahan kung saan bibinyagan si Baby Josh Jr ang anak ni Uncle Josh.






Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon